Matapos ang isang buwan, 3 linggo at 2 na araw na pagbabakasyon sa isla ng Paradisio, dumating na rin ang araw na kailangan nang umalis ng mag-amang Archie at Arman dahil sa susunod na buwan ay babalik na sa trabaho si Arman at mag-eenrol na ulit si Archie dahil magpapasukan na.
Kaya naman naka-impake na ang mag-ama at nakahanda ng umalis. Paglabas nila sa bahay ni Lola Lita, sinalubong sila nina Celito, Fred at Marcel kasama ang mga anak nito na sila Shiela at Buboy. Dumating din sila Rico, Sisa at si Rochel.
Marcel: "Grabe! Bayaw!! Kay bilis talaga ng mga araw at aalis ka na naman."
Arman: "Oo nga bayaw! Ang bilis nga eh. Pero kailangan ko na din bumalik kasi sa trabaho."
Celito: "Bayaw! Kunin nyo na rin pala itong mga daing! Pasalubong nyo dun sa kapatid mo na nagbabakasyon din sa bahay nyo."
Arman: "Salamat!! Celito! Kahit kelan talaga, wala kang kupas sa mga idinadaing mo."
Celito: "Walang anuman basta ikaw bayaw!"
Rico: "Pare! Magpapasalamat uli ako sa'yo dahil sa pagliligtas nyo ni Archie sa anak ko. Malaking utang na loob ko sa inyong dalawa itong nagawa nyo para sa amin."
Arman: "Pare! Walang anuman yun!! Tsaka di mo kailangang magpasalamat ng sobra sa amin. Talagang gagawin namin kung anu talaga ang tama.
Archie: "Oo nga po. Mang Rico. Wala lang po yun sa amin ni tatay."
Rochel: "Archie, salamat talaga. Hinding-hindi talaga kita makakalimutan."
Archie: "Ako din Rochel. Hindi rin kita makakalimutan."
Nanay Sisa: "AYEEEEE!! Nagakakahiyaan pa kayo. Yakapin mo na nga sya Rochel."
Rochel: "Nanay naman oh!!"
Nahihiya man si Rochel, niyakap lang na din nya si Archie.
Buboy: "Oy....Kuya Archie! Pa-group hug din kami ni ate.
Shiela: "Kaya nga! Hindi lang si Rochel ang niyayakap mo."
Archie: "Sige na nga! Halina kayo!
Nakiyakap din ang magkapatid kina Archie at Rochel.
Archie: "Alam nyo, mamimiss ko kayo."
Shiela: "Oo, pinsan. Kami din naman."
Matapos ang mahigpit na yakapan ng apat, lumabas naman din si Lola Lita at sinabihan lang sila Arman na mag-ingat lang sa biyahe pauwi ng Selma.
Matapos makapagpaalam ng lahat, agad nang lumakad ang mag-ama papunta sa palengke at sumakay na ng bus papunta sa bayan ng Pier.
Ilang minuto pagkaalis ng mag-ama, biglang dumating si Marika.
Marika: "Hay!! Sa wakas! Umabot din!"
Fred: "Pasensya na, Miss Marika, pero ka-aalis lang nila Arman at Archie."
Marika: "ANU?!!! Hay! Pambihira naman oh! Pero di bale na. May Bad news at Good news ako para kay Rochel."
Rochel: "Bad news at Good News po?"
Marika: "Oo. Ang Bad News, idineklara ng Boss ko sa Selma University ang Sinaunang Kastilyo, a.k.a. Kastilyong Bato na tawag nya bilang Historical site imbes na isang Archeological site at babalik ako sa Selma bilang maging guro."
Rico: "Ibig nyo pong sabihin? Magiging Teacher po kayo sa Selma High?"
Nanay Sisa: "Mukhang malungkot na balita yan para sa'yo, Marika. Eh anu naman ang Good news."
Marika: "Ang Good News, pasok pa rin ang grades ni Rochel sa pwedeng magtransfer na estudyante kahit na tumigil sya sa pag-aaral last year at pasok din sya sa Scholarship ng Selma High."
Shiela: "Totoo ba yan?!! Miss Marika?!!"
Rochel: "Ibig sabihin po?"
Marika: "Oo. Rochel! Makakapunta ka na sa Selma City!!"
Labis ang pasasalamat ni Rochel kay Marika dahil sa nalaman nitong balita sa kanya. Kung saan, makikita pa nyang muli si Archie at makakasama ito.
Rico: "Eh Miss Marika. Hindi naman po sa KJ ako, pero saan po titira ang anak ko kung sakali at panu po ang tuition nya?"
Marika: "Wag na po kayong mag-alala sa tuition nya at allowance dahil ako na magbabayad nun para sa inyo. Basta mag-aaral siya ng mabuti hanggang sa makapagtapos sya ng College at tutulungan nya ako sa konting research at gawaing bahay. Kung sa titirahan naman, sa bahay na lang sya tumira total ako lang naman ang nakatira sa bahay."
Nanay Sisa: "Miss Marika!! Maraming salamat po talaga! Napakalaking utang na loob namin to sa'yo. Hindi namin alam kung panu ka namin pasasalamatan!"
Marika: "Wag na kayong mag-alala, Aling Sisa. Masaya po akong makatulong sa inyo."
Niyakap ni Aling Sisa si Marika dahil sa wakas ay makakapag-aral na ng maayos si Rochel ng hindi na iniisip ang mga gastusin nito sa eskwela. Nagpasalamat din si Rochel kay Marika dahil sa tinutulungan syang makapag-aral at makita din ang mahal niyang si Archie.
Marika: "Oh siya! Rochel, next week, aalis na rin tayo. Kunin mo na ang lahat ng mga requirements mo, kasama na ang form 137 at 138 mo sa dating school mo. Para pagdating ng pasukan, handa na ang lahat at wala ka ng problema."
Rochel: "Opo! Miss Marika at maraming salamat din po."
Marika: "Sige. Aasikasuhin ko na rin ang huling report ko sa Kastilyong-bato para matapos ko na lahat ng trabaho ko dito sa isla."
Pag-alis ni Marika, muling nagpasalamat ang pamilya ni Rochel dahil sa biyayang binigay nya sa kanila. Naghahanda na si Rochel sa kanyang napipintong pag-alis sa isla upang mag-aral at makasama ang mahal nya na si Archie.
BINABASA MO ANG
Ang Misteryosong Kaso Ng Pagkawala Sa Isla Paradisio (Book 1)
Teen Fiction****Author's Note**** If you are reading this story on any other platform other than Wattpad, you are very likely to be at risk of a Malware attack. If you wish to read this story in it's original, safe form, please go to https://www.wattpad.com/st...