CHAPTER 22: HAPUNAN

40 6 4
                                    

Pagkatapos ipaalam ni Jett na makikikain siya sa bahay nang mag-ama, naghahanda ng magluto ng ulam si Arman. Tumingin-tingin si Jett sa salas ng bahay at napansin ang litrato ng buong pamilya ni Archie na kasama ang nanay nito, noong bata pa siya.

Jett: "Archie, nasaan ang nanay mo?"

Nanahimik at nag-alangan si Archie na sagutin ang tanong nito sa kanya dahil na rin sa matagal nang patay ang kanyang nanay. Agad naman naunawaan ni Jett na wala na ang kanyang nanay base sa ikinilos nito sa kanya.

Jett: "Hindi mo kailangang sabihin kung ayaw mo. Nauunawaan ko."

Sobra talagang namangha si Archie sa kakayahan nito na mabasa agad ang iniisip ng tao. Kung kaya't pabiro nya itong pinuri.

Archie: " Grabe! Jett! Psychic ka ba? Panu mo naunawaan agad ang nasa isip ko? Wala pa naman akong sinasabi ah?!

Jett: "Hindi ako Psychic. Hula ko lang."

Archie: "Eh kung hindi ka Psychic, ba't mo nasabi na nauunawaan mo?"

Tumingin si Jett sa direksyon kung saan ang mga picture frames nila Archie at ipinakita ang frame na may mukha ng kanyang nanay na may maliit na "rest in peace" sa baba nito.

Nagmistulang tanga si Archie sa ginawa nito sa kanya at naisip nya na masyado na din syang awkward magtanong kaya siguro pinigilan syang magtanong pa habang sila ay naglalakad pauwi kanina.

Dahil sa kahiya-hiyang sitwasyon na inabot nito, naisip nyang tumayo mula sa hinihigaang sala at nagpalusot si Archie na magpapalit ng damit sa kwarto nito.

Archie: "Naalala ko pala! Magpalit na muna ako ng damit! Kasi nadumihan pala ng napahiga ako sa semento kanina nung binugbog ako. Maiwan na muna kita jan, Jett."

At dali-dali siyang pumunta sa kanyang kwarto at isinara ang pinto.

Habang nagbibihis ng damit ay muli niyang napansin ang kwintas na bigay sa kanya ng manong sa mall ngunit inilagay na lamang nya ito sa kanyang mesa. Pagkatapos nya magbihis, isinuot nya ito at pumunta muli sa sala.

Saktong paglabas ni Archie sa kwarto ay tapos na rin magluto ang kanyang tatay na tinawag sila nito sa hapag kainan.

Arman: "Halina kayong dalawa! Luto na ang ulam!"

Archie: "Opo Tay! Anjan na kami.

Nang sila ay makaupo na sa mesa ng hapag kainan, nakita nilang isang masarap na mechado ang kanilang ulam. Bago sila kumain ay nagdasal muna sila tsaka nila pinagsaluhan ang masarap na ulam. Habang kumakain ang lahat, naalala ni Arman na pag-usapan ang plano nitong bakasyon. Nakinig lamang si Jett ng taimtim habang kumakain.

Arman: "Anak, bukas na bukas, oorder na ako ng ticket ng eroplano papunta sa isla. Kung masaya ka dito na maiwan, sige hindi kita pipigilan."

Archie: "Talaga po?! Tay?!"

Arman: "Oo anak. Tsaka wag kang mag-alala, mag-iiwan ako ng pera para sa mga gastusin mo dito."

Napaisip si Archie sa mga sinabi ng kanyang tatay. Dahil na din sa naalala nito ang payo ng manong na samahan lang ang kanyang tatay sa bakasyon nito. Ngunit nagdadalawang isip pa rin sya kung sasama sya o hindi.



Ang Misteryosong Kaso Ng Pagkawala Sa Isla Paradisio (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon