CHAPTER 90: PAGBABALIK SA SIYUDAD

49 2 0
                                    

Makaraan ang dalawang araw na biyahe pabalik nang mag-amang Archie at Arman, naglakad sila pauwi ng kanilang bahay mula sa binabaan nilang airport.

Tila nasanay nang maglakad ang dalawa ng pagkahaba-haba na hindi umaasa sa mga sasakyan na nakikita nila. Mula sa daan, nasalubong nila ang pamilyar na lalaki na kagagaling lang sa eskinita papunta sa kanilang bahay.

Jett: "Uy!! Mang Arman! Archie! Welcome back sa inyo! Kamusta ang bakasyon nyo?"

Arman: "Sulit ang bakasyon namin! Lalo na si Archie. Nagkaroon sya ng jowa sa isla na binakasyunan namin."

Archie: "Tay naman! Hindi nyo naman kailangang ipagsabi kay Jett."

Jett: "Ayaw mo lang makantyawan eh."

Archie: "Eh ikaw Jett. Kamusta bakasyon mo?"

Jett: "Gusto mong malaman? Halikayo! Sundan nyo ako."

Bumalik ng eskinita si Jett upang ipakita nya sa mag-ama ang pinagkakaabalahan nito sa buong bakasyon. Pagdating sa eskinita, tumambad ang mga binatilyo na nakahiga sa semento at may mga natamong black-eye. Napangisi na lang ang mag-ama sa kanilang nakita.

Jett: "Yan ang pinagkakaabalahan ko sa buong bakasyon. Binubugbog ang mga nagtatangkang manambang sa'yo. Hindi lang iyan, pati pinsan mo pinagtangkaan nilang bugbugin dahil akala nila tinatago ka ng pinsan mo sa loob ng bahay nyo. Kaya naman naging gawain ko na araw-araw ang pagbabantay sa pinsan mo."

Archie: "Teka! Nakilala mo na ang pinsan kong si Albert?"

Jett: "Oo. Nung minsan na binugbog din sya ng mga yan. Buti na lang naisipan kong silipin ang bahay nyo, isang buwan, makaraan ang pag-alis nyo sa bahay nyo at naaktuhan ko yan mga yan."

Arman: "Grabe!! Jett! Parang naging libangan mo na ang magbantay sa bahay ha. Pero nagpapasalamat ako sa'yo dahil concern ka din sa bahay ko at sa pamangkin ko."

Jett: "Walang anuman po yun. Mang Arman. Tsaka samahan ko na po pala kayo sa bahay nyo. Pinalitan po kasi nila ang pinto nung kapatid at pamangkin nyo."

Archie: "Jett salamat talaga."

Sinamahan ni Jett ang mag-ama pabalik ng kanilang bahay. Pagdating nila sa kanilang bahay, laking tuwa nito na makita na bago ang kanyang pinto. Kinatok ng pagkalakas-lakas ni Jett ang pinto kung saan hindi natuwa si Arman sa kanyang pagkatok. Pagkatapos nyang kumatok, sumagot si Albert mula sa loob.

Albert: "Siiino yaaaan?!"

Jett: "Si Jett ito. Kasama ko si Mang Arman at si Archie. Kaya buksan mo na ang pinto."

Agad na lumapit ang mabilis na yabag ng mga paa mula sa loob papunta sa pinto at bumukas ito. Lumabas ang maputing lalaki na hawig ni Archie ngunit sa kulay lang ng mata lang sila nakaiba kung saan kulay ng kape ang kanyang mga mata.

Albert: "Uncle Arman! Archie!! Nakabalik na pala kayo!"

Arman: "Oo, Albert. Kababalik namin. Asan ang tatay mo?"

Jett: "Mas mabuti kung pumasok na kayo sa loob, Mang Arman at Archie ng makapagpahinga na kayo. Tsaka aalis na din ako, maggrogrocery pa ako sa mall."

Archie: "Sige! Salamat Jett at mag-ingat ka sa daan."

Jett: "Walang anuman. Kita na lang tayo sa School next month."

Agad ng Umalis si Jett para maggrocery.

Pagpasok nila Arman at Archie. Agad silang binati ng tatay ni Albert. Matapos nun, pinag-usapan nila ang pagtransfer ni Albert sa eskwelahan kung saan nag-aaral si Archie at naging maayos ang pag-uusap nila kung saan titira si Albert sa bahay nila.

Matapos silang mag-usap, agad ng naghapunan ang magkakamag-anak at natulog ng maaga.

Pero si Archie, hindi pa makatulog kaya isinaayos nya na muna sa kanyang drawer ang mga gamit nya mula sa bag. 

Matapos nyang mailagay ang kanyang gamit sa drawer, huli nyang nakita ang kanyang kwintas kung saan iniisip nya kung anu kaya ang kalagayan ni Rochel mula noong umalis sya. Ngunit hindi nya rin maiwasan maalala ang mga magagandang ala-ala nila ni Rochel na magkasama.

Kaya naman naisip nyang isuot ang kwintas sa kanyang pagtulog upang sa ganun ay maalala nya sa kanyang isipan ang pakiramdam ng pagyakap sa kanya ni Rochel.

Ang Misteryosong Kaso Ng Pagkawala Sa Isla Paradisio (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon