Mageia XLV: Ang Huling Pagsubok (part I)

83 4 0
                                    

Kate's POV:

Umaga na naman. Panibagong umaga. Kakabalik lang namin dito sa akademya. Sinundo kami ni lolo headmaster doon sa kampseis ammou. Doon na kasi kami pinagpahinga kagabi at pinahiram na din nila kami ng damit na maisusuot. Nagmukha na kasi kaming mga dugyot.

Masaya naman ang naging gabi namin kahit na maraming naganap na di inaasahan sa araw na yun. 

At sa pagbalik namin dito sa akademya ay bulung-bulungan ang sumalubong sa amin. Alam na din pala nila ang naganap na pagdukot sa akin. Ika nga nila, may pakpak ang balita, may tenga ang lupa. 

Deretso agad kami dito sa may aithousa. May mahalagang anunsiyo daw kasi ukol sa pagpapatuloy ng epilogi. Balak ko pa naman sanang kumustahin si Azul. Kumusta na kaya ang lobong gala na iyon. Iniwan ko pa naman yun sa kwarto. Sabi niya kasi siya na ang bahala sa sarili niya. Well, kaya naman niya maging tao, tiyak kong ayos lang ang isang yun.

Nakahanay na kaming lahat ng mga kalahok dito sa ibaba ng entablado habang ang ibang mga estudyante ay nakaupong nanunuod. Nakaupo na rin sa entablado ang mga kyrios at si lolo headmaster. Nasa magkabilang gilid naman nakatayo ang mga prinsipe at ang fos angelon.

"Magandang araw sa inyong lahat at maligayang pagbabalik sa ating mga kalahok.", mayamaya ay saad ni kyrios Santi. Di ko man lang napansin ang pagtayo niya sa gitna. Abala kasi ang aking paningin.

"Batid kong alam na ng lahat ang pangyayaring naging dahilan na naman ng pagkansela ng pagsubok ng epilogi, at ang nangyaring pagdukot sa isa nating kalahok. Nguni't ito'y ating nalagpasan at may karagdagang biyaya pa.", dagdag pa nito. 

Sabay nito ay pumagitna sa entablado si Blaze. Paharap sa amin ay inilahad niya ang kaniyang kanang kamay. Lumiwanag ng kulay asul ang kaniyang singsing na suot at ito'y naging espada na ngayo'y hawak na niya.

Napamangha naman ang lahat ng mga manunuod at sabay nagpalakpakan.

"Ang spanio magiko oplo.", wika pa ni kyrios Santi na nagpahiyaw sa mga manunuod.

Huwag mo na munang ipakita kahit kanino ang espadang nakuha mo. Dahil kahit kailan ay hindi pa nangyaring naging dalawa ang spanio magiko oplo sa isang bagsak. Baka hindi ka nila paniwalaan at magkaroon pa ng hindi pagkakaintindihan. Mga salitang iniwan ni Artemis sa aking isipan bago siya lumipad palayo nung gabing iyon. 

Nagtaka man ako kung bakit maaaring magkaroon ng hindi pagkakaintindihan, ay minabuti ko na lang din na sundin. Wala naman siguro akong paggagamitan nitong espadang to ano? So, let's keep it a secret na lang din muna.

Napabalik naman ang aking atensiyon kay kyrios Santi nang magsalita siyang muli. 

"At ngayon naman ay mayroon akong tatlong mahalagang anunsiyo para sa inyo. Una. Malalaman na natin ngayon kung sino-sino nga ba ang magpapatuloy sa huling pagsubok ng ating epilogi. Ang bilang ng kalahok na kasali sa huling pagsubok ay nasa sampu lamang. "

Bulung-bulungan ang naging reaksiyon sa sinabing ito ni kyrios Santi. Sa pagkakatanda ko kasi ay tatlong pagsubok pa lamang ang aming naisagawa sa pagsubok ng epilogi kung kaya't bakit niya sinabing huli? At saka, bakit sampu lang? Baka di na ako makasali nito.

"Tama ang inyong narinig. Huling pagsubok ng epilogi. Dahil sa mga di inaasahang kaganapan, ay napagpasiyahan na huling pagsubok na ang susunod na gaganapin. At ito ay gaganapin ngayundin dito sa akademya. Ito ang pangalawa kong anunsiyo.", 

Sari-saring reaksiyon naman ang aking narinig dahil dito. Ang aking mga kasamahan naman ay kanina pang tahimik. Di ko alam kung excited din ba ang mga ito o wala lang.

MAGEIA Unang Yugto: Ang Nakatagong AlamatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon