Mageia L: Dark

80 5 0
                                    

Kates's POV:

Naglalakad ako sa isang di pamilyar na kagubatan. Huni ng mga ibon at pag-ihip ng hangin sa mga dahon ng puno ang tangi kong naririnig. Patuloy lamang ako sa aking paglalakad na tila ba walang ibang iniisip. 

Nang marating ko na ang tila dulo ng kagubatan, ay may nakikita akong apat na taong nakatalikod sa akin. Unti-unti ko silang nilapitan para malaman ko kung sino ba sila at kung ano ang ginagawa nila dito.

Naramdaman ata nila ang aking paglapit dahil sabay silang napaharap sa akin. Natuwa naman ako ng makilala ko kung sino ang mga ito.

"Buti naman at andito din pala kayo. Di na ako nag-iisa. Pero nasaan ba tayo?", tanong ko sa kanila habang ako'y papalapit sa kanilang kinaroroonan.

Nguni't ni isa man sa kanila'y walang umimik, patuloy lamang silang nakatitig sa akin na tila ba ayaw nilang nandito ako.

Nang tuluyan ko na silang malapitan ay agad ko namang inakbayan sila Mia at Nemi, nguni't nagulat lamang ako dahil agad din silang umiwas na tila ba ayaw nilang magpahawak. Si Mia ay tumabi kay Jude habang si Nemi naman ay kumapit kay apoy.

Nagtaka man ako sa kanilang reaksiyon, ay todo ngiti pa rin ako. Baka kasi nangti-trip lang ang mga ito.

Ibinaling ko naman kay Blaze ang aking paningin nguni't ang mga titig niya dati na tila blangko lamang, ngayo'y napalitan ng tila galit. Kumunot naman ang aking noo.

"Ako nga'y tigil-tigilan ninyo sa mga aktingan niyong ganyan, ha. At isa pa, kelan pa kayo naging magkasundo nitong si apoy, Nemi? Di ko ata alam yan.", natatawa ko pang sabi nguni't wala pa rin silang reaksiyon.

Dahan-dahan namang naglakad si apoy palapit sakin. At nang halos isang dangkal na lamang ang pagitan namin ay sobra akong nagulat dahil ako'y kaniyang itinulak.

Di ako nakapalag. Maluha-luha na lamang akong napatingin sa kanilang apat na ngayo'y nakadungaw sa akin habang ako'y hinihila na pababa ng pampang na kanina'y dinudungaw ko lamang.


Hinihingal akong napabangon. Agad kong ininom ang tirang tubig na nasa basong nakapatong sa may bedside table. Napailing na lamang ako habang pinunasan ang luhang pumatak sa aking pisngi. 

Panaginip lamang pala. Isang masamang panaginip na wari'y totoo. Labis ang aking pagtataka kung bakit ba ganun ang aking panaginip. Wala naman siguro iyong nais ipahiwatig ano? 

Napabuntong-hininga na lamang ako saka ako nag-unat ng katawan at napagpasyahang mag-ayos na ng aking sarili. Gutom na din kasi ako.


******************


Naglalakad na kami ngayon ni Mia papuntang trapezaria upang ikondisyon ang aming mga sarili. Oo, ikondisyon talaga dahil tanging pagkain lamang ang makakapagbigay sigla sa amin. 

Buti naman at konti pa lang ang kumakain dito nang kami ay dumating. Ayoko ata sa maiingay ngayon. 

Pumila na agad kami ni Mia upang makahakot ng aming mga pagkain. Lol. Hakot talaga?

Nang makakuha na kami ay agad na kaming naupo sa malapit na bakanteng mesa. Di na kami namili pa ng puwesto, takam na takam na kasi kami sa mga pagkaing aming napili. 

Toasted bread, fries, hotdog and boiled egg ang kay Mia na pinaresan naman niya ng purong kape. Ewan ko lang kung anong tawag sa mga pagkaing ito dito sa kanila, basta't ganun ang pagkakatawag nito sa mundo ko dati. Ang sa akin naman ay pandesal, ham, scrambled egg at hotdog na pinaresan ko ng kapeng may halong gatas. Pero wag ka, dahil pang dalawang katao ang kinuha kong budget. Sssshhh. Gutom ako, eh. Paki nila.

MAGEIA Unang Yugto: Ang Nakatagong AlamatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon