CHAPTER 86: BUTAS

31 3 0
                                    

Naghanap sila Marika at Shiela sa buong lugar ng sinaunang kastilyo at nahanap nila si Rochel sa may sulok ng pader. Naabutan nila itong pinupunasan ang mga mata nito nang makita sila ni Rochel at ipinapakita nya na parang walang nangyari.

Rochel: "Shiela at Miss Marika. Anung ginagawa nyo dito?"

Shiela: "Hinahanap ka namin."

Rochel: "Bakit nyo ako hinahanap?"

Marika: "Rochel, nag-alala kami sa'yo kasi bigla ka na lang umalis"

Rochel: "Eh tinawag lang naman po ako ng kalikasan, Miss Marika."

Napansin nila Shiela at Marika na pilit itinatago ni Rochel ang kanyang lungkot, sakaling umalis si Archie sa isla. Kaya naman sinabi na ni Marika na alam na niya ang totoo tungkol sa relasyon nila ni Archie upang sabihin ni Rochel ang kanyang tunay na nararamdaman.

Marika: "Rochel, wag mo nang itago pa ang nararamdaman mong lungkot. Alam ko na ang tungkol sa inyo ni Archie."

Rochel: "A..Anu pong ibig nyong sabihin, Miss Marika?"

Marika: "Didiretsahin na kita, Rochel. Alam kong gusto mong makasama pa ng matagal si Archie. Kaya naman handa akong tumulong sa abot ng aking makakaya para lang makasama mo si Archie. Pero kailangan ko munang kausapin ang magulang mo kung desidido ka talaga na pumasok sa Selma High."

Rochel: "Ta....Talaga po?! Hindi po ba kayo nagbibiro?!"

Marika: "Mukha ba akong nagbibiro, Rochel?"

Sobrang hindi makapaniwala si Rochel dahil sa tutulungan siyang makapasok ni Marika sa Selma High. Dahil dito, niyakap niya si Marika at napahagulgol siya sa sobrang saya.

Rochel: "Miss Marika! Maraming salamat po!!"

Marika: "Rochel, wag kang magpasalamat sa akin. Kay Shiela ka dapat magpasalamat. Dahil siya ang nagsabi sa akin."

Rochel: "Si Shiela po?! Shi...Shiela, Bakit?!"

Shiela: "Alam ko naman na gusto mo si Pinsan, Rochel. Kaya ginawa ko lang kung anu ang tama para sa inyo."

Dahil sa kanyang mga narinig mula kay Shiela, niyakap naman nya ito at muli na naman siyang napaiyak.

Rochel: "Shiela! Maraming salamat!! Tunay talaga kitang kaibigan!!"

Shiela: "Walang anu man, Rochel. Basta't alagaan mong mabuti si pinsan kapag nakarating ka ng Selma."

Rochel: "Oo, Shiela. Makakaasa ka."

Marika: "Ngayung OK na ang lahat, bumalik na tayo sa batong-silid. Baka may nahanap na ang mga tao dun na relics o kung anu man."

Shiela: "Sige po."

Rochel: "Opo."

Bumalik na sila Marika, Rochel at Shiela matapos nilang mag-usap na tatlo. Pagbalik nila may nadiskubre na pala sila Archie at Buboy habang wala sila.

Archie: "Miss Marika, buti bumalik na kayo. May nakita kami?!"

Marika: "A...anung nakita nyo?!! Nasaan?!

Buboy: "Butas po sa kisame."

Naging masama ang titig ni Marika sa kanyang narinig na akala nya ay may nahanap na relic ang dalawa.

Marika: "Bakit sa lahat ng pwede niyong madiskubre ay butas sa kisame pa ang inyong nahanap?!"

Archie: "Eh...kasi naman po, wala po kaming mahanap na kahit na anu sa mga pader. Ni sinasabi nyo pong mga sinaunang letra ay walang nakaukit."

Buboy: "Pero nung sandaling nagpahinga kami ni Archie, napansin namin na may pumapasok na liwanag na nakatutok diretso sa pulpito at nakita namin ang butas sa kisame."

Nilapitan ni Marika ang pulpito at nakita nya ang liwanag na nagmumula sa kisame. Nagtaka si Marika kung para saan ang butas sa kisame. Kaya inutusan nya ang isang kasamahan nila na umakyat sa labas at silipin ang butas.

Ginamit nilang komunikasyon sa pag-uusap ang butas upang magkaintindihan sila Marika at ang lalaki na nasa labas.

Marika: "Manong! May nakikita ka ba dito sa loob?!"

Lalaki: "Oo, Marika! May nakikita ako! May nakikita akong malaki!!"

Marika: "Malaking anu, Manong?!!"

Lalaki: "Malaking hinaharap!!"

Tila maling bagay ata ang nakikita ng kasama nilang lalaki. Kaya nagalit si Marika.

Marika: "HOY!!! Manong!!!!! Wag nyo ngang sinasamantalang gamitin ang butas para manilip sa dibdib ko!!!!!! Bumaba ka na nga jan!!!!!"

Lalaki: "Sige!!! Bababa na ako at Pasensya na! Miss Marika! Pero maliban jan sa dibdib nyo, may nakikita pa akong tila linya jan sa sahig na inaapakan nyo."

Marika: "Linya sa sahig? Sige! Manong! Salamat at bumaba ka na jan!! Baka manilip ka pa!!!"

Bumaba na ang lalaki at ipinaliwanag ang nakita nito sa sahig ng batong-silid. Marahil ay dahil sa walang bintana ang batong silid at hindi makapasok ang liwanag dito, naisip ni marika na pailawan ang buong silid gamit ang flash light at electric lamp upang makita ang sinasabing linya.

Matapos mailawan, naglakihan ang mga mata nila ng makita ang isang malaking bilog na ukit sa sahig.

Sa loob ng bilog, may walong simbolo na nakapaikot at isang simbolo sa gitna na may nakaukit na malaking ibon katabi sa magkabilang pakpak nito ang araw at buwan.

Hindi malaman ni Marika kung anu ang ibig sabihin ng mga simbulong ito at wala din siyang ideya kung anu ang mga ito. Ngunit natutuwa din sya dahil may nahanap din syang kakaibang relic na agad nyang kinuhanan ng litrato.

Matapos nito, nagpasalamat si Marika sa mga taong tumulong sa kanya at pinauwi nya na ang mga ito.

Sabay na din silang umuwi sa bayan nila Archie, Rochel, Shiela at Buboy upang magpahinga.

Ang Misteryosong Kaso Ng Pagkawala Sa Isla Paradisio (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon