Chris' POV:
Kanina ko pa'ng hinahanap si Kate pero ni anino niya ay di ko mahagilap. Lumabas kasi ako kanina mula sa silid niya upang hanapin si Alex nguni't pagbalik ko ay wala na siya sa kaniyang higaan. Wala naman akong mapagtanungan kung saan siya nagtungo dahil pinaalis ko iyong nagbabantay sa kaniya kanina pati iyong kawal sa labas. Imposible namang nakatakas siya mula dito sa aming kaharian.
Patuloy lamang ako sa aking paghahanap hanggang sa makasalubong ko si ina. Hindi niya yata ako napapansin at parang malalim ang kaniyang iniisip.
"Mitera.", bati ko sa kaniya sabay yuko nguni't di niya ako pinansin at nilagpasan lamang habang ang paningin ay nasa malayo.
(Translation: Mitera - Mother)
Taka ko siyang nilingon. Mukhang hindi niya talaga ako napansin. Ano kayang bumabagabag sa isipan ng aking ina ngayon? Bihira ko lang kasi siyang makita na ganiyan. Balak ko sana siyang sundan nguni't naalala ko naman si Kate.
'Di bale na. Hahanapin ko na muna si Kate dahil hindi pa naman nun kabisado ang lugar na ito. Pupuntahan ko na lang mamaya si ina.'
Kate's POV:
Nang magising ako kanina at mapansing walang nakabantay sa loob at labas ng aking silid ay napagpasiyahan kong lumabas. Hindi pamilyar sa akin ang paligid kaya't tinungo ko na lamang ang daan na una kong nakita.
Kanina pa akong palakad-lakad hanggang sa umabot na ako dito sa parang tagong bahagi. Marami-rami rin kasing makakapal na halaman ang nakapaligid sa parteng ito kaya't hindi agad makikita sa malayo kung anong meron dito. Sa tingin ko nga ay isa itong hardin na pinasadyang itago mula sa mata ng marami.
Tahimik kong tinahak ang daan nito papasok habang panay ang aking titig sa pulang pulseras na nakasuot sa akin. Di ko alam kung kanino ito galing at kung para saan ito, pero nang subukan ko itong tanggalin ay bigla na lamang siyang naging nakakapaso tapos bumalik naman agad sa normal. Nagtataka man ay pinabayaan ko na lamang muna ito.
Panay ang lingon ko sa paligid nguni't puro halaman na ang nandito. Kahit mga kawal ay wala na akong nakikitang dito ay nakaronda. Patuloy lamang ako sa aking paglalakad hanggang sa marating ko ang tila pinakagitna nitong hardin. Dito ay may nakatayong isang estatwa na kasingtaas ng tao. Nilapitan ko pa ito upang suriin at nakilala kong ito ay si Thea Althea.
Nakasuot ito ng korona na kung saan merong anim na mga bato na iba-iba ang kulay. Kung hindi ako nagkakamali ay ito ang mga kulay na sumasagisag sa bawat kaharian. Ang kaniyang mga kamay ay nakalahad sa harap na tila may hawak. Mas lumapit pa ako at sinuri kung ano ito at nalaman kong isa itong bato na mas malaki kaysa sa mga batong nakuha nina Leah. Ang kulay nito'y itim na tila sunog.
Dahil sa taglay kong kuryosidad ay sinubukan ko itong abutin upang mahawakan nguni't sa paglapat ng aking daliri dito ay tila may nakikita akong imahe sa aking isipan kaya't agad akong napabitaw. Dali akong napalingon sa paligid upang alamin kung meron bang ibang pumasok na siyang maygawa nung aking nakita nguni't wala naman.
Muli akong napatingin sa bato at kunot-noong napatitig dito.
'Ordinaryong bato lamang ito sa aking paningin nguni't ano iyong nakita ko? Totoo ba yun o guniguni ko lamang?'
Upang makatiyak ay dahan-dahan ko ulit itong inabot. Nguni't nang mahawakan ko na ito ay wala namang kakaibang nangyari kahit ilang segundo ng nakalapat ang aking palad. Iiling-iling na lamang akong napabitaw sa bato saka naupo sa sementong upuan sa malapit.
"Sino ka? Anong ginagawa mo dito?"
Tinig mula sa aking likuran. Dali akong napatayong muli at dahan-dahang humarap dito. Isang magandang ginang ang nakatayo sa aking harapan. Bagama't halata na rin sa kaniyang mukha ang edad ay hindi naman nito natatabunan ang angkin nitong ganda. Base sa tindig nito ay alam kong hindi kung sino lamang ang ginang na ito sa palasyong aking kinaroroonan ngayon.
BINABASA MO ANG
MAGEIA Unang Yugto: Ang Nakatagong Alamat
FantasíaDalawang magkaparehong pangalan. Magkaibang pagkatao. May nagpakatotoo at may nagkukunwari. Kabutihang sinuklian ng kalupitan. Kalupitang naging sanhi ng pagbabago. At pagbabagong kokontrol sa kapalaran. _______________________ Sa mundo ng Mageia, m...