Mageia VIII: ASD Akademia

136 4 0
                                    

Nemi's POV:

Kanina pa ako nakatayo sa harap ng malaking pader ng ASD akademia. Pagkadaong ko sakay ng varka kanina ay dumiretso na ako dito. Patingin-tingin sa paligid. Sobra nga talagang napakaganda dito, lalo na siguro ang mismong kaharian ng kentro vasileio. Sana ay makapunta rin ako doon.

"Magandang araw sa'yo. Mag-aaral ka rin ba dito?", bati ng isang tinig babae mula sa aking likuran. Nang ito'y aking tingnan ay namangha ako sa taglay niyang kagandahan, pero mas maganda pa rin ako.

"Oo eh, kaso di ko pa alam kung pa'no buksan 'yan. Bago lang kasi ako dito, kararating ko nga lang eh.", sagot ko sabay turo sa nakasaradong tarangkahan na gawa sa ginto. Sa sobrang lawak nito ay di mo talaga maaaninag kahit konti kung ano mang nasa loob.

"Ganun ba? Huwag kang mag-alala, sabay na lang tayo. Gayahin mo lang ako ha.", sabi niya sabay lakad palapit sa may pormang pinto. Itinapat niya ang kaniyang palad sa hugis palad din na guhit sa gintong pader. Nang ito'y lumapat ay biglang umilaw ang kaniyang buong katawan at naglaho sa aking harapan. Alam kong nakapasok na siya. Sinunod ko agad ang kaniyang ginawa. Pagkawala ng liwanag na bumalot sa akin ay tumambad sa aking harapan ang napakalaking gusali ng akademya na kumikinang sa sikat ng araw. 

"Maligayang pagdating sa ASD akademia.", bati sakin nung babaeng nakasabay ko. Ano nga bang pangalan nito?

"Ako nga pala si Lucia. Tawagin mo na lang akong Lucy para mas bongga.", pakilala niya sa akin sabay abot ng kaniyang kamay.

"Ako si Nemesis. Aurora Nemesis. Nemi na lang din ang itawag mo sa akin.", At inabot ko din ang kaniyang kamay. Saglit naman siyang natigilan at napatitig sa akin.

"Aurora?", Tapos hinawakan ang aking buhok. "Gintong buhok at asul na mata.", sabi pa niya habang mas tinitigan ang aking mga mata.

"Bakit? May problema ba sa pangalan ko?", 

Napabitaw naman siya bigla. "Ah, wala naman. May naalala lang ako saglit." Napangiti na lang din ako.

"Tara, pasok na tayo at nang masamahan kita kay kefali kyrios ( head master )." sabay hila niya sa akin papasok sa akademya.



Kate's POV:

Nakakamangha talaga ang lugar na ito. Hindi pa nga ako nangangalahati sa aking paglalakbay dito ay sobra-sobra na akong namangha sa aking mga nakikita. How much more pa kaya pag lubos ko na itong nalilibot, diba? Aatakihin na siguro ako sa galak. Haha.

Andito na kami ngayon sa harap ng akademya. Sobrang taas at sobrang kapal naman ng gate na ito oh, kulay gold pa. Di rin sila mahilig sa gold, noh? Kung sa mortal world pa ito, naku baka matagal ng giniba at binenta. Lol.

"Bes, parang ayaw naman 'atang magpapasok ng paaralang ito. Tingnan mo nga yung pader, sobrang kapal at sobrang taas.", puna ni Mia.

"Oo nga,.", segunda naman ni Jude. Lumapit pa ito sa pader at panay ang himas."Totoong ginto ba ito?" Panay pa rin ang kapkap niya sa pader nang bigla siyang magliwanag at naglaho sa aming harapan.

"Waaahhhh.. Mama, si bestie nawala. Anong nangyari?", gulat kong reaksiyon habang nakatago sa likod ni Mama.

"Malamang, kinain na iyon ng pader, bes, pasaway kasi, eh.", natatawa namang saad ni Mia habang nakapameywang pa.

"Nakapasok na si Jude kaya siya nawala. Naitapat niya kasi ng di sadya ang kaniyang palad sa anichneftís ( detector ) na nakaguhit sa may pader.", paliwanag naman ni Mama. Ang galing lang talaga ni Mama. Alam niya lahat eh.

"Daya naman. Mas nauna pa tuloy siya.", maktol naman ni bessy. Agad naman akong tumakbo sa may pader at hinanap ang detector na iyon. Humabol naman si bessy at nang makita na namin ang guhit ay nag-unahan pa kami sa pagtapat ng aming palad. Pero nauna pa rin ako, mabilis to eh, haha.

MAGEIA Unang Yugto: Ang Nakatagong AlamatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon