CHAPTER 39: BALITA NG MAGTATAHO

37 5 0
                                    

Pag-uwi nila Archie sa bahay, sila'y tinawag na agad ni Lola Lita sa hapag-kainan. Napansin ni Archie na hindi humarap sa mesa ang kanyang tatay. Kaya tinanong ni Archie ang Lola nya kung asan na ito.

Archie: "Lola, kumain na po ba si tatay? Bakit hindi po sya sasabay na kakain sa atin."

Lola Lita: "Eh siguro na-bad trip ata sya kay Fred. Kaya nauna nang kumain kanina. Tsaka natulog na agad."

Celito: "Wag kang mag-alala sa tatay mo. Bukas maganda na naman mood nyan basta hindi lang muna nya makita si Fred. Sigurado ako, biktima na naman ng kapalpakan ni Fred yan tatay mo kaya ganyan. Tsaka hayaan mo na muna siya ngayun at kumain ka na ng hapunan."

Shiela: "Tito, Lola, uwi na po ako sa bahay."

Archie: "Uuwi ka na? Hindi ka ba sasabay na kumain sa amin?"

Shiela: "Hindi na. Baka sabihin na naman kasi ni nanay na nakikain na naman ako dito para makaiwas sa paghuhugas ng pinggan. Kaya uuwi na ako."

Archie: "OK. Ingat sa pag-uwi. Tsaka salamat din kasi tinuruan mo ako kung paano lumangoy."

Shiela: "Oo na. Walang anuman, Archie. Tsaka nakatira lang naman ako jan sa kabilang bahay kaya wala ka dapat ipag-alala."

Archie: "Ay! Oo nga pala noh. Hahaha!! Sige salamat ulit."

Aalis na sana si Shiela nang may maalala siyang sabihin ka Archie.

Shiela: "Oo nga pala! Naalala ko, Archie, gusto mo bang sumama sa amin bukas sa bundok? Para naman makita mo kung paano kami nangangahoy ni tatay."

Archie: "Sige! Sasama ako. Gusto ko din subukan."

Biglang pumagitan sa usapan si Lola Lita nang marinig nya na sasama si Archie sa bundok.

Lola Lita: "Hep! Hep! Hep!! Sandali lang, Shiela. Kung isasama nyo bukas etong si Archie sa pangangahoy nyo ng tatay mo, siguraduhin mo na hindi tuturuan ng tatay mo na magnakaw ng ibang tanim ng ibang tao etong si Archie. At bantayan mo ng mabuti yan tatay mo. Dahil ayoko na may marinig na naman akong reklamo mula sa barangay at ayokong madamay din si Archie sa kalokohan ng tatay mo. Kaya siguraduhin mo na binabantayan mo sila pareho ha?!"

Shiela: "Opo lola. Makakaasa po kayo."

Archie: "Wag na rin po kayo mag alala sa akin po bukas Lola. Kapag napansin ko po na may mali po sa ginagawa ni Tiyo Marcel, iiwas po ako sa kanya."

Lola Lita: "O sige. Makakaasa ako sa inyo na hindi kayo madadamay sa gulo mga apo ha?"

Archie&Siela: " Opo!!"

Shiela: "Sige po! Uwi na po ako Lola. Archie, magkita na lang tayo bukas."

Lola Lita: "Sige iha."

Archie: "Sige!"

Umalis na si Shiela at umuwi na sa kanilang bahay. Matapos kumain ng hapunan, tumulong si Archie sa paghuhugas ng pinggan na kinainan nila. Habang nag-igib naman ng tubig sa banyo ang kanyang Tiyo Celito.

Matapos ang kanilang gawain. Natulog na si Archie sa sobrang pagod sa buong araw. Ganun din ang kanyang lola. Habang ang Tito Celito nya ay nanood pa ng TV bago matulog.

Kinaumagahan, maagang nagising si Arman at nagdilig ng halaman. Sumunod namang nagising si Celito sa kanya at hinahanap ang magtataho. Nang dumating ang magtataho, ibinalita nya ang narinig nitong balita mula sa sentro ng kanilang bayan kay Celito. Nakisali naman sa usapan si Arman.

Magtataho: "Eto na boss ang taho nyo. Alam nyo ba? May nawala na namang tao dito sa lugar natin."

Celito: "Ha?!! Na naman?! Pang ilan na pare yung nawala dito sa bayan natin?"

Magtataho: "Pang 31 na pare kung ihahalo sa mga nawala nuong nakaraan."

Arman: "Tama ba yung narinig ko, 31 na? Eh kahapon 25 lang yun ah?!"

Magtataho: "Ito kasi pare ang nakakakilabot na narinig ko, bawat bayan sa isla natin, may isang tao na nawawala, ang nakapagtataka, sabay-sabay silang nawala."

Celito: "Alam naman natin na masukal at bulubundukin ang isla natin pero ang sabay-sabay na mawala ang isang tao sa bawat bayan ay masyado nang kakaiba."

Arman: "Matanong ko lang, kailan ba nagsimula etong biglaang pakawala ng tao dito sa isla?"

Magtataho: " Sa pagkakaalalala ko, 2 buwan na ang nakakaraan. Nung unang kaso, nahanap naman ng mga pulis yung taong nawala. Pero kalaunan, nasisimula nang magsiwalaan ang mga tao na nagha-hiking sa sentrong bulubunduking gubat ng isla. Hanggang sa nagkakawalaan ang mga tao na hindi naman umaakyat ng bundok."

Kinilabutan ang magbayaw sa balita ng magtataho sa kanila. Naisip nila na hindi sila ligtas sa anumang lugar na puntahan nila. Ngunit nagdagdag pa ng impormasyon ang magtataho.

Magtataho: "Isang bagay pala. Ayon sa mga pulis, kadalasan na oras na nawawala ang mga taong nasa bulletin ay nawala dis-oras ng gabi kung kailan wala nang gaanong tao. Kaya naman mga pare, payo ko sa inyo wag na kayong lumabas ng bahay sa gabi. Di natin alam kung anu gumagala jan pagsapit ng gabi."

Archie: "Sige makakaasa ka. Salamat sa balita."

Matapos marinig ang balita mula sa magtataho, bumalik na sa kanya-kanyang gawain ang magbayaw at sabihan ang mga bata pagkagising ng mga ito.

Ang Misteryosong Kaso Ng Pagkawala Sa Isla Paradisio (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon