Mageia LXIX: Ang Himig ni Kate

70 4 0
                                    

Dark's POV:

Masaya naman ang naging pagpupulong namin kasama si haring Titus at reyna Ceres. Halos kainan na nga ang naging kaganapan kung tutuusin. Nakuha pa nga nilang magbiro tungkol sa buhay pag-ibig ng kanilang anak na si Xavier.

Nguni't nagulat na lamang kaming lahat nang biglang nawalan ng malay si Elle. Muntikan pa nga'ng bumagok ang kaniyang ulo sa sahig na marmol kung hindi ito agad naalalayan ni Calyx. Pero napabitaw din siya agad matapos mapaupo ng maayos si Elle sa isang silyang tumba-tumba na nasa malapit.  Wika pa niya ay sobrang init ng katawan ni Elle. 

Sinubukan namang hawakan ni Clau ang kamay ni Elle para malaman kung ano ang dinaramdam nito nguni't agad din siyang napabitaw dahil sa parehong rason. Ang init daw ni Elle ay sobrang lagpas sa normal at hindi agad matukoy ni Clau kung ano nga ba ang nangyayari kay Elle.

Sa kadahilanang ito ay agad ko nang tinawag sa aking isipan si Blaze. Hindi ako sigurado kung narinig niya ba ako. Hindi ko kasi maramdaman sa paligid ang kaniyang presensiya at alam kong hindi gagana ang aming tilepathiea kung sobrang layo. Subali't kung nasa loob lang naman siya ng kahariang Gi, may posibilidad na narinig niya nga ako. Sana nga lang ay narinig niya ako, sobrang kailangan siya ngayon dito.

Muli akong napatingin sa nakaupong pigura ni Elle na wala pa ding malay. Nanatiling nakaalalay sa kaniya si Leah dahil tanging siya lamang ang may kakayahang makalapit ngayon dito habang wala pa si Blaze. Ang init kasi ngayon ni Elle ay ramdam kahit isang metro na ang layo mo sa kaniya. Unti-unti na ring namumula ang kaniyang mga kamay na tila ba nagbabaga. Kapag pulang-pula na ito masyado ay hinihigop ni Leah ang init nito gamit ang kaniyang kapangyarihan. 

Magtatatlumpong minuto na rin simula nang magkaganiyan si Elle at dalawang beses na rin hinigop ni Leah ang taglay nitong init. Ang hari't reyna ay sobra ng nag-aalala, halos mapaluha na nga ang reyna habang nakatingin kay Elle. Sina Rain at Calyx naman ay sinubukang palamigin ang silid na kinaroroonan namin ngayon habang yung iba ay pinalabas na muna namin. Tanging kami nina Leah, Rain at Calyx lamang ang naiwan dito sa loob kasama ng mga kamahalan.

"Ano ba kasing nangyayari? Bakit biglaang naging ganito?", tinig ni Calyx ang pumukaw sa aking pag-iisip. Katabi ko sila ngayon ni Rain.

"Ayos naman lahat kanina, ah. Ang saya pa nga naming nag-uusap habang kumakain tapos nung biglang tumayo siya para kumuha ng maiinom ay bigla na lang siyang natumba.", maluha-luha na ring saad ni Leah habang nakaupo sa tabi ni Elle.

"Masaya pa nga tayong nagdiriwang dahil isa na namang sakuna ang ating nasolusyunan pero bigla na lang naging ganito. Nakakalungkot.", mahinang wika ni Rain.

Mas lalo tuloy humagulhol ang reyna, agad naman siyang inalo ng hari at pinaupo na muna. Hindi na rin ako umimik, wala rin naman akong maisagot. 

Nanatili kaming tahimik nang biglang bumukas ang pintuan at tuloy-tuloy na pumasok si Blaze, kasunod si Kate. Magkasama ba sila? Hindi ko rin kasi nakita kanina itong si Kate.

"Anong nangyari?", agarang tanong ni Blaze nang makalapit sa amin. Si Kate naman ay nasulyapan kong dumiretso sa mesa ng mga pagkain at palihim na sumubo. May mga natira pa kasi doon.

"Wala bang nagkuwento sa iyo dun sa labas?", balik-tanong naman ni Calyx.

"Magtatanong ba naman ako kung alam ko na?", malamig na tugon ni Blaze. Wala yata sa hulog ang isang 'to.

"Kalma. Kararating mo nga lang tapos ang init na ng ulo mo. Sing-init ng paligid.", biro naman ni Rain. Sinulyapan lang siya saglit ni Blaze saka bumaling sakin.



Kate's POV:

Medyo marami-rami na rin yung nasubo kong hipon, crunchy fried na hipon. In fairness, masarap siya. Buti na lang at marami pang natitirang pagkain dito. Pero yun lang ang nilantakan ko, nakakahiya naman kasi. Palihim na nga lang ang ginawa kong pagsubo, sobrang seryoso kasi ang atmospera ng paligid, at medyo mainit din ang buong silid. Huling kinuha ko ay ang may kalakihang mansanas saka ako dahan-dahang naglakad palapit sa likuran nina Dark.

MAGEIA Unang Yugto: Ang Nakatagong AlamatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon