Mageia XLVII: Ang Simula ng Katotohanan

77 6 0
                                    

Mia's POV:

Panibagong umaga na naman. Isang napaka-abalang umaga. 

Hindi nga pala natuloy ang pag-anunsiyo ng panalo kahapon sa kadahilanang hindi agad nagising ang lahat ng mga kalahok. Hating-gabi na ata nang sila ay magising maliban na nga lang kay Kate na hanggang ngayon ay tulog pa at dito na inumaga sa nosokomeio.

"Nasasabik na ako para sa kaganapan ngayong gabi. May isusuot ka na ba?.", rinig kong tanong ni Lucy.

"Wala pa nga, eh. Ikaw meron na ba?", sagot naman ni Nemi.

Andito rin kasi ang dalawa. Matapos nilang mag-agahan ay dumiretso sila dito para kumustahin si Kate, kaso nga lang tulog pa ang kanilang binisita.

"Meron akong mga damit na hindi ko pa naisusuot, Mga bagong bili pa nga yun, eh. Pili ka na lang. Sigurado naman ako kasya ang mga yun sayo.", sagot naman ni Lucy.

Busy na ata itong dalawa sa kakaisip ng kung anong susuotin nila para mamaya. Hindi ko pa pala nababanggit sa inyo na mayroong magaganap na pagdiriwang mamayang hapon. Isang engrandeng pagdiriwang na kailangang daluhan ng lahat ng nakabihis, syempre naroon pa rin ang mga espesyal na panauhin. Ngayon kasi ang huling araw ng pagdiriwang ng taunang epilogi at mamaya na rin daw ang opisyal na anunsiyo sa kung sino ang panalo.

Siya namang pagbukas ng pintuan kung kaya't napatingin kami agad dito.

"Gising na ba si Kate?", bungad ni tita Helena na tinugon ko lamang ng iling. 

Dito na rin pala siya natulog kagabi, di ko lang alam kung saan at mas lalong di ko alam kung bakit nga ba siya nandito.

"Mataas na ang araw pero di pa rin siya gising. Di pa ba gutom ang isang to?", natatawang saad ni tita habang naupo na rin sa aking tabi. 

Natawa na rin ako. Di rin naman kasi kami nag-aalala masyado kasi sabi naman ni Alyonna ay ayos lang si Kate, sobrang napagod lang daw talaga.

"Ahm, mauna na rin po kami. Hahanapan ko pa kasi ng damit na maisusuot si Nemi para mamaya. Sama ka, Mia?.", pukaw sa amin ni Lucy. 

"Hindi na muna. Mamaya na lang din ako pagkagising ni Kate. Una na lang kayo.", nakangiti kong hayag na tinugon naman nila ng tango.

Napatingin naman ako kay tita na tila natahimik at nakatitig lamang kay Nemi hanggang sa nakalabas na sila ng silid.

"May problema ba, tita?", tanong ko rito nguni't nanatili lamang siyang tahimik na nakatingin sa nakasaradong pintuan.

"Hindi ko alam, Mia. Parang may pakiramdam ako na tila may paparating.", mayamaya'y sagot niya habang nakatingin sa kawalan.

"Paparating? Sino?", nagtataka ko namang tanong. Ano namang meron kung may paparating? Baka bibisita lang din naman kay Kate.

"Hindi sino, kundi ano.", makahulugan niyang sagot sabay tingin sa akin.

"Anong ibig mong sabihin, tita?", kunot-noo kong tanong. 

Natahimik naman siya saglit saka nagpakawala ng malalim na hininga bago ako sinagot muli.

"Sa tingin ko, oras na ata para sabihin natin ang katotohanan sa pinsan mo, nang sa ganun ay makapaghanda siya. May kutob kasi ako na may papel siyang gagampanan sa kung ano man ang paparating na ito."



Kate's POV:

Batid kong nagulat ata si Mia sa narinig niya mula kay Mama kung kaya't hindi siya nakaimik agad. Well, kung siya ay nagulat, ako naman ay nagtataka sa kung ano ba'ng pinag-uusapan ng dalawang ito. 

MAGEIA Unang Yugto: Ang Nakatagong AlamatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon