Lolo Headmaster's POV:
Hindi ko alam kung ano ang balak ni Kate. Naaaliw ako sa batang ito. Napakagaan niyang kasama. Hindi ko nga alam kung bakit nasabi ko sa kaniya ang kwento ng lugar na ito.
Nakapikit siya ngayon paharap sa mga bulaklak. Nagulat na lamang ako ng nagsimula siyang umawit ng di ko kilalang awitin.
Even now
When there's someone else who cares
When there's someone home whos waiting
just for me.
Even now I think about you as I'm climbing
up the stairs
And I wonder what to do so he wont see .Napakalambing at napakalambot pala ng kaniyang boses pag kumakanta. Walang kurap ko siyang pinagmamasdan at pinakinggan habang patuloy siyang umaawit ng nakapikit at tila dinadama ang kanta. Hindi ko akalain na may ganito din pala siyang talento. Pero bakit? Nais niya rin bang patulugin ang mga bulaklak? Kaya ba niya? Dahil batid kong mga diwata ng karagatan lamang ang may taglay ng ganoong kapangyarihan.
That even now
When I know it wasn't right
And I found a better life than what we had
Even now I wakeup crying in the middle of the night
And I can't believe it still could hurt so badBinuksan na niya ang kaniyang mga mata at tumingin lamang sa mga bulaklak. Ang lobo naman na kasama niya ay mas lumapit pa sa kaniyang tabi. Di ko na lang ito pinansin at tumingin na rin lang sa mga bulaklak sa paligid. Wala naman akong napansing kakaiba. Masasayang lang talaga ang oras at pagod nitong si Kate, pero ayoko naman siyang istorbohin, lalo pa at kayganda ng kaniyang tinig.
Even now when I have come so far
I wonder where you are
I wonder why it's still so hard without you
Even now when I come shining through
I swear I think of you
And how I wish you knew
Even nowKung nagulat ako kanina nung nagsimula na siyang umawit, mas nagulat pa ako ngayon. Dahil sa puntong ito, bawat pagbuka ng kaniyang bibig ay may lumalabas ding gintong liwanag na ngayo'y kumakalat sa paligid. At nang mapansin ko ang lobong katabi niya ay nakapikit na ito. Kahit di pa ako sigurado ay naglagay na ako ng aspida ( shield ) gamit ang aking kapangyarihan palibot sa aking kinatatayuan.
Inilibot ko naman ang aking paningin sa paligid at ganun na lang ang aking pagkamangha ng magawa niya nga'ng mapatulog ang lahat ng mga bulaklak. Maang na lang akong napatingin kay Kate na ngayo'y nakangiting nakatitig sa mga bulaklak.
"Lolo,nagawa ko po. Tingnan niyo."
Natutuwang saad niya habang hindi nilulubayan ng tingin ang mga bulaklak. Napatingin naman akong muli sa mga bulaklak at pansin kong unti-unting nagliwanag ang katawan ng mga ito habang ang mga dahon at talulot ay tuluyan ng nakatiklop. Ilang saglit pa ay isa-isang nagsilutangan sa paligid ang iba't-ibang klase ng nagkikislapang mga bagay.
May iba't-ibang kulay ng mga tiara, may mga singsing, mga mamahaling bato at kung ano pang makukulay at kumikislap sa sikat ng araw.
Hinanap naman ng aking mga mata ang natatanging bagay na nais kong makuhang muli. Ngunit dahil sa dami ng mga naririto ay nahirapan akong mahanap ito. Nilakad at nilapitan ko na isa-isa ang mga ito subalit di ko pa talaga nakikita. Abala pa ako sa paghahanap ng marinig kong magsalita si Kate.
"Lolo, ano po ito? Bigla po kasi siyang lumitaw sa harap ko.", napatingin naman ako agad sa kaniya. Napamaang na lamang ako sa aking natunghayan at dali-daling lumapit sa kaniya.
BINABASA MO ANG
MAGEIA Unang Yugto: Ang Nakatagong Alamat
FantasiDalawang magkaparehong pangalan. Magkaibang pagkatao. May nagpakatotoo at may nagkukunwari. Kabutihang sinuklian ng kalupitan. Kalupitang naging sanhi ng pagbabago. At pagbabagong kokontrol sa kapalaran. _______________________ Sa mundo ng Mageia, m...