CHAPTER 4: MGA TANONG

62 8 5
                                    

Napasimangot si Arman nang sabihin ni Archie na hindi sya sasama sa dapat na bakasyon nilang dalawa.

Arman: "Anak, bakit hindi ka na sasama? Magandang pagkakataon ito para makapagbonding naman tayong dalawa di ba? Tsaka matagal na rin noong nagbakasyon tayo.

Archie: "Oo, Tay. Grade 3 pa ako noon at sobrang tagal na nun."

Lalong hindi natuwa si Arman sa pabalang na sagot sa kanya ng kanyang anak. Ngunit sinusubukan nya pa ring huminahon nang mahikayat nya si Archie sa kanya na sumama.

Archie: "Tay! Mas gusto ko po dito sa siyudad. Tsaka napag usapan na natin na di ako magbabakasyon di ba?!"

Arman: "Oo. Napag usapan natin yun na dito sa siyudad magbabakasyon. Pero hindi kasama sa napag usapan na malalaro ka ng video games sa mall maghapon!!"

Medyo napuno na si Arman sa pamimilit ng kanyang anak na manatili sa siyudad. Ngunit nagtanong pang muli si Archie.

Archie: "Bakit kailangan nyo pang lumayo kung pwede naman kayong makapagrelax dito sa siyudad? Eh.. May Spa naman sa mall."

Arman: " Ayokong mag relax sa spa na marumi yung hangin na malalanghap ko paglabas ng mall. Kaya mas gusto ko sa isla kasi malinis ang hangin at naririnig ko yung tunog ng hampas ng alon. At mas nakakarelax yun kaysa dito sa siyudad."

Pilit din naman ni Arman na magbakasyon sa isla at alam ni Archie na yun ang gustong mangyari ng kanyang tatay sa kanya. Ngunit nakakahalata na rin si Archie na parang may iniiwasan ang kanyang ama sa siyudad.

Hanggang sa nagtanong na naman si Archie sa kanya.

Archie: "Naalala ko lang Tay, bakit nga ba tayo magbabakasyon? Panu ang trabaho nyo dito sa siyudad?"

Arman: "Wag mo nang isipin ang trabaho ko. Wala naman gaanong importante na gagawin dun. Tsaka nakapag paalam na ako sa boss ko na magbabakasyon tayo kaya walang problema sa akin kung mawala ako ng buong bakasyon."

Hindi kumbinsido si Archie sa mga idinahilang sagot na narinig nya sa kanyang tatay.

Dahil na rin sa napagdugtong-dugtong ni Archie ang mga sagot ng kanyang tatay sa kanyang mga tanong at ang mga bagay-bagay na nangyari sa kanilang pamamahay, napagtanto nya na may nangyaring hindi maganda sa pinagtratrabahuhang kumpanya ng kanyang tatay.

Una na dito ang pagsira sa kanilang pintuan na ani mo'y sinadyang sirain dahil sa sobrang galit; ang biglaang pagbabakasyon nila; at ang pag banggit ng kanyang tatay na "wag mo nang isipin ang trabaho ko."

At base rito, naisip ni Archie na marahil tama ang kanyang hinala.

Archie: "Tay, natanggal ba kayo sa trabaho?"

Nagulat si Arman sa tanong na narinig nya galing sa kanyang anak.

Arman: "Hindi ako natanggal sa trabaho. Ha?! Gaya nang sinabi ko kanina, magbabakasyon tayo!"

Archie: "Kung hindi kayo natanggal sa trabaho, bakit ang aga nyong umuwi?! Sa pagkakaalala ko po, Tay, hindi kayo pwedeng lumiban sa trabaho dahil kayo ang nagdedesign ng mga kotse. At isa kayo sa importanteng trabahador sa kumpanyang pinagtrabahuhan nyo."

Arman: "Hindi mo na kailangang alalahanin ang trabaho ko dahil may ibang tao nang gagawa ng trabaho ko sa kumpanya."

Muli ay napaisip ulit si Archie sa sinabi ng kanyang tatay. Dahil sa kanyang sinabi, naniniwala si Archie na tama ang kanyang hinala at ayaw sabihin ng kanyang tatay ang totoo.

Ang Misteryosong Kaso Ng Pagkawala Sa Isla Paradisio (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon