Isang buwan at dalawang linggo na ang nakalipas, isang bagong maaliwalas na umaga na naman ang naghihintay kay Archie. Bumangon ito mula sa kanyang hinihigaan at napatingin sa salamin. Napansin nyang nagkaroon sya ng muscle sa kanyang katawan dahil na rin sa araw-araw niyang pagtulong sa mga ipinapaggawa ni Rochel sa kanya.
Naisip marahil ni Archie na baka sinasadyang ipinapagawa ni Rochel ang mga gawain sa kanya dahil ayaw siya nito na makitang lalampa-lampa. Naisip din nya na kapag natapos na ang bakasyon nila ng kanyang tatay sa isla ay magpapasalamat sya ng sobra kay Rochel. Ngunit naiisip din nya na baka mamiss nya si Rochel kapag sila'y umalis. Sa ngayun, kinalimutan nya na muna ang kanyang mga iniisip at nag-agahan sa hapag-kainan.
Sa umagang ding iyon, nagising ang lahat sa lakas ng sigaw ni Arman.
Arman: "ANOOOOOOOOOOH?!!!!!!!! NAGBIBIRO KA BA?!!!!!!!!"
Lola Lita: "Oy!! Arman! Bakit ka ba sumisigaw jan sa harap ng mesa?! Tsaka anu ba yan hawak mo ha?!"
May dalawang sulat na hawak si Arman. Kinuha ni Archie ang isang sulat at nakita nya na sulat iyon mula sa trabaho ng kanyang tatay na nagsasabing bumalik na ito sa trabaho pagkatapos ng kanilang bakasyon. Natuwa si Archie sa isang sulat.
Ngunit hindi naman natutuwa si Arman sa hawak niyang sulat. Sinagot naman niya ang tanong ni Lola Lita.
Arman: "Nay!! Eto kasing sulat ni Ricardo!! Sinasabi nya na makikitira daw yung anak niya sa bahay!! At nandoon na daw sila!!"
Archie: "Si Tiyo Ricardo po Tay?!! Nasa bahay natin sa Selma?!! Eh di ba nagtext po kayo sa kanya na pupunta tayo dito sa Isla bago tayo umalis?!"
Arman: "Oo. Nagtext ako. Ang kaso, sabi sa sulat nya magtratransfer daw yung pinsan mo sa Selma High kaya maaga na daw silang dumating sa bahay para masanay na daw yung pinsan mong si Albert sa pasikot-sikot ng siyudad."
Archie: (Lilipat ng eskwelahan si Albert? Sana man lang hindi siya mapahamak dun dahil lang sa nakikitira sila sa bahay at nagkalat din ang mga bully din dun.)
Lola Lita: "Teka! Sandali nga, Arman. Yung Ricardo na sinasabi mo, siya ba yung kapatid mong mas bata sa'yo? At sila'y nasa bahay nyo ngayun, tama?"
Arman: "Opo, Nay!"
Lola Lita: "Kung ganun, paano sila nakapasok sa bahay nyo kung dala mo lahat ng susi?! Kasi nakita ko na ang dami mong susi sa bag mo noong nag-ayos ako ng damit sa mga kwarto nyo."
Arman: "Eh yun nga po ang ikinagagalit ko sa sulat nya!"
Lola Lita: "Anu bang sinabi nya?"
Arman: "Sinipa po nila ang pinto sa harap!! Kaya sira na naman ang pinto!!"
Naisip ni Archie na parte na ata ng tadhana ng pamilya nila ang laging nasisiraan ng pinto. Kaya napangisi na lang siya sa reaksyon ng kanyang tatay.
Arman: "Eh!!! Pambihira!!! Kapapalit ko lang ng pinto na yun ah?!!!
Kinuha ni Lola Lita at binasa ang nilalaman nito. Napansin nyang maayaos naman ang kalagayan ng kapatid ni Arman sa siyudad ng Selma. Nakita nyang tungkol lamang sa eskwela ang sinasabi ng sulat. Ngunit nagkaroon ng interest si Lola Lita sa ilang mga nabasa nito tungkol sa scholarship ng eskwelahang lilipatan ng anak ng kapatid ni Arman.
Lola Lita: "Sa nakikita ko, pinalitan na rin ng kapatid mo ang pinto sa bahay nyo. Nakalagay naman sa sulat. Hahayaan ba nyang makitira sa bahay nyo na sira ang pinto habang hinihintay kayong makabalik sa bakasyon nyo? Napaka-iresponsableng kapatid naman nya kung hahayaan nyang bukas ang pinto ng bahay nyo."
Naisip ni Arman na tama nga din naman ang punto ni Lola Lita.
Lola Lita: "Oh Siya! Maiwan ko na muna kayo. May bibilhin lang ako sa palengke."
Agad nang umalis si Lola Lita upang mamalengke. Ang mag-ama naman ay sabay ng kumain ng kanilang agahan. At nagsimula ng gawin ang kani-kanilang mga gawain sa buong araw.
BINABASA MO ANG
Ang Misteryosong Kaso Ng Pagkawala Sa Isla Paradisio (Book 1)
Novela Juvenil****Author's Note**** If you are reading this story on any other platform other than Wattpad, you are very likely to be at risk of a Malware attack. If you wish to read this story in it's original, safe form, please go to https://www.wattpad.com/st...