CHAPTER 47: PUNONG-KAHOY

34 3 0
                                    

Samantala, sa kabilang parte ng bundok, sa isang masukal na gubat, abala sina Arman, Fred at Marcel sa pagsisibak ng mga patay na kahoy na pwede pang mapakinabangan upang gawing uling.

Kasama din nila ang mga anak ni Marcel na sila Shiela at Buboy na nagpupulot naman nga mga kahoy. Napansin ni Shiela na hindi sumama si Archie sa kanila kaya nagtanong ito.

Shiela: "Tiyo Arman! Napansin ko lang po? Bakit hindi po sumama si Archie sa pangangahoy po natin ngayun?

Arman: "Eh anu kasi iha, may sinamahan kasi si Archie sa pamimitas ng mangga ngayun."

Shiela: "Sino naman po yung sinamahan nya?"

Arman: "Si ano, ahhhh...kung maalala ko, Rochel ata pangalan nun."

Shiela: "HA?!!  Si Rochel?!"

Nagulat si Shiela nang marinig nyang si Rochel ang sinamahan ng pinsan nito.

Buboy: "Anu?! Si Rochel ang kasama ni Archie? Panu nangyari yun?"

Arman: "Bakit? Anu bang meron kay Rochel?

Sasagutin sana ni Shiela ang tanong ni Arman nang sumali sa usapan si Fred.

Fred: "Ang masasabi ko lang pre, maganda yan pamangkin kong iyan kung ang pagbabasehan ay ang itsura nya. Ang kaso nga lang, si Rochel may pagka-tomboy yan bata na yan at sya pa unang makikipagsuntukan sa mga kalalakihan dito na kasing edad niya. Kaya nagtataka ako pre sa anak mo, kung panu nya nakilala yan pamangkin ko."

Imbis na pagtuunan ng pansin si Arman ang sinabi ni Fred na may pagka-tomboy si Rochel, nabaling siya sa sinabi nito na pamangkin ni Fred si Rochel.

Arman: "Teka! Sandali! PAMANGKIN MO SI ROCHEL!!"

Fred: "Oo. Bakit? Hindi ba halata?"

Hanggang sa nakisali na din sa usapan si Marcel habang pinuputol ang isang mataas na kahoy.

Marcel: "Hoy!! Fred!! Hindi namin halata na Tiyuhin ka nya!!! Kasi matalino si Rochel kapag kinakausap ko yung pamangkin mo!!

Hindi napansin ni Marcel na naputol niya na ang kahoy at babagsak na ito papunta sa direksyon na kinatatayuan Fred.

Nang makita ni Arman ang pabagsak nang puno, nagmadali syang hinawakan ang kamay ng magkapatid na Shiela at Buboy at lumayo sila mula pabagsak na puno.

Hindi man natamaan ng direkta si Fred ng punong-kahoy na bumagsak, humampas naman sa mukha niya ang mga sanga nito.

Marcel: "Hoy!!! Fred!!!! Patay ka na ba?!!"

Fred: "Hindi!! Buhay pa ako!!"

Marcel: "Buti naman!!.....NGA sa'yo!!!!"

Fred: "Salamat pre!!!

Arman: "Bayaw!! Mag-ingat ka naman!! Muntik na kaming mabagsakan ng puno na pinuputol mo!!

Marcel: "Sorry bayaw. Hindi ko kasi napansin. Mag-iingat na ako sa susunod.

Shiela: "Tay!! Tingnan nyo kasi yung piniputol nyo nang hindi kayo maka-aksidente."

Buboy: "Kaya nga. Muntik na nga din kami kung hindi kami hinila ni Tito Arman."

Marcel: "Sige! Sa susunod mga anak mag-iingat na si tatay. Pangako yan. Pasenya na talaga bayaw. Hindi na mauulit yun."

Arman: "Ayus lang bayaw! Pinapatawad na kita. Alam ko naman na hindi mo sinasadya."

Marcel: "Salamat bayaw.

Matapos magkapatawaran ang magbayaw dahil sa di sinasadyang pangyayari, agad na din nilang pinagpira-piraso ang mahaba at tuyong punong-kahoy na pinutol nila.

Ang Misteryosong Kaso Ng Pagkawala Sa Isla Paradisio (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon