Blaze's POV:
Hindi ko akalaing masisira ko lang ng ganun kadali ang kaniyang aspida. Marahil ay dahil sa espadang gamit ko. Nguni't hindi ko alam kung bakit tila nagtuloy-tuloy ako papalapit sa kaniya. Hindi ko makontrol ang aking katawan kahit na ang aking kamay man lang sana. At habang nakatingin sa kaniyang mga mata ay naramdaman ko ang takot. Hindi para sa aking sarili kundi para sa kanya.
Kate's POV:
Huli na upang makaiwas at mukhang ayoko ring umiwas.
Bakit, Blaze? Bakit? Ganito na ba talaga kababa ang tiwala mo sa akin?
At sa tuluyang pagtarak ng kaniyang espada sa aking dibdib ay ang muling pagpatak ng aking luha. Ang inaasahan ko sanang tatapos kay Valeriana ay si Artemis, kung sakali mang magapi ng diwatang itim ang aking isipan.
Nguni't ikaw? Ikaw ang tumapos sa akin bilang si Kate.
Artemis' POV:
Napaluhod na lamang ako sa yumayanig pa ring lupa nang masaksihan ang pagtarak ng espada ni Blaze sa dibdib ni Kate. Hindi ako makapagsalita sa gulat.
"Bakit?", tanging naisambit ko.
"Dahil nakatakda itong mangyari.", sagot naman ni Mars.
"Tumayo ka riyan at sumunod sa akin. Ipinapatawag ka ng iyong kyrios.", dagdag pa niya.
"Nguni't si Kate? Paano siya?", tanong ko.
"Huwag kang mag-alala. Nakatakda ang lahat.", muling sagot niya saka naglaho.
Muli kong sinulyapan si Kate saka ako malungkot na sumunod kay Mars. Alam ko naman kasi kung saan siya papunta. Nguni't bago pa ako tuluyang umalis ay nahagip ng aking paningin ang humihikbing si Lena. Naalala ko ang bilin ni Kate kaya't gamit ang aking kapangyarihan ay ginawan ko siya ng kamukha na ipinalit sa kaniyang pwesto habang ang totoong Lena ay ipinapunta ko sa ibabang kaharian. Hahanapin ko na lamang siya kapag may pagkakataon.
Blaze's POV:
Hindi ito totoo. Hindi. Ilang ulit kong wika sa aking isipan habang nakatitig sa mga mata ni Kate na ngayo'y lumuluhang tumitig sa akin pabalik.
Hinugot ko ang espadang nakatarak sa kaniyang dibdib saka ito binitawan. Agad naman itong nagbalik sa pagiging singsing sa aking daliri. Dali kong sinalo si Kate nang mawalan na siya ng balanse habang ang mga prinsesa ay tuluyang nakawala sa mga enerhiyang nakagapos sa kanila at unti-unting bumaba sa lupa.
Nanatiling nakalutang kami ni Kate sa ere at para makasiguradong walang ibang aatake ay nilagyan ko ng aspida ang aming palibot.
"B-bakit mo iyon g-ginawa?", mahinang tanong niya habang panay ang pagtulo ng kaniyang luha.
"Patawad, Kate, pero hindi ko sinasadya.", naluluha na ring wika ko habang mahigpit siyang hawak.
"Hindi mo sinasadya p-pero sapul ang aking d-dibdib? S-sinong niloloko m-mo?"
"Huwag ka ng magsalita pa dahil makakasama lamang ito sa'yo. Dadalhin kita sa aming kaharian. Ipapagamot kita roon.", desididong wika ko.
"Hu-huwag na. Maaabala p-pa k-kita. At i-isa pa, mukhang hindi na rin ako magtatagal. S-sadyang m-malupit ang tadhana p-para sakin. Hi-hindi ko lang akalain n-na i-ikaw pa m-mismo ang w-wawakas sa b-buhay ko, B-blaze. K-kahit na h-humingi ka p-pa ng t-tawad n-ngayon ay hindi ko maibibigay s-sayo."
BINABASA MO ANG
MAGEIA Unang Yugto: Ang Nakatagong Alamat
FantasyDalawang magkaparehong pangalan. Magkaibang pagkatao. May nagpakatotoo at may nagkukunwari. Kabutihang sinuklian ng kalupitan. Kalupitang naging sanhi ng pagbabago. At pagbabagong kokontrol sa kapalaran. _______________________ Sa mundo ng Mageia, m...