CHAPTER 53: DALAW

34 2 0
                                    

Pagkauwi ni Archie, agad na syang naghapunan kasabay ng buong mag-anak, sa bahay ng kanyang lola.

Tulad ng mga nakaraang araw, nag-usap-usap lamang sila sa kung anu ang ginawa nila sa buong araw.

Pagkatapos nilang kumain, tumulong na agad si Archie sa paghuhugas ng mga pinggan at nagsaayos ng mga upuan sa mesa.

Matapos gawin ang mga konting gawain, agad na rin syang pumunta sa maliit nyang kuwarto at natulog na ng maaga upang makabawi ng lakas para sa mga gawain na ipapagawa ni Rochel sa kanya.

Kinabukasan, gaya ng dati. Muling nagbalita ang magtataho kay Celito ng panibagong kaso ng mga nawawalang tao sa buong isla.

Sa pagkakataong ito at sa hindi pa ring maipaliwanag na dahilan, nadagdagan ng 7 katao ang nawawala sa isla at hindi pa rin nahahanap ang mga dating nawawalang tao.

Umabot na sa 41 ang total na bilang ng mga nawala magmula sa unang naitalang kaso sa nakalipas na buwan. Nagpasalamat muli si Celito sa magtataho dahil sa muling pagbabalita nito sa kanya.

Paggising ni Archie, agad din nyang ginawa ang kanyang dating nakagawian tuwing umaga at umalis ng bahay. Muli syang nakipagkita kay Rochel na naghihintay sa labas ng bahay ng kanyang lola.

Archie: "Aba! Rochel! Napaka-aga mo ata ngayun?"

Rochel: "Oo. Kasi marami tayong oras na magagamit sa pangangahoy lang. Kaya kailangan maaga tayo. Tsaka hintayin lang natin sandali si Tito Fred kasi sasamahan nya daw tayo."

Archie: "Sasamahan tayo ni Mang Fred? Di ba madalas siyang nangingisda sa mga oras na to?"

Rochel: "Oo. At nakapagtataka na bigla siyang nagka-interes na sumama sa atin sa pangangahoy. Wala nga din akong ideya kung bakit hinayaan niyang isama din sa atin yung dalawa mong pinsan."

Archie: "Si Shiela at Buboy? Sasama din sa atin?"

Matapos ni Archie na magtanong, sakto namang dumating si Shiela at Buboy. Bumati ng yakap si Shiela sa pinsan niyang si Archie na ikinairita ni Rochel sa magpinsan.

Shiela: "Archie, sasama ka din?"

Archie: "Oo. Kasi sasamahan ko si Rochel sa pangangahoy din nila ng Tito Fred niya."

Shiela: "Ah! Oo. Kaya pala andito din si Rochel."

Buboy: "Rochel, parang umagang-umaga badtrip ka ata.

Rochel: "Hindi. NAKAKATUWA NGA EH.

Buboy: "Weh. Di nga.

Archie: "Oo nga. Rochel. Tama naman sinabi ni Buboy. Bakit nga ba umagang-umaga nakasimangot ka na agad?"

Rochel: "Ang sabi ko, wala!"

Buboy: "Grabe! Ang sungit. Tinatanong ka lang naman ni Archie."

Rochel: "Tumahimik ka nga pwede.

Shiela: "Kaya nga Rochel. Ang sungit mo nga eh. May dalaw ka ba ngayun?

Archie: "Anung dalaw yun Shiela?"

Rochiel: "Shiela. Wala akong dalaw. At OK lang ako.

Archie: "Hindi ko maintindihan ang sinasabi nyo, Shiela, Rochel. Anung dalaw yung sinasabi nyo?

Buboy: " Archie, yung dalawa, yun ay kung saan naglalabas ang babae ng maduming dugo doon sa pwe—"

Rochel: "HOY!!!!"

Shiela: "Buboy!! Saan mo natutunan yan sinasabi mo ha?!!!

Rochel: "Patahimikin mo na nga kasi yan kapatid mo!! Kanina pa yan eh!"

Archie: "Alam nyo naguguluhan na ako. Anu ba kasi yan dalaw na yan ha?!"

Rochel: "Kami na lang, na mga babae ang nakakaalam nyan at wag mo ng alamin!!"

Archie: "Bakit hindi ko pwedeng alamin? Gusto kong malaman kung anu yan dalaw na yan"

Rochel: "Baka gusto mong malaman kung gaano kalakas ang tama ng kamao ko sa mukha mo?!"

Archie: "Ha?!! Nagtanong lang ako tungkol jan sa dalaw na yan! Eh..wala naman akong nasabing masama ah!!

Shiela: "Archie, pasensya na. Pero privacy naming mga babae yung dalaw.  Sabihin na lang natin, na pagbigay respeto na lang sa aming mga babae na hindi na kailangang malaman pa ng mga lalake. Kaya kung OK lang sana maintindihan mo."

Rochel: (Ang galing naman magpaliwanag ng babaeng to kay Archie)

Archie: "OK. Sige di na ako magtatanong bilang respeto na lang sa inyo."

Rochel: (A...ANUUU?!!! Kinausap nya lang ng masinsinan si Archie, napatigil nya na sa pagtatanong etong lalaking to!!!)

Archie: (Mahilig na ngang magtago ni Rochel ng mga sikreto, pati ba naman sa ordinaryong tanong hindi nyo pa ipapaalam. Tapos si Shiela parang kinampihan pa si Rochel.)

Shiela: (Hindi ata maintindihan ni Rochel na sadyang madaling kausap si Archie kung kakausapin mo nya ito mahinahon. Hindi talaga kayo magkakaintindihan, Rochel, kung lagi mo sya sinasaktan.)

Buboy: (Magsasalita na nga din ako sa isip ko!!! Akala nyo kayo lang!!! Magiging member na ako ng EX-MEN kapag na master ko na ang magsalita sa aking isip!!!)

Maya't maya, dumating na si Fred upang samahan sila sa kanilang pangangahoy.

Ang Misteryosong Kaso Ng Pagkawala Sa Isla Paradisio (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon