CHAPTER 49: NINANG

36 2 1
                                    

Pagkagaling sa bundok, dinala na nila Rochel at Archie ang napitas nilang mga bunga ng mangga sa stall kung saan nagbebenta ng prutas ang nanay ni Rochel sa palengke.

Nanibago ang nanay ni Rochel sa kanyang anak kung saan may kasama si Rochel.

Nanay ni Rochel: " Aba Anak, di ko alam na may kasama ka? Sino naman etong mabait at pogi mong kaibigan?"

Rochel: "Nay, siya po yung Apo ni Lola Lita na dayo po dito sa lugar natin.

Nanay ni Rochel: "Apo ni Lola Lita? Ang alam ko, ang apo lang niya ay si Shiela at si Buboy na anak ni Marcel. Maliban na lang kung.......

Nagulat ng husto ang nanay ni Rochel nang napagtanto nya ang tungkol sa pagkakakilanlan ni Archie.

Nanay ni Rochel: "A...a..Anak ka ba ni Cecil?!! Ikaw ba si Archie?!!!"

Rochel: "Nay?!!! Bakit po?! Sino po yung Cecil? At panu nyo po nalaman na Archie po pangalan nya?!"

Archie: "Opo. Tama po kayo. Nanay ko po si Cecil. At ako po si Archie. Bakit po?"

Biglang tumili ng pagkalakas-lakas at niyakap siya nito ng malaman ng nanay ni Rochel na ang kasama ng anak nya ay si Archie na anak ni Cecil na binatilyo na. Naguluhan naman ng husto si Rochel sa reaksyon ng kanyang nanay.

Rochel: "Nay?!! Naguguluhan po ako! Bakit nyo po niyakap si Archie na parang hindi nyo siya nakita ng matagal?!"

Nanay ni Rochel: "Haaaaay!!! Naku! Jusko!! Ang tagal kong hindi nakita etong inaanak ko sa binyag!"

Rochel: "A..A...ANU PO?!!!!!"

Nagulat ng husto si Rochel sa nalaman nyang rebelasyon mula sa kanyang nanay.

Archie: "Ni...Ninang ko po kayo sa binyag?"

Rochel: "Nay! Totoo po ba yun?!"

Nanay ni Rochel: "Oo anak. Matalik kaming magkaibigan noon ni Cecil. Mula high school hanggang sa nakapag-asawa na kami, talagang bestfriends kami ng nanay mo Archie. Noong umuwi sya dito, ipinagbubuntis ka na nya noon at dito ka na rin nya ipinanganak. Tsaka dito ka na din nya ipinabunyag kung saan ako yung kinuha ng nanay mo na maging ninang niya sa'yo."

Hindi makapaniwala si Rochel sa kanyang nalaman tungkol sa kung paano naging Ninang ni Archie ang kanyang nanay. At may idinagdag pang kwento ang nanay ni Rochel sa kanila.

Nanay ni Rochel: "Tsaka naalala ko, talagang natatawa ako kapag naalala ko yun. Noong kasagsagan ng binyag mo, habang nakahawak kami ng kandila, aksidenteng nasunog ni Fred ang likod ng barong ni Tiyo Marcel mo at talagang umapoy ang likod nya. Yung pari, halos ibuhos na ang dala nyang holy water kay Marcel. Kaya kung di nyo napapansin, masama pa rin hanggang ngayun ang loob ni Marcel kay Fred."

Napabulong si Archie sa tenga ni Rochel tungkol sa ikuwinento nito sa kasagsagan ng binyag.

Archie: "Natatawa ang nanay mo sa nangyaring iyon? Eh parang may halong kamalasan ang binyag ko noon.

Rochel: "Wala akong magagawa kung hindi nya makalimutan yun. Tsaka wala ka talagang maasahang maganda kapag meron si Tito Fred."

Archie: "Tito mo si Mang Fred?"

Rochel: "Pwedeng wag muna natin syang pag-usapan?"

Archie: "Ok. Sabi mo eh."

Matapos magbulungan ang dalawa, muling nagsalita ang nanay ni Rochel.

Nanay ni Rochel: "Tsaka isang bagay pala, labis akong nalungkot noong nalaman ko na namatay sa sakit ang nanay mo, Archie. Gusto ko sanang pumunta sa lamay nya kaso wala akong pampamasahe papunta Selma. Pasensya na talaga at ikinalulungkot ko ang nangyari kay Cecil."

Halata sa reaksyon ng nanay ni Rochel na nangungulila pa rin ito sa pagkamatay ng nanay ni Archie. Kaya naman nagsalita din si Archie at nagpasalamat sa nanay ni Rochel.

Archie: "Wag na po kayong mag-alala. Kung asan po si nanay ngayun siguradong masaya po sya dahil hindi nyo pa rin kinalimutan ang pagkakaibigan nyo pong dalawa. At nagpapasalamat po ako dahil naikwento nyo po ang tungkol po kay nanay. Kapag kasi si tatay ang tinatanong ko, tumatahimik siya at nagkukulong sa kwarto. Kaya naman nagpapasalamat po ako ng husto."

Dahil sa mga salitang binitiwan ni Archie, niyakap siya ng mahigpit ng nanay ni Rochel.

Nanay ni Rochel: "Ang bait talaga ng inaanak ko. Dahil jan, bibigyan kita ng 4 na mansanas. Pang bawi ko sa mga nagdaang pasko na hindi kita nabigyan.

Rochel: "Nay! Seryoso po ba kayo?! Eh ibibigay nyo yan ng libre kay Archie?"

Nanay ni Rochel: "Anak, minsan ko lang sya makita na bumisita dito. Kaya naman lubusin ko nang ibigay sa kanya kung anu ang dapat na binigay ko sa kanya noon."

Archie: "Thank you po! At hindi nyo naman po kailangan na ibigay lahat ng bagay na nagkulang kayo, para lang makabawi po kayo sa mga paskong nagdaan po, Ninang."

Nanay ni Rochel: Ang bait-bait talaga ng inaanak ko! Tsaka tawagin mo na lang akong Nanay Sisa. Total para na kaming magkapatid noon ng nanay mo.

Rochel: (ANOOOOOOOOOOOOO?!!!!!! NANAY??!!!!! I..i..ipinagkakasundo na ba ako ni nanay sa kanya?!!!!!!)

Archie: "Thank you po ulit! Nanay Sisa!"

Rochel: "Nanay?!!!! Tinawag mo bang nanay ang nanay ko?!!!!" (Hindi nangyayari to!!!)

Archie: "Oo. Tinawag ko syang Nanay Sisa. Eh sabi naman ng nanay mo tawagin ko siya—"

Rochel: "EEEEEEEEEEEEEEEEKKKKK!!!"
(Hindi ito totoo!! Boto si nanay na maging jowa ko siya!!!!)

Tumakbong nagtititili at pulang-pula ang mukha ni Rochel, paalis ng palengke. Nagtinginan naman halos lahat ng tao sa palengke dahil sa inasal ni Rochel.

Archie: "Anung nangyari sa kanya? Bakit bigla siyang tumakbo?"

Nanay Sisa: "Sa tingin ko, alam ko na kung bakit. Archie, pwedeng humingi ng pabor? Pwede mo bang pakihanap si Rochel para sa akin?

Archie: "Opo! Sige po. Hahanapin ko po siya. Nagatataka rin po ako kung bakit ganun na lang ang inasal nya.

Nanay Sisa: "Salamat Archie ha. Napakabait talaga ng inaanak ko."

Umalis na ng palengke si Archie upang hanapin si Rochel dahil sa hindi malamang dahilan ng biglaang pagtakbo nito.





Ang Misteryosong Kaso Ng Pagkawala Sa Isla Paradisio (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon