Mageia XXXV: Unang Pagsubok ng Epilogi

102 5 0
                                    

Kate's POV:

Nananakit pa rin ang paa't braso ko. Pagkatapos kasi ng mano-mano at mala-yoga na ensayo namin nung isang araw ay pinagpartner ulit kami para sa espadahan kahapon. Ayos lang naman yun kasi sanay naman ako sa arnis dati, kaso mas mabigat pala ang totoong espada dito at nakakasugat pa kung nagkataong magkamali ka ng hawak. 

Pagkatapos naman ng aming espadahan ay sinabihan kami ng aming magaling na lider na ensayuhin ang aming mga kapangyarihang taglay. At dahil di ko pa naman gamay ang aking powers ay nakuntento na muna ako sa panunuod sa kanila. 

Eh dakilang epal si yelo kaya ayun, pinag-ensayo ulit ako sa espada with Leah. Kaya nananakit kalamnan ko ngayon sa kakasangga, sadista ata yung babaeng yun. Di man lang kumilala ng kaibigan. Pero ayos lang naman, at least natuto ako.

Sila Mia naman daw ay panay mano-mano at kapangyarihan ang pinag-ensayo. Buti pa sila ni Jude, alam na alam na nila ang takbo ng kanilang mga kapangyarihan, samantalang ako ay nangangapa pa din.

Makapunta na nga lang sa baba, baka andun na sa sala si Mia. 

"Maaga ka din palang nagising, insan?", salubong na bati sa akin ni Mia. Busy ata siya sa maliit naming kusina.

"Oo, kahit masakit katawan ko ay maaga akong nagising kanina tapos di na ako nakatulog. Naligo na lang ako."

"Pareho tayo. Mukhang pareho din tayong excited masyado ngayong araw na 'to.", may ngiti sa labing saad niya.

Aaminin ko, excited nga ako. Ngayong araw na kasi sisimulan ang epilogi na aking pinanabikan. Masaya ako na kinakabahan din naman.

"Siguro nga. Ano ba yang pinagkakaabalahan mo diyan?" Tuluyan na akong lumapit sa kaniya at sinilip ang kaniyang ginagawa.

"Wag ka nga'ng magulo at magluluto ako." Kumunot naman ang noo ko sa sinabi niya. Himala naman ata.

"May sapi ka ba ngayon? Ba't mo naisipang magluto, aber?" Natawa lang naman siya sa sinabi ko.

"Diba nga simula na ng epilogi mamaya? At dahil excited ako, magluluto ako ng sinigang na isda sa sampalok. Para maiba naman ang araw na 'to, dito tayo kakain ngayon at hindi doon sa trapezaria."

Napatango naman ako sa sinabi niya. At natakam agad sa ideya ng sinigang.

"Sige, insan. Tapusin mo na yan at ako naman ay magbebake ng chocolate cake." Excited ko na ding sabi saka sinimulan ang aking balak.

 Di niyo kasi naitatanong ay may talent kaming dalawa sa pagluluto, mana kami kay Mama. Kaya nga restaurant ang negosyo namin dati. Pero napabaling ulit ako kay Mia nang may maalala akong itanong.

"Saan ka nga pala nakakuha ng mga lulutuin mo? Saka saan ako pwedeng kumuha ng para i-bake?" 

Kumpleto naman kasi itong silid namin ng mga kagamitan pangkusina na kamukha lang din sa mga gamit namin dati sa mundo ng mga tao. Ang kaibahan lang ay wireless ito lahat. Magic ang nagdala, gara noh?

"Sa ref natin, insan.", maikling sagot ni Mia habang abala pa din sa paghiwa ng mga pansahog niya.

"Oh? Namili ka? Kelan naman?", tanong ko pa habang palapit na ako sa ref. Nang ito ay aking buksan, wala namang laman. Kunot-noo akong napatingin kay Mia. Niloloko ata ako ng pinsan ko, ah.

"Wala namang lama-"

"Di kasi ganyan, insan.", saad ni Mia na nasa tabi ko na pala. Sinarado niyang muli ang ref saka bumaling sa akin.

"Ngayon, ilapat mo muna ang iyong kanang palad sa pinto ng ref, pumikit ka at ilarawan mo sa iyong isipan kung ano ang nais mong makuha mula sa ref." Sinunod ko naman ang mga sinabi ni Mia.

MAGEIA Unang Yugto: Ang Nakatagong AlamatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon