CHAPTER 43: PANG-GATONG?

37 3 0
                                    

Pagbaba nila ng bundok habang naglalakad pauwi sa nayon na pinanggalingan nila, nagtanong si Archie ng mga karaniwang tanong kay Rochel.

Archie: "Rochel, matanong ko lang, ilang taon ka na?"

Hindi siya sinagot nito, kaya naman nagtanong pa si Archie.

Archie: "Anung grade ka na pagdating ng pasukan? Anu naman ginagawa ng magulang mo? Tsaka anu din trabaho nila? Saan ka madalas namamasyal kapag wala ka masyado ginagawa? Tsaka..."

Rochel: " Tumahimik ka nga!"

Halatang naiirita pa rin si Rochel kay Archie kaya tumahimik si Archie.

Matapos ng ilang minutong paglalakad nakabalik na din sila sa nayon na tinitirahan nila. Umuwi si Rochel habang tinitigan nya ng masama si Archie palayo sa kanya. Ngunit si Archie, imbis na umuwi ay dumiretso muna sa tabing-dagat at pinanood na lumubog ang araw upang magmukmok.

Iniisip pa rin ang nangyari kanina sa bundok, kaya umupo sya sa sulok ng maliit na kubo pero di nya alam kanyang gagawin kapag nagsumbong si Rochel.

Hanggang sa may lumapit sa kanya na tila pamilyar ang boses.

????: "Anung ginagawa mo dito?! Maggagabi na ah?! Alam mo bang sobrang dilim na dito sa pampang kapag nagdilim na?!"

Tumingin si Archie sa pinanggagalingan ng boses at nakita si Rochel sa harapan nya at kinakausap sya nito.

Archie: "Panu mo nalaman na nandito ako?"

Rochel: "Pumunta ako sa bahay ng lola mo. Sabi ng lola mo, hindi ka pa raw umuuwi, kaya hinanap kita dito sa pampang."

Archie: "Ang galing mo naman maghanap."

Malungkot na sinagot ni Archie si Rochel.

Rochel: "Naisip ko na hindi ka naman babalik sa bundok ng ganitong oras. Kaya dito ako naghanap. Tsaka ang dali mong basahin kung anu ang iniisip mo."

Archie: "Oo na."

Tumahimik na lang si Archie matapos magsalita si Rochel. Kaya naman nagsalita pa sya.

Rochel: "Alam mo, hinanap kita para abisuhan ka na bukas magsisimula ka na sa mga ipapatrabaho ko sa'yo."

Archie: "Anu? Ipapatrabaho?!"

Nagulat si Archie sa sinabi ni Rochel na ipapatrabaho sa kanya. Kaya sinabi na rin ni Rochel kung anu ang gagawin nyang trabaho.

Rochel: "Bukas sasama ka sa akin para manguha ng mga mangga sa bundok. Siyempre ikaw ang aakyat."

Archie: "Ehh...Teka Rochel?! Hindi pa ako nakakaakyat ng puno sa buong buhay ko! Panu ko gagawin yan sinsabi mo na aakyat ako ng puno?!"

Hindi nagustuhan ni Rochel ang mga sinabi ni Archie kaya naman napasabi na naman siya ng hindi maganda sa kanya.

Rochel: "Wala ka talagang kwenta."

Nasagad na ang inis ni Archie sa sinabi ni Rochel kaya naman sumagot sya sa sinabi nito.

Archie: "Alam mo, tama ka. Wala nga akong kwenta dahil isa lang akong taga siyudad na napadpad lang dito sa lugar nyo. Sa totoo lang, nandito ako dahil sa napagulo ako sa amin nang mga taong nambubully sa akin. Kung hindi naman dahil sa tatay ko na magbabakasyon dito at dahil na din sa payo ng kaibigan ko na magpakalayo-layo muna ako, wala sana ako dito at hindi na rin sana nangyari yung kanina sa bundok kung saan aksidente kitang nakita na naliligo sa sapa. Wala naman talaga akong kwenta, kaya inaapi at binubully ako palagi sa amin. Sana natutuwa ka na sa mga narinig mo tungkol sa akin dahil isa akong lampa!!"

Nang marinig ni Rochel ang mga sinabi nito sa kanya. Tila naawa siya sa mga nalaman niyang buhay sa siyudad ni Archie. Kaya muli syang nagsalita.

Rochel: "Binubully ka pala sa inyo? Kung alam ko lang na ganyan pala pingdadaanan mo eh di sana sinabi mo ng maayos sa akin."

Archie: "Paanu ko naman sasabihin sa'yo ng maayos? Eh ayaw mo akong pagsalitain kanina. Sinubukan kitang kausapin para malaman ko kung anu ang ugali mo pero sinungitan mo ako."

Rochel: "Oo na. May nagawa rin akong mali siguro sa sinabi ko pero kailangan ba talaga na magdrama ka jan dahil lang sa di ka marunong umakyat ng puno?!! Ganyan ka ba kay sobrang hina ng loob mo ha?! Kung hindi mo lalakasan yan loob mo, mananatiling ka na lang ganyan sa buong buhay mo!! Gusto mo bang lampa ka na lang lagi ha?!"

Nainis pa lalo si Archie sa sinasabi ni Rochel, ngunit naisip din nya may punto ang sinasabi nito sa kanya. Ang hindi lang maintidihan ni Archie, kung bakit parang hinihikayat siya nito na lakasan ang loob at gawin ang mga ipapagawa nito sa kanya. Kaya naman sumang-ayon na lamang sya sa sinabi ni Rochel.

Archie: "Sige. Susubukan ko. Kahit na hindi ko pa alam kung anu ang gagawin sa mga ipapagawa mo. Basta tuparin mo na hindi mo ako isusumbong sa nangyari kanina."

Rochel: "O sige nangangako ako basta gagawin mo ang mga ipapagawa ko sa'yo. Tsaka naisip ko na bigyan kita ng konting konsiderasyon dahil na rin sinabi mo, kaya naman tuturuan kitang umakyat ng puno bukas. Tsaka tayo kukuha ng mga bunga ng mangga.
OK na ba yun sa'yo?"

Archie: "Oo. Ayus yun sa akin."

Napansin muli ni Rochel sa mata ni Archie na determinado ulit ito na gawin ang kanyang ipapagawa para bukas. Napansin din nya na kailangan pang sabihan si Archie ng inspirasyong mga salita bago ito magdesisyon ng tama para sa sarili nito. Isang bagay nga lang ang nakakapang-hinayang sa kanya.

Rochel: "Sayang ang gwapo mo, lampa ka nga lang."

Sinabi ito ni Rochel sa kanyang sarili ng pabulong. Hindi ito naintindihan ni Archie kaya tinanong nya ito.

Archie: "Anu? May sinasabi ka?"

Rochel: "Ang sabi ko, umuwi na tayo at matulog na tayo ng maaga dahil marami pa akong ipapagawa pa sa'yo!!"

Archie: "OK. Sabi mo eh."

Agad nang umalis ang dalawa mula sa pampang at umuwi na sa kani-kanilang bahay.

Ang Misteryosong Kaso Ng Pagkawala Sa Isla Paradisio (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon