Maagang nagising si Arman mula sa pagtulog nito kagabi at ginising si Archie para maghanda na sa pagpunta sa bahay ng kanyang lola. Naligo at nagbihis ang mag-ama at umalis na sa kanilang kwarto.
Pagbaba nila ay napansin nila ang tila pamilyar na imahe ng isang babae pagpasok nila sa cafeteria upang mag-agahan.
????: "Ay! Kayo po pala manong! At nung kasama nyang mabait na binatilyo. Good morning sa inyo."
Archie: "Good morning din po."
Arman: "Good morning din miss. Pero seryoso?! Manong talaga?!"
????: "Ha?!! Ah.....hindi ba? Eh parang nasa edad 50 na kasi kayo?"
Parang nasira ang magandang morning ni Arman dahil sa sinabi nang babae. Kaya naman tinanong niya si Archie.
Arman: "Archie, mukha na ba akong nasa 50?
Archie: "Eh......hindi ko po alam, Tay."
????: "Ah...tatay mo siya? Eh...kahit papano mukhang tumama ako ng hula na mag-ama kayo. Tsaka pasensya na ulit! Naging judmental na naman ako."
Arman: "Ok lang! Miss! Sanay naman ako. Hahaha!!"
Archie: (Weh! Sanay daw! Eh...galit nga kayo kanina eh! Magandang babae kasi kaharap nyo kaya di nyo masigawan!)
????: "Hahaha! Nakakatuwa naman kayo mis..ter...."
Arman: "Armando. Arman na lang for short."
????: "Arman, ako naman si Marika. At etong si poging binatilyo ay si?"
Archie: "Archie po pangalan ko, miss Marika." (Ang ganda naman ng pangalan niya).
Marika: "Nice to meet you sa inyong dalawa. Siya nga pala! Mag-aagahan palang ba kayong dalawa? Kung gusto nyo sabay na tayo mag-agahan."
Arman: "Oo siyempre! Oorder na ako ng kakainin. Anung gusto mo? Miss Marika?"
Marika: "Wag nyo na pong lagyan ng miss, Marika na lang......ah...eh....ho?"
Arman: "Bakit, Marika?"
Marika: "Ah..ehh...ayoko maging judgemental pero ilang taon na po ba kayo?"
Arman: "38 years old na ako, Marika."
Marika: "Ay! Sorry talaga! Haha! Hindi naman pala tayo nagkakalayo ng edad."
Arman: "Bakit mo nasabi na hindi tayo nagkakalayo ng edad? Ilang taon ka na ba?"
Sandaling tumahimik si Marika sa tanong ni Arman sa kanya. Hanggang sa nagsalita na rin sya.
Marika: "35 na ako."
Nagulat ang mag-ama sa sinabing edad ni Marika. Dahil sa taliwas sa edad nya ang itsura nya.
Archie: "..........." (Akala ko nasa mga 25 lang sya!!! Paano nya napanatiling ganyan ang itsura nya?!!)
Arman: "............" (Anung uri ng sabon ang gamit babaeng to?!!! Dalawang taon ang agwat ko sa kanya pero parang 25 anyos ang itsura nya!! Ang masama pa, tingin nya sa akin nasa 50 na!!! Nakakainsulto na to!!)
Marika: "Ah...ehh...Ayus lang ba kayong dalawa? Ang tahimik nyo ata bigla? Sige ako na ooder ng kakainin kung OK lang sa inyo.
Pumunta na sa counter ng cafeteria si Marika upang umorder ng agahan nila. Samantalang ang Mag-ama ay hindi pa rin makapaniwala sa edad ni Marika.
Nang makabalik na si Marika, umupo na ang tatlo sa mesa at hinihintay na lang ang order nilang agahan.
Habang nag-aagahan, tinanong ni Arman kung bakit nasa isla si Marika.
Arman: "Marika, matanong ko lang? Bakit ka nga pala nandito sa isla?
Marika: "Nagbakasyon lang. Balita ko kasi maraming mga magagandang lugar ang nadidiskubre sa isla na to. Kaya gusto ko subukan puntahan ang mga lugar na iyon na nakikita ko sa travel blog sa internet. Kayo? Bakasyon din ba ang ipinunta nyo dito?"
Arman: "Ah oo. Tsaka sabay bisita na rin kami sa lola ni Archie. Taga dun sa barangay na malapit sa dagat kasi ang lola nya. Kaya pagkatapos namin mag-agahan dito, aalis na rin kami."
Marika: Ahhhh....Ok. So ingat kayo sa daan nyo. Mahirap talaga kapag walang tricycle.
Matapos ang masayang agahan ng tatlo, nagpaalam na ang mag-ama kay Marika na aalis na sila. At tumuloy na din si Marika sa sinasabing magandang lugar sa isla.
Bago pa man lumabas ng hotel ang mag-ama ay may ibinalitang tsismis ang frontdesk sa kanila tungkol kay Marika.
Frontdesk: "Excuse me po, Sir. Kaibigan nyo po ba yung babaeng yun na kaalis lang."
Arman: "Eh anu? Kakikilala ko lang kanina? Bakit?"
Frontdesk: "Kung hindi nyo sya kaibigan? Nakapagtataka.....
Arman: "Bakit anu ba kasi yun ha?!"
Frontdesk: "Kasi po, magdadalawang buwan na po sya dito sa isla. At ang kakaiba, mag-isa lang po siyang nakabook dito."
Arman: "Eh anung kakaiba dun? Eh malay mo may kamag-anak siya dito.
Frontdesk: "Eh yun na nga po ang punto sir. Dayo lang po talaga siya dito at walang kamag-anak dito sa isla. Ang ipinagtataka pa po namin ay nalibot na nya ang buong isla pero hindi pa rin sya umaalis. Para bang may hinahanap sya na hindi nya mahanap-hanap hanggang ngayun.
Napaisip ang mag-ama sa nalaman nila mula sa frontdesk ng hotel. May punto din ang sinabi nito dahil sa loob ng isa't kalahating buwan ay malilibot mo na ang buong isla kung tourist spots lang ang basehan. Kaya naman, napasalamat na lang sila sa nakuhang impormasyon at nagpatuloy sa kanilang pupuntahan.
BINABASA MO ANG
Ang Misteryosong Kaso Ng Pagkawala Sa Isla Paradisio (Book 1)
Teen Fiction****Author's Note**** If you are reading this story on any other platform other than Wattpad, you are very likely to be at risk of a Malware attack. If you wish to read this story in it's original, safe form, please go to https://www.wattpad.com/st...