Mageia XXXI: Mga Katanungan ni Yelong Apoy

121 6 0
                                    

Blaze's POV:

Lumipas ang Sabado at Linggo na di ako mapakali sa kakaisip nung nagdaang pangyayari. Di talaga ako pinatulog ng kuryosidad ko. At sa dalawang araw ding yun ay di ko man lang nasilayan ang munting lobo. Balita ko lang e nakabalik na daw yun sa kaniyang amo.

Napapaisip nga ako minsan kung si Kate din ba yung nagtungo dun sa sekreto kong lugar. Pero, kung sakaling siya man e mas madami pang katanungang maidagdag sa akin.

Kainis. Kailangan ko talagang mahanapan ng kasagutan ang pangyayaring ito. Di ako titigil hanggang napapaliwanagan ako.


Kate's POV:

Lunes na ngayon. At excited na ako, ay, kami pala. Haha. 

Kanina pa nga kami nakabihis e. Papunta na kami ngayon sa trapezaria para kumain ng agahan. Ayoko na nga sanang kumain e kasi I'm sure madami namang pwedeng kainin mamaya. Kaso, kung makahila itong si Mia tsaka si Jude, wagas. No choice ako.

Pagpasok namin sa trapezaria ay agad silang pumila para umorder habang ako naman ay naghanap na lang agad ng bakanteng mesa para samin.

May nakita akong bakante sa may gilid ng glass window. Kitang-kita yung mga nagaganap sa labas kaya dun ko napiling pumuwesto. Abala ako sa pagtanaw sa labas habang si Azul naman ay naupo sa mesa kaharap ko.

Maghanda ka dahil ramdam ko ang paparating na mga katanungan.

Huh.? 

Kaloka din naman tong si Azul e. Bigla-biglang nagsasalita sa isip ko. Kunot-noo ko na lang siyang tinitigan pero wala na siyang iba pang sinabi. 

Di naman nagtagal ay dumating na sila Mia at kasama na din pala nila sila Nemi at lucy. Ayos to, mas marami mas masaya.

"Kinuhanan na kita ng makakain mo. Di pwedeng walang laman iyang tiyan mo umagang-umaga."  Para namang tatay kung makaasta tong si Jude. Kinuha ko na lang din ang para sakin at baka magalit pa to.

Fried beaten egg, pandesal at fresh milk. Nice, pwede na rin. Naupo na din silang lahat at nagsimula ng kumain.

Binigay ko naman kay Azul yung isang tinapay na tinanggap naman niya. Kakain na rin sana ako nang bigla ay may humila sakin patayo at kinaladkad ako papuntang pintuan. Na-shock tuloy ang lahat lalo na ang aking mga kasamahan. Napatayo naman sa gulat si Mia at Jude habang sila Nemi ay nabitin ang kutsara sa harap ng kanilang bibig. Nakakatawa na sana kung di lang dahil sa asungot na to na bigla-bigla na lang nanghihila.

"Hoy.! Ano ba'ng problema mong yelo ka?", sabay waksi ko sa kamay niya. Nilingon naman niya ako gamit ang mga titig niyang nanghahamon at oo, tama kayo ng rinig, si prinsipeng yelo nga ito.

Di naman niya ako sinagot at hinila pa ulit pero dahil sa may taglay din akong kaliksihan ay nakailag agad ako kaya't hangin lamang ang kaniyang nahawakan. 

"Sabihin mo nga, ano ba'ng sadya mo at saan mo ba ako dadalhin, ha?", nakapameywang ko pang tanong sa kaniya. Pansin ko naman ang pagtahimik ng paligid at ang mga matang nakatitig sakin. Nasa may gitna kasi kami ng trapezaria kaya nakuha na namin ang atensiyon ng lahat.

"May mga kelangan kang sagutin kaya't sumama ka sakin." Marunong din naman palang magsalita ang isang to ba't di na lang sabihin agad bago sapitilitang manghila.

"E, kung kinausap mo na lang kaya ako ng matiwasay kanina, hindi yung basta-basta ka na lang nanghihila. Sasama naman ako pag maayos mo akong kinausap, ah. Saka di mo ba nakitang kakain pa lang yung tao tapos bigla mo na lang hinila? E, kung ikaw kaya ang ganunin ko? Gusto mo, gusto mo?" pasigaw kong litaniya sa kaniya. 

MAGEIA Unang Yugto: Ang Nakatagong AlamatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon