Kate's POV:
Maingat ang aking mga hakbang habang nakasunod kina Blaze. Simula nang maabutan ko sila kanina ay di ko na inalis pa ang aking paningin kay Cha. Ang porma niya ay parang zombie at nanatiling tulog habang naglalakad hanggang sa umabot na kami dito sa may mapunong bahagi. Nakasunod naman sa kaniya si Dark at umaalalay habang si Blaze ay tahimik na nagmamasid sa paligid.
Napahinto ako sa pagsunod nang mapansin kong tumigil na rin sa paglalakad itong si Cha saka ko nilibot ng tingin ang buong paligid. Wala naman akong napansing kakaiba sa gawing ito maliban na lamang sa may kalakihang balon na nasa unahan, isang dipa ang layo mula sa kinatatayuan ni Cha. Natatamaan ito ng liwanag ng buwan kung kaya't mapapansin mo talaga ito.
Unti-unti akong lumapit habang nakatago sa isang puno. Maingat na hindi mapansin nitong dalawang prinsipe. Buti na rin nga lang na nasa kay Cha ang kanilang atensiyon.
Nang mapansin kong dahan-dahang humakbang si Cha palapit sa may balon na yari sa bato, ay inihanda ko na rin ang aking sarili sa kung anuman ang susunod na mangyayari. Saktong lumapat ang dalawang kamay ni Cha sa may gilid ng balon ay bigla na lamang pinalibutan ng itim na usok ang kaniyang buong katawan. Huli na ng saklolohan ito ni Dark dahil sa paglaho ng usok na tila hinigop ng balon ay naglaho rin ng tuluyan si Cha sa aming paningin. At bago pa mahuli ang lahat ay kaagad ko ring ginamit ang kapangyarihan ng hangin upang maglaho ang aking katawan at kaagad pinalutang papasok sa balon upang sundan si Cha.
Blaze's POV:
Nang maglaho si Cha ay sinubukan naming dungawin ang balon nguni't ni hindi namin ito mahawakan na tila ba usok lamang sa aming paningin. Nasa ganun kaming sitwasyon ng maramdaman ko ang tila daplis ng hangin na dumaan sa aking gilid at tila papuntang balon. Tila pamilyar sa akin ang presensiyang ito nguni't di ko rin matukoy kung sino. Nang makabawi mula sa aking pagkabigla ay agad kong nilibot ang balong nasa aming harapan.
"May mahikang taglay ang balon na ito. At kung tama ang aking hinala na ang bato ang nagdala kay Cha dito at siya ring dahilan ng kaniyang paglaho ngayon, malabong makakapasok tayo riyan.", tugon ni Dark.
Napatango na rin lang ako sa kaniya. Kung gayun ay wala kaming ibang magagawa sa ngayon kundi ang maghintay.
"Sana lang ay maging ligtas siya.", may kahinaang dagdag tugon ni Dark.
Alam kung nag-aalala siya para sa kaligtasan ng kaniyang kapatid. Maging ako man ay nag-aalala rin ngayon para kay Leah. Nang maupo siya sa may malaking bato sa kabila ay sumanday na rin ako sa punong nasa malapit sa akin. Saka ko naalalang muli iyong presensiyang naramdaman ko kanina.
Elle's POV:
Dahan-dahan kong pinupunasan ang bawat butil ng pawis sa noo ni Leah. Nanatili pa rin siyang nasa ganung kalagayan mula nung umalis sina Blaze pasunod kay Cha.
"Kumusta na sa labas?", rinig kong tanong ni Clau sa mga kakapasok lang. Hindi na ako nag-abala pang lumingon sa kanila. Abala kasi ang aking isipan.
"Ayos na. Naroon rin si Chris nakabantay. Ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit itinali ni Heraluna si Mira doon sa may puno. Tapos di man lang pumalag si Chris.", tinig ni Jake.
"Hayaan niyo na ang prinsipe. Baka may rason sila para riyan. Sina Blaze, nahanap niyo ba?", muling tanong ni Clau.
"Hindi nga eh. Di na namin naabutan. Bumalik na rin kami agad dito at baka mapagalitan pa kami nun kung iwan namin kayo."
"Buti naman at alam niyo.", tinig naman ni Lyn.
"Ano nga kayang nangyayari sa bayang ito at tayo pa talaga ang natiyempuhan ngayon?", tanong naman ni Rain na nasa aking tabi at nakabantay rin kay Leah.
BINABASA MO ANG
MAGEIA Unang Yugto: Ang Nakatagong Alamat
Viễn tưởngDalawang magkaparehong pangalan. Magkaibang pagkatao. May nagpakatotoo at may nagkukunwari. Kabutihang sinuklian ng kalupitan. Kalupitang naging sanhi ng pagbabago. At pagbabagong kokontrol sa kapalaran. _______________________ Sa mundo ng Mageia, m...