Pagdating ng magpipinsan sa likod bahay, nadatnan na nilang tapos na kumain ang Tito Celito nila at nagpapahinga habang nakaupo. Tinawag sila nito na kumain sa mesang kahoy na kung saan ito kumain.
Habang kumakain nagtanong ang mga pinsan nito sa kanya.
Shiela: "Archie, first time mo bang makarating dito sa amin?"
Archie: "Oo. First time ko magbakasyon dito."
Shiela: "Anung plano mo sa bakasyon mo dito?"
Archie: "Sa ngayon hindi ko pa alam."
Napaisip si Archie sa tanong ni Shiela kung anu kaya ang kanyang gagawin sa bakasyon nya sa kanilang lugar. Ngunit sumunod naman na nagtanong si Buboy.
Buboy: "Archie, ilang taon ka na?"
Archie: "14 years old na ako. Ikaw?"
Buboy: "ako 12. Parehas lang pala kayo ni ate!
Archie: "Ha?! Magkasing edad lang tayo Shiela?
Shiela: "Oo. 14 na din ako."
Buboy: "Pero sino nauna sa inyo sa buwan?"
Nanahimik ang dalawa sa tanong ni Buboy na tila nagpapakiramdaman sila kung sino ang mas matanda sa buwan ng kapanganakan
Archie: "April."
Shiela: " May"
Buboy: "Ay! Mas matanda ka ng isang buwan kaysa kay Ate."
Shiela: "Oo nga. K-U-Y-A."
Parang masama ang loob ni Shiela dahil sa mas matanda pa si Archie ng isang buwan kaysa sa kanya. Kaya naman, nagpakumbaba si Archie para sa kanya.
Archie: "Shiela hindi mo naman ako kailangan na tawaging kuya kung ayaw mo, kahit ikaw Buboy. Tawagin mo na lang ako sa pangalan ko kung gusto niyo."
Shiela: "Weh! Di nga!"
Archie: " Oo, Shiela. Ok lang na tawagin mo ako sa pangalan ko. Tsaka magkasing edad lang naman tayo di ba? Kaya wag kang maiilang sa akin."
Shiela: "Ok. Sabi mo yan ha? Archie."
Archie: "Oo."
Matapos silang nag-usap na magpipinsan, iniisip na ni Archie kung anu ang gagawin niya sa bakasyon niya. Hanggang sa inalok siya ng mga pinsan niya.
Buboy: " Anu kaya kung sumama ka nalang kaya sa amin. Mamaya, mamimingwit kami ni ate sa may sapa sa bundok."
Shiela: "Ah! Oo! Sama ka sa amin! Para maranasan mo din mamingwit nang isda."
Papayag na sana si Archie sa alok ng dalawa nang biglang nagsalita ang Tito Celito nila.
Celito: "Kung isda at pamimingwit lang naman ang pag-uusapan. Bakit di na lang muna siya sumama sa akin sa laot? Total hindi mo pa naman ata naranasan na manghuli ng isda sa dagat. Tsaka wala ng isda sa sapa ngayun dahil hapon na at mainit na ang tubig.
Shiela: "Eh Tito hapon pa naman po ah. Hindi pa naman po papailalim ang isda at alimango sa ilalim ng sapa ng ganitong oras."
Celito: "Oo. Pero delikado kung kayo-kayo lang ang pupuntang gubat na walang kasamang matanda gaya ng tatay nyo. At madaling mawala sa gubat sa bundok lalo na kung aksidente kang mapunta sa kaloob-looban nito. Suspetya ko nga karamihan ng mga nawawalang tao na pinopost sa stasyon ng pulis ay dun siguro nawawala. Kaya hindi ko kayo papayagan na pumunta ngayun dun."
May punto naman ang sinabi ni Tito Celito sa mga pamangkin nya. Maari ngang mapahamak sina Archie kapag pumunta pa sila sa bundok at isa pang isyu ang pagdami ng mga nawawalang mga tao sa iba't ibang parte ng isla. Nababahala na din si Celito sa mga balita na ito. Kaya naman sumunod na lang ang magpipinsan sa sinabi ng kanilang tiyuhin.
Celito: "Oh Siya! Sinung gustong sumama sa akin na pumalaot sa dagat mamaya?"
BINABASA MO ANG
Ang Misteryosong Kaso Ng Pagkawala Sa Isla Paradisio (Book 1)
Teen Fiction****Author's Note**** If you are reading this story on any other platform other than Wattpad, you are very likely to be at risk of a Malware attack. If you wish to read this story in it's original, safe form, please go to https://www.wattpad.com/st...