Dark's POV:
" Ano na namang kaguluhan ang ginawa mo, Melissa?", mahinahon ngunit madiing tanong ni Agathon, ang proedros ( president )ng afstiros.
Ang lupong ito ay binubuo ng limang nakakataas na kyrios na sina Agathon, Marcus, Peter, Valtimore, at ang nag-iisang babae sa grupo na si Laila. Sila ang namamahala at nagdedesisyon sa kung anong parusa ang ipapataw sa sinumang magkakasala sa loob ng akademya. At sila rin ang nangunguna sa lahat ng mga kyrios na naririto sa akademya.
" Ganun? Kapag may kaguluhang nagaganap ay ako agad ang pinagbibintangan niyo? Huh! Makatarungan ba yan?", saad ni Melissa habang nakapameywang pang nakatayo sa harapan.
Nasa pinakagitna kasi sila ng malaking silid na siyang opisina ng afstiros. Nasa ika-apat na palapag ito ng gusali ng karunungan. Magkaharap naman ang grupo namin ng fos angelon sa magkabilang-gilid.
" Melissa, iha, sumagot ka naman ng maayos. Paano tayo matatapos agad nito kung ganyan ka?", mahinahong saad ni Laila.
Alam kong paborito niya si Melissa dahil pamangkin niya ito, kapatid nito ang ina ni Melissa habang si Ama naman ay kapatid ng ama ni Melissa. Hindi nagtino itong babaeng ito dahil na rin laging pinapanigan niya kahit mali.
" Eh, theia ( tita ), wala naman po akong kasalanan eh. 'Yung Kate na 'yun ang dahilan ng gulo kaya sila ang parusahan niyo,at tinulungan pa sila nitong mga parasita ( peste ) na ito.", turo pa niya sa nananahimik na fos angelon.
Napataas naman ang kilay ng tatlong miyembrong naiwan dito na sina Leah, Jane at Aya.
" Huwag ka ngang mambintang at magmalinis diyan. Hintayin mong dumating sina Kate at nang maihayag ang buong katotohanan.", mataray ring sagot ni Leah. May pinagmanahan naman kasi iyan.
" Huh! Tingnan lang natin kung makakapunta ba dito yung Kate na yun. Tulog pa nga siguro yun, eh. Mabuti nga at di ko pa itinodo ang lason ng aking latigo, eh di sana namayapa na siya. Pero di rin siya makakaligtas sa kamandag nito at manghihina ng limang araw.", mahina ngunit dinig naming sambit ni Melissa.
Alam kong sinadya niyang di ito iparinig sa lupon para di siya mapahamak. Ngunit alam ko rin kung gano ka delikado iyong ginawa niya sa Kate na iyon.
" At sino naman itong Kate na ito na pinag-uusapan niyo?", tanong ni Marcus.
Sa kanilang lima, ay siya ang pinakapaborito ko dahil marunong siyang bumalanse sa tama at mali at pinapakinggan ang bawat panig. Di gaya ni Agathon na pumapataw agad ng parusa basta alam niyang nagkasala nang di man lang itatanong ang dahilan. At minsan rin ay nagpapadala siya sa sulsol nitong si Laila lalo na kung sangkot ang kaniyang pamangkin.
" Isang taga-archarios, baguhan ngunit takaw-gulo. Walang espesyal sa kaniya, sadyang gusto lang magpapansin.", umingos pang saad ni Melissa.
Napailing na lang ako. Mukhang sarili naman ata niya ang kaniyang inilarawan.
" Baguhan ang nakaaway mo, Melissa? Aba't dapat talagang turuan yan ng leksiyon. Dapat alam niya kung saan siya lulugar. Lalo pa't isa ka ring maharlika.", maangas namang sagot ni Laila.
Napatingin tuloy sa kaniya si Marcus at napailing. Maging kami man ay napailing sa narinig namin mula sa kaniya.
" Laila, imbes na tumulong kang lutasin ang gulo ay mas lalo mo pang kinonsente yang pamangkin mo. Pakinggan muna natin ang bawat panig bago tayo magdesisyon.", apela naman ni Peter, ang pinakabata sa kanila.
Limang taon lang ang agwat ng aming edad ngunit dahil sa angkin niyang kagalingan ay nakamit niya ang posisyon na iyan. Gusto ko rin ang ugali niya, masayahin at tulad ni Marcus ay nasa tama.
BINABASA MO ANG
MAGEIA Unang Yugto: Ang Nakatagong Alamat
FantasyDalawang magkaparehong pangalan. Magkaibang pagkatao. May nagpakatotoo at may nagkukunwari. Kabutihang sinuklian ng kalupitan. Kalupitang naging sanhi ng pagbabago. At pagbabagong kokontrol sa kapalaran. _______________________ Sa mundo ng Mageia, m...