Mageia XXVII: Ikalawang Antas

96 4 0
                                    

Kate's POV:

Nakikitakbo na rin ako sa kanila kahit na di ko alam kung saan ang dapat kong patutunguhan. Parang ang unfair ata nito. Alam nila kung saan sila maghahanap samantalang ako ay pinag-iisip pa. Sinadya ba 'to?

"Ate Kate, alam mo na ba kung saan hahanapin yung mga salitang sinasabi nila?", tanong sakin ni Azul. Tumigil naman ako sa pagtakbo at naglakad na lamang.

"Hindi nga, eh. May naisip ka na ba?", sagot ko habang patuloy ang pagtingin-tingin ko sa paligid baka sakaling may mahagip ang aking mata.

"Pagsubok mo yan, ba't ako ang tinatanong mo?" Napatingin naman ako kay Azul sa naging sagot niya.

"Ah, ganun? Nakalabas ka lang ng kristal ay ginaganyan mo na ako? Kung ibalik kaya kita dun?" Niloloko ata ako nitong lobo na 'to.

"Biro lang naman. Masyado namang mainitin yang ulo mo.", tumatawa pa niyang sabi. 

"Nakakasakit ka ng loob, ah. Matapos kitang palabasin dun ay kinakaya mo na akong sagut-sagutin ngayon. Tapos, nagpapakasarap ka pa diyan sa pagkarga ko samantalang ako ay pinagpawisan na sa kakatakbo dito. Di ko pa nga alam kung saan ako pupunta tapos ganyan ka na sakin.", pagdadrama ko naman. Akala niya siguro siya lang ang marunong.

"Hindi naman sa ganun, Ate Kate. Binibiro nga lang kasi kita. Sige na nga, maglalakad na ako. Tutulungan na kita sa paghahanap mo." Hihi, madali lang naman palang kausapin itong si Azul. Inilapag ko naman siya agad sa lupa.

"Mag-isip ka na diyan at mag-iisip din ako habang naglalakad tayo. Baka maubos pa yung oras natin.", sabi pa niya. Sabay namin kaming naglakad. 

Inalala ko na muna yung tanging clue nila. Lugar na di alam ng nakakarami at nakakalito kung pasukin. Saan nga ba yan dito sa akademya? Di naman pwede ang opisina ni Lolo headmaster kahit na di yun napapasok ng lahat dahil di naman yun nakakalito. Saan nga kaya? May nakatagong gusali pa ba dito? 

"Ate Kate, may alam ka bang nakatagong lugar dito na kung titingnan mo lang sa malayo ay parang normal lang?", pukaw ni Azul sa aking pag-iisip.

"Paano ko naman malalaman, eh bago pa nga lang ako dito. Mas matagal ka pa nga dito diba? Bakit di mo alam?", balik-tanong ko naman sa kaniya.

"Baka lang naman may alam ka. Kahit na matagal na ako dito ay di naman ako nakakapaglakad-lakad at pasyal sa paligid, noh. Baka lang naman may natuklasan kang kakaibang lagusan, o gusaling nakatago, o kaya naman ay nakatagong hardin. Saka, malay ko ba kung-"

"Sandali, Azul.", biglaan kung putol sa paglilitanya niya. Napatigil naman siya sa paglalakad at napatingin sa akin.

"Bakit? May nakita ka na ba? Saan?", palinga-linga sa paligid na saad niya.

"Ano nga yung huling sinabi mo?", tanong ko sa kaniya habang nakaluhod ako sa harap niya para magpantay kami.

Napatigil naman siya sa paglingon-lingon at kunot-noong napatitig sa akin. "Hindi ka pala nakikinig sa akin? Abala na nga ako sa kakasalita para sayo tapos di ka man lang pala nakinig?" At nagdrama na naman ang lobo. Tinaasan ko naman siya ng kilay. Akala niya siguro madadala niya ako diyan. Style ko yan, eh. 

"Eh, hihi. Saan ba dun? Yung malay ko?", saad niyang muli. Isang-isa na lang talaga at matitiris ko na itong si Azul.

"Azul? Nagmamadali tayo, diba?", warning ko naman sa kaniya. Talagang masasayang ang oras ko nito.

"Ahah! Yun bang lagusan, gusali o harding nakatago? Bakit, meron bang ganun dito? May nakita ka?"

Napaisip naman ako saglit. Para kasing may nakita na akong ganun. Ano nga ba yun?

MAGEIA Unang Yugto: Ang Nakatagong AlamatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon