Kate's POV:
" Maligayang pagbabalik dito sa aming tirahan, binibini."
Napalingon ako sa bumati sa akin at nakita ko sa aking harapan si gandang diwata na si Vesta katabi ang unicorn na si Aeolus.
At napagtanto ko na andito na naman ako sa aking panaginip.
" Magandang araw po sa inyo. ", nakayuko kong bati sa kanila.
"Oo nga po, eh. Andito na naman po ako ulit. Di ko nga po alam eh kung bakit na naman ako nanaginip sa inyo. Pero ayos lang po, maganda naman po ang tanawin dito eh, lalo na po kayo." Nahihiya ngunit nangingiti kong sabi sa kanila. Napansin ko ring ngumiti siya.
" Halika, kaibigan at may ipapakilala na naman kami sa'yo. ", akay niya sa akin habang nakasunod naman si Aeolus.
" Maganda ka rin, binibini kaya't nagagalak akong makita kang muli.", bulong naman sakin ng hangin na tiyak kong si Aeolus, nilingon ko naman siya at nginitian. Ikaw kaya sabihang maganda, hindi ka ba ngingiti?
Nilandas namin ang mabulaklak na hardin patungo na naman sa may bukana ng malinis na tubig ng lawa at talon.
Napakasarap talaga ng simoy ng hangin dito at nakakagaan ng damdamin ang sobrang gandang tanawin. Hindi rin masakit sa balat ang init ng araw, at nang tumingin ako sa langit ay napanganga na lang ako.
Kitang-kita mula sa aking kinatatayuan ang dalawang planetang magkalapit at magkahawig. Tanging kaibahan lang nila, ang planeta sa aking kanan ay may isang buwan, habang ang nasa aking kaliwa ay may dalawang buwan at kapansin-pansin din ang kakaibang kinang ng planetang ito. Napakaganda nilang tingnan.
Naagaw ang aking pansin ng may tumikhim sa aking likuran. At nang ako'y lumingon ay nakita ko na naman ang supladong phoenix na nakalutang na naman sa ere habang napapagitnaan siya ng babae at lalaki na di ko pa kilala.
BINABASA MO ANG
MAGEIA Unang Yugto: Ang Nakatagong Alamat
FantasyDalawang magkaparehong pangalan. Magkaibang pagkatao. May nagpakatotoo at may nagkukunwari. Kabutihang sinuklian ng kalupitan. Kalupitang naging sanhi ng pagbabago. At pagbabagong kokontrol sa kapalaran. _______________________ Sa mundo ng Mageia, m...