"Medic, help please!" Maine shouted on top of her lungs before she herself passed out.
Faulkerson opened his eyes and carefully scan where he is. He felt so exhausted and upon remembering what happened, he suddenly make way to stand up only to be hold off by a stinging pain on his back. He then realized that he was shot by his uncle for trying to save Mendoza.
He did not waste any second and called out from his bed.
"Hello?" Sigaw Niya dahil wala siyang makitang tao sa loob ng kuwarto Niya.
Biglang bumukas ang Pinto ng banyo na hindi Niya napansin.
"O, anak, bakit bumangon ka na? Baka bumuka ang tahi mo? Mas lumala ang tama mo." Sabi ng amang si Faulkerson Sr.
"Dad, nasaan si Mendoza? Ang team, ano ang nangyari sa kanila? Lumalaban pa kami sa grupo nila Tito!" Natatarantang tanong ni Richard.
Napailing ang matandang Faulkerson Bago nagsalita.
"Dahil sa sugat mo, inilabas ka ng ibang mga kasamahan mo, sa utos na rin ng kapitan mo! Nagmamadali ka nilang isinugod sa hospital kasama ni Eric at ng dalawa pa sa kasamahan ninyo. Mabuti at walang napuruhan sa Inyo ng husto!" Sabi ng ama bagaman napansin Niya na hindi tumitingin ang ama sa kanyang mga mata.
"Dad, bakit ayaw ninyo akong tingnan? May nangyari ba? Nasaan si Mendoza at ang iba pa? Ano ang balita sa kanila?" Pigil sigaw na Sabi ni Faulkerson sa ama, nakakaramdam ng kaba. Tila may kakaiba sa paligid at sa awra ng kanyang ama.
"Isang mapagpalang Umaga sa Inyong lahat! Headline sa acting balita ngayon ang nangyaring sagupaan ng pulisya at mga miyembro ng isang sindikato sa loob ng isa sa mga pinakamalaking kompanya ng advertising sa Pilipinas. Nangyari ang nasabing sagupaan dakong alas kwatro ng hapon matapos hawing hostage ng mga sindikato ang mga empleyado nito! Lumalabas sa paunang ulat na natunugan ng pulisya na sa nasabing building nagtatrabaho ang utak ang sindikato na si Eusebio, kasama ang anak nito. Ginagamit umanong front ng sindikato ang kompanya na pag-aari ng mga kamag-anak nito upang magparating ng droga sa bansa. Sa matagal na surveillance sa naturang grupo, nalaman ng mga pulis na Isa siyang board member ng nasabing kompanya at kasalukuyang namamahala ng warehouse department dahilan upang maipuslit at maitago ang mga kontrabando sa naturang building. Tumagal ang labanan ng may apat na oras at sa kasawiang palad, apat sa mga grupo ng pulis ang nasugatan at isang kapitan ang malubha ang Tama at ito at si Captain Maine Mendoza. Nalansag naman ang grupo at kasalukuyang nakapiit sa Makati City Jail. Ito po si Cesar Apolinario, nag-uulat para sa ADN News!"
Hindi makapaniwala so Richard sa narinig at pinilit tumayo.
"Maine... Nasaan si Maine, Dad?" Sambulat iyak ng binata sa ama. Nakatayo ang binata at hinblot ang suwero nito at kagyat itong tinanggal.
"Dad, nasaan si Maine? Dalhin mo ako sa kanya ngayon! Kailangan Niya ako! Hindi Niya ako pwedeng Iwan!" Patuloy sa pagwawala si Richard na tumawag sa atensiyon ng mga bantay nito sa labas. Pumasok ang mga iyon at nakita ang pagwawala ni Richard. Kagyat na tumawag ng doktor ang isa sa mga pulis upang payapain ang binata.
"Dad, ano ba? Bitawan mo ako, sabihin mo sa akin kung nasaan siya o dalhin mo ako sa kanya!" Patuloy na pagwawala ni Richard.
Pumasok ang mga doktor at ang dalawang pulis upang pigilin na ang binata.
"Lieutenant, wag Kang magwala kung ayaw mong lumala at bumukas ang sugat mo!" Sabi ng doktor na inihahanda ang gamot na pampakalma.
"Wag mo iturok sa akin yan, titigil lang ako Pag dinala ninyo ako sa kinaroroonan Niya!" Lalong nagwala ang binata ng ma-realize ang gamot ng hawak ng doktor. Hindi siya pwedeng matulog lang, kailangan siya ni Maine. Kailangan siya ng mahal Niya. Nangako siyang iingatan Niya ito.
Ngunit dahil sa tinamong sugat ni Richard sa likod, nanghina ito at walang magawa sa tatlong lalaki na pumipigil sa kanya kasama ng ama. Naiturok ang pampakalma at unti-unting tumahimik ang binata.
"Dad, dalhin mo ako sa mahal ko! Dalhin mo ako sa kanya! Wag ganito, kailangan Niya ako!" Umiiyak pa ding Sabi ng binata habang unti-unti na itong nilalamon ng epekto ng gamot.
Samantala sa kanilang dako...
"Kailangan natin tanggapin ang lahat, Nanay! Wala na tayong magagawa sa bunsong anak natin Lindi ang maghintay at magdasal!" Ang Sabi ni Teddy sa asawa habang inaalo ito...
A/N : Malapit na po tayo sa katapusan, Sana anuman ang maging ending nito, tanggapin natin ha? Kuwento lang po ito ng malikot na isip ng author... At ngayon pa lang humihingi na po ako ng tawad sa Inyo... 😭😭😭
Alam ko pong matagal kayong naghintay at nagpasensiya sa Inyong Tamad na author... Patawad po... At katulad ng naunang nasabi ko na, wag po ninyo akong isumpa hanggang katapusan... 🙏🙏🙏😭😭😭
Salamat po...
YOU ARE READING
The Boss' Nerd
FanfictionAn annoying nerd to her boss! A devil boss to her! Battle of wits and character... Let me take our OTP to another adventure in this new story of mine.
