Matapos kumain ni Marika ng pananghalian, agad na silang lumakad papuntang gitnang-gubat kasama sina Archie at Rochel.
Gaya ng sinabi ni Rochel kanina, sila ay dumiretso paakyat sa norte at tinitingnan naman ni Archie ng mabuti ang dala nilang mapa, kung saan inaasahan nilang makakapasok na sila sa parteng sakop ng gitnang-gubat.
Nang marating nila ang bukana ng gubat, nag-alangan silang suungin pa ang ito dahil sa napakamasukal ng mga puno at mejo madilim din ang looban ng gubat.
Archie: "Miss Marika. Sigurado ba kayo dito sa pinaplano nyo? Sa kapal ng mga puno at halaman sa lugar na ito, parang may kung anung hihila sa atin mula sa likod ng mga puno."
Marika: "Hindi nyo kailangang sumama pa sa akin kung nag-aalangan kayo. Hayaan nyo nang ipaubaya sa akin etong pagkuha ko ng mga litrato."
Rochel: "Pasensya na po, Miss Marika. Pero hindi po kami papayag na iwan ka namin dito ng mag-isa. Kung sama-sama tayong papasok, sama-sama din po tayong lalabas at uuwi sa bayan. Di ba Archie?"
Archie: "Oo. Tama ka jan, Rochel. At napagkasunduan po natin kanina na sasama kami sa inyo. Kaya sasama pa rin po kami anu man ang sabihin nyo sa amin."
Marika: "Ok sige. Sama-sama tayong uuwi."
Sabay-sabay sila Marika, Archie at Rochel na pinasok ang masukal na gubat. Ito rin ang unang pagkakataon ni Rochel na marating ang pinaka gitnang bahagi ng buong isla.
Nawili sila Archie at Rochel sa dami ng mga halaman na kanilang nakita sa parteng iyon ng gubat at karamihan sa mga halaman na kanilang nakikita ay hindi kadalasang nakikita sa ibaba ng bundok.
Makalipas ang isa't kalahating oras, narating din nila ang inaasam-asam na makita ni Marika sa gitnang-gubat. Nakita at namangha sila sa mga naglalakihang bato na pinagpatong-patong na tila isang istraturang nakatayo na pinalilibutan ng mga puno at halaman bilang pundasyon. Ito na pala ang sinasabi ni Lola Lita na kastilyo sa gitnang-gubat.
Bago pa man tumakbo sina Archie at Rochel sa bukana ng sinauang kastilyo, hinila na sila agad ni Marika at nagtago sa pader malapit rito.
Marika: "Archie! Rochel! Nakalimutan nyo na ba kung anu ipinunta natin dito?! Alam kong namamangha kayo sa nakikita nyo pero hindi tayo nandito para mamasyal!! At tsaka hindi din natin alam kung may tao o aswang ang nakabantay jan sa loob."
Archie: "Pasensya na po, Miss Marika. Natuwa lang po kami ni Rochel sa nakita namin. Di ba Rochel?"
Napansin nila Archie at Marika na wala na sa tabi nila si Rochel. Kaya nataranta sila kung saan na ito nagpunta. Hanggang sa may narinig sila sumusutsot mula sa kabilang parte ng pader na may malaking butas at nakita si Rochel na sumisenyas ng tawag sa kanila. Kaya lumapit sina Archie at Marika
Archie: "Anung ginagawa mo jan?!!!"
Rochel: "SHHHHHHHHH!!!! Wag kang maingay. Tignan nyo yun.
Itinuro ni Rochel ang isang malaking kuwarto sa gitna ng lugar na tila isang imbakan na gawa sa bato at selyado rin ng mga ugat ng punong kahoy.
Ito na marahil ang sinasabi ni Lola Lita na lalagyan ng mga Aklat ng mga unang babaylan na tinutukoy nya.
Kapansin-pansin din na may iilang tao na nakabantay sa naturang lugar. Mga sampung katao ang bilang ng mga ito at ang nakapagtataka pa, siyam sa kanila ay mga babae at ang isa ay isang matipunong lalaki na balot pa ng mga gasa ang katawan.
Maswerte sina Marika dahil hindi pa sila nakikita ng mga ito. Kaya naman ihinanda na ni Marika ang kanyang camera. Dahil sa may araw pa naman, kinuhanan na Marika ang mga ito upang malaman ang kanilang pagkakakilanlan sakaling makababa sila ng bundok.
Habang kinikuhanan ni Marika mga tao, sa hindi maipaliwanag na dahilan, biglang nanlamig si Archie sa kanyang pakiramdam ng makita nya ang lalaki.
Hindi lubos maisip ni Archie kung bakit sya nanlamig at pinapawisan ng husto. Pero pakiramdam nya, kailangan na nilang umalis agad sa lugar na iyon. Kaya pabulong na nakipag-usap si Archie kay Marika.
Archie: "Miss Marika. Umalis na po tayo dito. Hindi po maganda ang pakiramdam ko sa mga taong iyan."
Marika: "Hindi pa, Archie. Kailangan pa nating hintayin na gumabi."
Rochel: "Ha? Eh bakit po? Eh nakuhanan na po natin sila ng litrato, di po ba?"
Marika: "Hindi pa. Kailangan kong makuhanan na sila nga ay mga aswang. Kaya magpapalipas ako ng gabi."
Mula sa mga sinabi ni Marika, naintindihan na nila Archie at Rochel na inilagay lang nila ang kanilang mga sarili sa panganib. Ngunit ayaw din naman nila na umalis at iwan si Marika sa pinaplano nito. Kaya naman pinili na lang nila na samahan pa rin si Marika hanggang sa magdilim.
Pagkagat ng dilim, sobrang dilim na ng paligid na halos hindi na makita nila Archie, Rochel at Marika ang paligid ng gubat. Buti na lang ay kabilugan ng buwan at nakatutok ang liwanag nito sa kuwarto ng mga Aklat gayundin sa mga nagbabantay rito.
Hanggang sa kinilabutan ang tatlo sa kanilang nakita ng magbago ng anyo ang sampung katao na kanilang tinitingnan kani-kanina lang.
BINABASA MO ANG
Ang Misteryosong Kaso Ng Pagkawala Sa Isla Paradisio (Book 1)
Teen Fiction****Author's Note**** If you are reading this story on any other platform other than Wattpad, you are very likely to be at risk of a Malware attack. If you wish to read this story in it's original, safe form, please go to https://www.wattpad.com/st...