Mageia LXXXIV: Agila at Liwanag

60 5 0
                                    

Blaze's POV:

"Kanina ko pa napapansing parang ang lalim ng iniisip mo. Ayos ka lang?", siko sa akin ni Dark habang papalabas na kami mula sa silid ng hari. Dumiretso kasi kami kanina sa kung nasaan siya matapos nung pag-uusap namin ng aking mga kasama.

"Mmm. Iniisip ko lang ang mga kaganapang ating naranasan nitong nakaraang mga araw.", tanging sagot ko. Pansin ko namang napatango siya sa aking sinabi.

"Nga pala, ano na'ng susunod nating hakbang? Pumayag naman na si ama na lalakad na tayo kinabukasan.", mayamaya'y wika niya pagkaliko namin.

"Susubukan nating sundan ang dinaanan nung babaeng ikinuwento nung bata. Hindi naman siguro ganun kalakas ang kapangyarihang meron ang isang iyon upang maglaho na lamang bigla na parang bula, diba?"

"Sabagay, tama ka. Iisa lang naman ang daan meron mula dito sa kaharian namin. At ito ang daang patungo sa kahariang fos, ang kaharian nina Jake, maliban sa daan pabalik sa kaharian ninyo."

"Mmm. Kung tama ang kutob ko, maaaring maabutan natin ang sinumang may kagagawan ng mga krimen na ito. Sabihan mo ang ating mga kasama na magpahinga na at maaga tayong aalis kinabukasan. At siguraduhin mong hindi makakatakas sa atin sina Leah at Elle. Sakit sa ulo ang dalawang iyon.", wika ko.

"Nagmana yata sa mga kapatid nila ano?", natatawa pang wika ni Dark. Natigil lamang siya nang aking lingunin saka ako lumiko patungo sa aking silid. 

Agad kong kinandado ang pinto pagkapasok saka ko binuksan ang makapal na kurtinang nakatakip sa bintana upang mabigyang liwanag ang buong silid. Matapos kong huminga ng malalim ay saka ko dinukot mula sa aking bulsa ang bagay na nakuha ko kanina mula sa bangkay nung kawal.

Pinagmamasdan ko itong maigi habang nag-iisip. Pamilyar kasi sa akin ang ipit sa buhok na hawak ko. Kung hindi ako nagkakamali ay ganito rin ang nakita ko kay Heraluna nung dumating siya kasabay ni Chris. Tama nga kaya ang kutob kong espiya siya? Pero bakit palagi siyang tumutulong sa amin sa oras ng kagipitan? Nakakalito.

Ang ipinagtataka ko pa ay parang nakita ko rin itong suot minsan ni Kate. 

Muli akong napabuntong-hininga. Siguro ay nagkataon lamang na magkapareho sila ng ipit sa buhok. Napailing na lamang ako habang ibinalik sa aking bulsa ang aking hawak saka ako napatingin sa tanawin sa labas. 

Nasaan na nga kaya si Kate? Ayos lang kaya siya ngayon? Anong mga pinagdadaanan niya?

Muli akong napailing sa aking naisip. Bakit nga ba biglang pumasok sa isipan ko ang babaeng iyon? Hindi ko rin maintindihan ang aking sarili. Hindi ko man ipinahalata sa aking mga kasama pero nais ko rin sanang hanapin si Kate at itanong mismo sa kaniya kung sino siyang talaga. Kung kalaban ba siya o kakampi. Nais kong ako mismo ang unang makarinig ng kaniyang kasagutan. 

Hindi ko man sadyain pero lagi siyang pumapasok sa aking isipan nitong nakaraang mga araw mula nung biglaan siyang umalis. At minsan ay tila kinukurot ang aking dibdib sa isiping maaaring kalaban siya. Hindi ko maintindihan kung bakit tila hinihila siya palapit ng aking damdamin kahit na alam kong hindi pwede.

Sana lang ay maayos siya kung nasaan man siya ngayon. At sana lang ay mali ang aming mga pagdududa ukol sa kaniya.



Kate's POV:

Achoo! Kinusot-kusot ko ang aking ilong matapos kong bumahin. 

"Sinisipon ka?", lingon sa akin ni Azul na ngayo'y nasa anyong tao na naman at nakahiga sa kabilang kama.

"Hindi. May nakaalala yata sa akin at iniisip ako ngayon.", seryosong sagot ko na tinawanan lamang niya kaya't binato ko siya ng unan.

MAGEIA Unang Yugto: Ang Nakatagong AlamatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon