CHAPTER 37: MAHALAGANG PAYO

47 4 5
                                    

Pinuntahan ni Archie ang kanyang mga pinsan sa may pampang, pagdating nya dito, wala siyang nakita ni anino nila.

May suspetya si Archie na baka hindi talaga pumuntang dagat ang magkapatid at pumunta sa may sapa sa bundok.

Tiningnan niya ang kanyang relo at nakita nya na 2 oras na lang bago mag 4 PM.

Ang ipinag-aalala nya ay baka abutan ng gabi ang mga pinsan niya sa bundok, kaya sinubukan nya na rin pumunta sa bundok.

Ngunit pagdating nya ulit sa kanto, laking gulat nya ng makasalubong niya ang magkapatid.

Buboy: "O, Archie, saan ka pupunta?"

Archie: "Eh...hinahanap ko kayo, saan ba kayo galing?"

Shiela: "Galing kami sa bahay. Kinuha namin yung mga pamingwit namin."

Archie: "Ehh...wala naman kayo dun kanina nung naghanap ako. Tinanong ko pa nga si lola, sabi nya lumabas na raw kayo."

Nagtinginan ang magkapatid sa sinabi ni Archie sa kanila. At napansin na nalito ito sa sitwasyon ng kanyang paligid, kaya ipinaliwanag ng magkapatid na hindi lang sa bahay ni Lola Lita sila nakatira.

Shiela: "Archie, para malinaw sa'yo, nakatira kami sa bahay na katabi din ng bahay ni Lola Lita. Dahil nandun ang nanay namin. At dun kami galing nung hinahanap mo kami kanina."

Archie: "Ang ibig mo sabihin, Shiela, may sarili kayong bahay?"

Shiela: "Oo."

Pakiramdam ni Archie parang nagmistulang tanga na naman sya dahil sa kanyang maling akala. Kaya humingi sya ng pasensya sa magkapatid dahil na rin sa pagiging ignurante nya."

Archie: "Pasensya na kung mali na naman ako ng akala. Pambihira. Lagi na lang akong ganito."

Buboy: "Wag mo na isipin yun. Mamingwit na lang tayo. Kanina pa nangangati ang kamay ko na makahuli ng isda."

Shiela: "Oo nga naman. Halika na Archie, samahan mo kami."

Archie: "OK, sige."

Mukhang sa pagkakataong na ito ay nakaligtas siya mula sa mga tanong ng magkapatid dahil sa atat nang makahuli ng isda si Buboy. Pero pakiramdam ni Archie ay tatanungin pa siya ni Shiela dahil sa pagiging ignurante nya.

Nang makarating na sila sa pampang nagsimula nang mamingwit ang magkapatid inalok si Archie na mamingwit din kasabay nila ngunit tumanggi siya sa takot na mapahiya sya kaya pinanood na lamang niyang mamingwit ang magkapatid sa may lilim.

Ilang minuto ang nakalipas, naglakad pabalik si Shiela papunta sa lilim na kinauupuanan ni Archie. Napansin ni Archie na hindi sumunod si Buboy sa kanya.

Shiela: "Hay... nakakangawit mamingwit. Gusto mo subukan din Archie?"

Archie: "Ay! Hindi na. Ok na ako dito. Napansin ko hindi mo kasamang bumalik si Buboy."

Shiela: "Nakipag pustahan kasi sya na kung sino mas marami syang huli, siya maghuhugas ng pinggan. Eh ako naman lagi naghuhugas ng pinggan sa bahay namin."

Archie: "Ay! Ga..ganun ba?"

Shiela: "Oo."

Tumahimik sandali sa pag-uusap ang dalawa hanggang sa nagtanong si Shiela kay Archie.

Shiela: "Archie, hindi mo kailangang sagutin kung ayaw mo, pero, nahihiya ka bang sabihin ang pamumuhay mo sa siyudad?"

Gaya ng inaasahan ni Archie na itatanong sa kanya ng kanyang pinsan. Ngunit napansin nya na naging maingat ito sa pagtatanong, kaya malugod niya itong sinagot at sinabi ang totoo.

Archie: "Oo. Shiela. Nahihiya ako. Kasi naman, wala kasi akong maipagmamalaki na ikuwento sa'yo sa araw-araw kong ginagawa sa amin. Una, lagi akong binubully sa school. Tapos wala akong kaibigan, maliban sa isa na kakikilala ko lang bago kami nagbakasyon ni tatay at huli nakatutok lang ako sa TV at video games. Kaya naman, nahihiya ako sa'yo magkwento kasi lampa at talunan ako."

Tumahimik sandali si Shiela dahil na rin sa narinig nya kay Archie. Hanggang sa nagsalita na rin sya.

Shiela: "Marahil siguro wala kang maipagmamalaki na ikwento sa amin dahil nga naging mahina ka noong nasa siyudad ka. Pero pagkatapos mo magbakasyon dito, sigurado ako na may ipagmamalaki kang ikwento sa nag-iisang kaibigan mo sa siyudad pagbalik mo. Kaya kung ako sa'yo subukan mo nang mamingwit o kaya sumama kang mangisda kasama ni Tito Celito nang matuto ka din lumangoy. Eh...ibig kong sabihin, matuto kang maging matatag at matapang sa sarili mo."

Hindi inasahan ni Archie na akala nyang lalaitin siya ni Shiela kapag nalaman nya ang kwento sa pamumuhay nya sa siyudad ay siyang kabaliktaran ng sinabi sa kanya na nagpalakas ng loob nya. Kaya naman nagpasalamat si Archie kay Shiela

Archie: "Tama ka Shiela. Lampa ako noong nandoon pa ako. Pero dahil sa sinabi mo, babalik ako na matapang at proud sa sarili ko."
(At hindi ko na kailangan pang asahan pa ang tulong lagi ni Jett)

Shiela: "Oo tama yan, pinsan. Buti na lang hindi ko kasamang bumalik si Buboy. Lalaitin ka nun sakali marinig nya yan kwento mo."

Archie: "Oo. Salamat sa'yo, insan. Mamaya pagdating ni Tito Celito, sasama ako sa pangingisda nya."

Shiela: "Oo na. Basta ikaw bahala sa sarili mo dun sa laot."

Matapos mag-usap ni Archie at si Shiela, sinubukan mamingwit ni Archie habang hinihintay ang 4 PM na oras ng pangingisda ni Celito.

Ilas oras ang nakalipas, dumating na din si Celito sa kanyang bangka dala ang lambat na gagamitin sa pangingisda.

Ang Misteryosong Kaso Ng Pagkawala Sa Isla Paradisio (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon