CHAPTER 73: DISMAYA

34 3 0
                                    

Matapos marinig nila Arman, Marika at ng mga kasamahan nila loob ng bahay, di nila maiwasan na maisip kung totoo ba o haka-haka lang ang kwento ni Lola Lita sa kanila.

Ngunit si Marika, naniniwala sa kanyang sarili na totoo ang kwento ni Lola Lita sa kanila.

Marika: "Nanang, kung totoo po ang mga sinabi nyo? Ibig sabihin kailangan nating puntahan ang sinasabing gitnang-gubat ng isla. At pigilan yan Aswang na yan sa pangunguha ng mga tao."

Mula sa sinabi ni Marika, naisip ni Lola Lita na marahil ay kumukuha ng tao ang Aswang na si Urdano bilang pangbawi ng lakas sa natamong pinsala nito noon at paalala na rin sa isla na nagbalik na ito.

Ngunit napansin ni Lola Lita na hindi kumbinsido ang mga kasamahan nilang mga lalaki dahil sa nasa modernong panahaon na at maaring kwentong bayan na lang ang kwento ni Lola Lita.

Lola Lita: "Iha. Nagpapasalamat ako sa'yo dahil naniniwala ka sa aking kwento pero hindi kita matutulungan sa mga pinaplano mo."

Marika: "Pero may posibilidad na maaring totoo rin din po ang mga kwento nyo, di po ba?"

Marcel: "Ayoko man sana sabihin to pero, kailangan mayroon akong makitang ebidensya na totoong gumagala ang Aswang na yan dito sa isla."

Marika: "A...ANU?!! Seryoso ba kayo?!!

Arman: "Marika, pasensya na pero tama din naman si Marcel. Hindi maniniwala ang mga tao dito sa buong bayan na wala silang makikitang katibayan na totoo ang Aswang na tinutukoy ni nanay. Tsaka ikaw na din mismo ang nagsabi na hindi ka naniniwala sa mga mahika at mga orasyon noong minsan na nag-usap tayo."

Nadismaya si Marika sa mga nasabi sa kanya nila Arman at Marcel. Sila Fred at Celito naman ay sunod sa layaw na lang din nung dalawa. Kaya naman, pinili na lang na umalis ni Marika.

Marika: "Sige. Kung sabagay, tama kayo. Sinu namang tao ang mag-aabala na maniwala pa sa kwentong-bayan sa panahon ngayun. Pero Nanang, maniwala po kayo sa akin, naniniwala po ako sa kwento nyo base sa mga research na ginagawa ko dito sa isla magmula noong pumunta po ako dito."

Lola Lita: "Salamat at naniniwala ka sa akin, Iha. Mag-iingat ka sa pag-uwi mo sa tinutuluyan mo."

Marika: "Opo. Walang anuman po."

Pag-alis ni Marika sa bahay ni Lola Lita. Agad namang bumalik sa paghahanda ang mga Tito at Tatay ni Archie sa pagpunta sa tabing-dagat. Nang magtanong si Rochel kay Archie.

Rochel: "Archie, naniniwala ka ba sa kwento ng lola mo?"

Archie: "Hindi ko alam. Tsaka anu ba yung Aswang na sinabi nila?

Lola Lita: " Ang Aswang ay isang nilalang na kayang magpalit sa iba't anyo upang mambiktima ng mga tao o hayop. Kadalasan na kinakain ng mga aswang ay mga tao. Kaya naman wag kayong magpapagabi lalo na kung mag-isa lang kayo."

Sinagot sila ni Lola Lita ng marinig ang dalawa na nag-uusap.

Archie: "Eh anu naman po yung Babaylan po Lola?"

Lol Lita: "Ang mga Babaylan ay kumbaga parang mga naghalong manggagamot, salamangkero at pari noong unang panahon dito sa ating bansa. Mataas ang pagkilala sa mga Babaylan dahil sa sinasabi na may kakayahan ang mga Babaylan na makipag-usap sa mga mensahero ng mga bathala ayon sa pagkakaalala ko sa sinabi ng lolo ko noong nabubuhay pa sya."

Archie: "Ahhh....ganun po ba lola?"

Lola Lita: "Bakit apo? Naniniwala ka ba?"

Archie: "Hindi ko po alam, lola."

Lola Lita: "Hindi mo kailangan pilitin ang sarili mo na maniwala sa akin, apo. Basta't mag-iingat kayo lagi."

Archie&Rochel: "Opo.

At bumalik na si Lola Lita sa kanyang mga dating gawain. Naalala naman ni Rochel ang dapat nyang sasabihin kay Archie kanina bago dumating si Marika sa kanila.

Rochel: "Oo nga pala!! Naalala ko. Archie, gusto mo bang sumamang magpicnic sa bundok kasama namin?"

Archie: "Sa bundok?"

Rochel: "Oo. Kasi marami nang tao dito sa dagat. Kaya pupunta naman kami sa sapa sa bundok."

Archie: "Oo. Sige ba! Magpapaalam lang ako kay tatay."

Rochel: "Sige."

Nagpaalam si Archie sa kanyang tatay na sasama sya sa Picnic nila Rochel sa bundok. Pumayag naman si Arman sa kanya.

Agad namang naglakad sina Rochel at Archie papuntang bundok sa may sapa. Sa may sapa, naglakad pa sila papunta sa lokasyon ng minifalls kung saan una silang nagkita ni Rochel.

Pagdating sa minifalls, nagtaka si Archie dahil akala nya, nauna na sa kanilang pupuntahan ang mga magulang ni Rochel ngunit nadatnan nilang walang tao sa lugar kung saan sila magpipicnic.

Archie: "Rochel, bakit parang wala ang parents mo dito sa minifalls? Di ba dapat nandito sila?

Rochel: "Ehh...anu...tungkol jan. Ang totoo hindi natin sila kasama."

Archie: "Teka! Anu?!!!! Ibig mong sabihin?!!"

Rochel: "Oo. Dalawa lang tayong magpipicnic dito."

Archie: "Seryoso ka?!"

Rochel: "Oo. Bakit? Masama bang magpicnic na tayo lang dalawa?"

Ang Misteryosong Kaso Ng Pagkawala Sa Isla Paradisio (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon