Kate's POV:
Naglalakad ako ngayon mag-isa sa isang kagubatan. Di ko alam kung saang panig ito ng mageia at mas lalong di rin ito yung paraiso nung mga diwatang gabay-diwa.
Patuloy lang akong naglalakad habang nakikiramdam rin sa paligid. Mahirap na, di ko pa naman alam kung nasaan ako. Pero isa lang ang sigirado ako, na ito'y isang panaginip na naman o kung panaginip nga bang maituturing.
Kalaunan ay napansin kong papakonti at papaliit na ang mga puno na ibig sabihin ay papalabas na ako ng kagubatang ito. Agad ko namang binilisan ang aking paglalakad nang sa ganun ay malaman ko kung ano ang makikita ko sa unahan.
At nang ako nga ay makalabas na, humantong ako sa isang dalampasigan. Pero hindi, kasi hindi naman pala ito dagat kundi isang lawa. Isang di naman gaanong malawak na lawa na kulay pula ang tubig.
Sa unang tingin ay aakalain mo talagang dugo ito at hindi tubig dahil sa matingkad nitong kulay pula. Nakapako pa rin sa pulang lawa ang aking paningin nang may maaninag akong maputi sa gawing unahan sa may tabi ng lawa.
Siningkit ko naman ang aking mga mata para malaman kung ano ito. At ganun na lamang ang aking pagkagalak nang makilala ko kung ano ang nasa kabila.
"Artemis." Sigaw ko rito at winagayway ko pa ang aking kamay sa ere para mapansin niya. Nagtagumpay naman akong makuha ang kaniyang pansin dahil nakita kong napatingin ito sa akin.
At dahil sa kagustuhan kong malapitan siya ay tinakbo ko na pagilid ang lawa para makarating ako sa kinaroroonan niya.
Nang kami ay magtagpo na ay ganun na lamang ang aking pagkabahala dahil bigla na lang siyang naglaho, sa halip ay isang lalaking nakaputi at may mahabang tuwid na buhok ang ngayo'y nakatayo patalikod sa akin.
Di agad ako nakaimik dahil sa pagtataka. Sigurado naman kasi ako na si Artemis yung andito kanina. Tatawagin ko na sana siya para kami ay magkakilala nang bigla ay may tumawag sa aking pangalan.
BINABASA MO ANG
MAGEIA Unang Yugto: Ang Nakatagong Alamat
FantasyDalawang magkaparehong pangalan. Magkaibang pagkatao. May nagpakatotoo at may nagkukunwari. Kabutihang sinuklian ng kalupitan. Kalupitang naging sanhi ng pagbabago. At pagbabagong kokontrol sa kapalaran. _______________________ Sa mundo ng Mageia, m...