Mageia VI: Panaginip

156 5 0
                                    

Kate's POV:

Naglalakad ako sa isang hardin. Isang hardin na nakakabighani. Ito'y punong-puno ng iba't-ibang uri ng bulaklak na kumikinang sa ganda, na sa tanang buhay ko ay ngayon ko lang nakita. Patuloy lang ako sa paglilibot hanggang sa may matanaw akong mini falls sa unahan at agad ko itong tinungo. Sobrang nakakamangha ang tanawin sa aking harapan na para bang ayaw mo ng nanaising magising. Nguni't alam ko namang ito ay panaginip lamang at lahat ng panaginip ay may hangganan, kung kaya't habang andito pa ako ay bubusugin ko na ang aking mata sa kagandahang naririto.

Nakapikit akong dinama ang sariwang hangin nang may marinig akong kumakanta. Agad kong hinanap ang pinanggalingan ng kaygandang boses at ako'y nabigla sa aking nasaksihan. Sa isang bato malapit sa talon ay nakaupo ang isang napakagandang sirena. At sa wari ko ay di lang siya ordinaryong sirena dahil sa buntot niyang kulay berde ngunit may linings na kulay ginto at sa koronang crystal na may berdeng bato na nasa kaniyang ulo.

Tumigil ito sa pag-awit ng ako ay kaniyang mapansin. Ngumiti siya sa akin at biglang tumalon sa tubig. Abala ako sa pag-aabang sa kaniyang muling pag-ahon ng bigla ko namang maramdaman na may nakatingin sa aking likuran, kung kaya't agad akong tumingin sa aking likod para lamang magulat. Napalukso pa ako sa gulat at napatakip sa aking bibig para hindi makasigaw dahil nakakahiya naman. 

Sa aking likuran, mga dalawang metro lang ang layo sa akin, ay nakatayo ang isang napakagandang diwata, suot ang isang overflowing golden brown long gown at nakakorona rin ng crystal at may kulay brown na bato. Sa kaniyang kanan nakatayo ang isang unicorn na kumikinang sa kaputian, may puti ding pakpak na may gold linings, at may kulay asul na sungay sa gitnang noo. Sa gawing kaliwa naman ng diwata, nakalutang sa hangin ang isang bolang apoy na unti-unting lumalaki at bigla ay naging isang ibon, isang kulay pulang ibon na ang mga pakpak ay naglalagablab na apoy, ang phoenix, at nang ito'y humuni ay nakakabingi ang tinis ng kaniyang tinig ngunit sa di ko mawaring dahilan ay di naman ako tinablan. Nakalutang lang ito sa ere habang nakabuka ang mga pakpak. Bigla naman akong napabalikwas ng tingin nang may maulinigan akong parang tunog ng umahon sa tubig, at di nga ako nagkamali dahil nakita ko sa malapitan ang kanina ko pa inaabangang sirena.

"Maligayang pagdating sa aming tirahan, binibini.", napabalik ang aking tingin sa diwata nang ito ay magsalita sa napakalambot na tinig. Naglakad ito palapit sa sirena habang nakasunod naman ang unicorn at ang phoenix. Kilala ko naman ang mga nilalang na ganito dahil kahit na sa mortal world ako lumaki ay mahilig ako sa mga fantasy movies. Nakamasid lang ako sa kanila habang nakatakip pa rin saking bibig ang aking kamay dahil na rin sa labis na pagkamangha, dahil kahit na panaginip lang ito ay parang totoo dahil sa sobrang linaw nito.

"Nandirito ka ngayon sa aming tahanan, ang Thea Ton Paradeiso. Ang tahanan naming mga naunang tagapangalaga at ngayo'y tagagabay na. Ako nga pala si Neptuna, ang tagagabay sa elemento ng tubig.", ang malamyos na boses ng sirena.

"Ako naman, binibini ang tagagabay sa elemento ng lupa. Tawagin mo na lang akong Vesta.",sunod na sabi ng diwata habang nakangiti.

Pinagmasdan ko ang katabi nitong si unicorn at tumitig naman ito sa akin. 

"Ako naman si Aeolus, ang tagagabay sa elemento ng hangin. Ikinagagalak kitang makilala magandang binibini.", bulong sa akin ng hangin. Napatingin ako sa unicorn nang ito'y humuni at nakumpirma kong siya yung Aeolus. Huli kong tiningnan ang phoenix.

"Mars. Tagagabay ng apoy na elemento.", maikling saad ng ibon habang bumuka-buka ang kaniyang tuka. Tumaas tuloy ang aking kilay. Bayaan na lang at baka pagod na siya sa kakalipad diyan.

Nagpapakilala na sila lahat, nakakahiya naman kung ako ay hindi, diba?

"Uhm, ako naman po si.,",

MAGEIA Unang Yugto: Ang Nakatagong AlamatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon