Mageia LXV: Ang Paglalakbay Patungong Gi

68 4 0
                                    

Nemi's POV:

Wooh. 

Buti na lamang at maayos kong nalagpasan iyong kanina. Ito na yun. Ito na ang simula ng tagumpay namin ni ina. Ilang hakbang na lang at makakapasok na rin ako ng kentro vasileio, makikilala ko na rin ang aking ama.

Hindi pa man nasasabi sa akin ni ina kung sino talaga ang aking ama, nguni't lingid sa kaniyang kaalaman ay narinig ko sila minsan ng kaniyang kanang-kamay na nag-uusap tungkol sa pagkatao namin ng aking kapatid na si Jude. Hindi kami pareho ng ama. Pss.

Matapos nung naging pag-uusap namin sa silid-aklatan kanina ay sumunod na rin ako sa kanilang paglabas para makapaghanda. At ang laki ng naging ngiti ko. Halos wala man lang akong ginawa para makilala nila ako bilang kanilang hinahanap. At ang mas nakakabigla ay ang nalaman kong mga prinsipe pala yung sina Chris at Alex, at magiging kapatid ko pa. Hindi yun nabanggit sa akin ni ina. 

At higit sa lahat ay ipinagpasalamat ko ang pagkakaroon ko ng di ordinaryong kapangyarihan, ang kakayahan kong kopyahin ang kapangyarihan na taglay ng bawat prinsipe. Nguni't gumagana lang din naman ito kung nasa malapit sila sa akin at hindi ko rin siya kayang gamitin ng matagal dahil kinakain nito ang aking enerhiya. Hindi ko ito ipinapakita sa iba, tanging pagbanggit ng salamangka lamang ang inaamin ko na taglay kong kapangyarihan noon, kaya't laking tuwa ko nang nagamit ko ito ngayon para sa aming plano.

Pero teka, kung kinilala nila ako dahil sa ipinapakita kong mga kapangyarihan kanina, ibig sabihin ay taglay ng tunay na Aurora ang mga kapangyarihan na meron sa bawat kaharian? Imposible. Pero kung totoo man, sana ay talagang wala na siya dahil malaking hadlang siya kapag nagkataon.

Pero di bale na muna, hindi ko na muna iisipin ang mga iyan. Sa ngayon ay masayang-masaya ako at alam kong makakatulong din ang pagiging kapatid ko nina Chris upang mas mapapalapit ako kay Blaze.

Mmm. Di ko mapigilan ang aking mga ngiti. Simula na ito. Makukuha ko na rin ang mga gusto ko.



Leah's POV:

Nasaan ba kasi itong si Kate at bigla na lang di mahagilap? Walang malay pa yun kanina nung iwan ko sila ni Chris tapos ngayon bigla na lang nawala. Baka maiwan pa yun ngayon lalo pa't medyo nagmamadali na itong sina Elle.

Nasaan ka ba kasi?

"Nagkita na kayo?", si Chris na nakasalubong ko dito sa may pasilyo palabas ng palasyo. 

"Hindi pa nga eh. Di mo rin ba siya nahanap?", balik-tanong ko habang magkasabay kaming nagbalik sa loob.

"Hindi rin. Sina Dark lamang ang nakasalubong ko. Aalis na raw tayo tatlumpong minuto mula ngayon."

"Eh paano kung di pa rin natin siya mahanap?", nag-aalalang tanong ko.

"Nasa paligid lang yun. Di man natin siya mahanap, tiyak babalik yun. Hahanapin ko na muna si Alex.", paalam niya saka tumalikod.

Sinundan ko na muna siya ng tingin saka ako sumunod.



Blaze's POV:

Nakatago ako ngayon sa likod ng isang antigong banga at kasalukuyang tinatanaw si Kate sa gitna nitong hardin. Kagat-kagat niya ang dalawang mansanas sa magkabilang-kamay. Pansin ko pa nga ang inis niya sa bawat pagkagat. 

Sino na naman kayang kaaway nito?

"Sinong tinatanaw mo diyan?", bulong sa akin ng bagong dating. Di ko na inabalang lingunin pa siya dahil alam kong si Leah lang naman ito.

MAGEIA Unang Yugto: Ang Nakatagong AlamatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon