Mageia LVI: Vasilikos Tafos

74 7 0
                                    

Leah's POV:

Agad naman naming narating ang paanan ng bundok Malagia. At dito nga ay napansin namin ang mala-asidong singaw mula sa ilalim ng lupa na tila ba nakapalibot sa paanan ng buong kabundukan. Kakulay lang nito ang tubig kung kaya't di mo siya agad mapapansin kung di mo lalapitan.

"Isuot na natin ang maskarang ipinadala ng reyna, nang sa ganun ay matakpan ang ating ilong at bibig. Kailangan nating masiguro ang ating kaligtasan, mahirap na.", rinig kong wika ni Lyn sa aking likuran.

Lumapit na rin ako sa kaniya upang makakuha na rin ng aking maskara gaya ng aking mga kasama.

"Tayo na. Siguraduhin ninyong hindi kayo mapapahiwalay sa grupo.", si Chris na nagpatiuna sa paglagpas nung mala-asidong singaw na nakaharang sa aming daraanan.

Nagsisunuran na rin kami sa kaniya. Bawat isa ay alertong nakamasid sa paligid habang patuloy na naglalakad paitaas ng kabundukan. Nakasunod rin sa amin ang sampung kawal na ipinadala ng hari para sa aming karagdagang kaligtasan.

"Lyn, bakit naman nasa ibabaw ng kabundukan ang libingan dito?", rinig kong tanong ni Kate. Nasa likuran ko kasi sila.

"Ewan ko nga ba sa kanila. Pero ang rinig ko, eh may kasamang ginto o diyamante daw kasi ang mga inililibing dito. Kaya't para masigurong walang mambubulabog sa mga patay para lang magnakaw, eh sa itaas ng bundok nila naisipang ipagawa ang libingan ng kanilang mga ninuno."

"Grabe naman yun. Patay na nga eh bubulabugin pa para lang nakawan? Di man lang ba sila takot multuhin?"

"Hay naku, Kate. Walang sinasanto ang mga magnanakaw dito. Kahit multo pa yan, di nila uurungan makapagnakaw lang."

"Wehh? O baka naman di lang talaga sila naniniwala sa multo?"

"Siguro. Di ko din alam. Gusto mo hanap tayong magnanakaw tapos tanungin natin?"

Natawa na lamang ako sa takbo ng kanilang usapan. Pero napaisip din ako bigla kung ano nga kayang nangyari kay Kate kahapon at parang ibang siya yung nakaharap ko. Kung ano man yun, masaya ako't bumalik naman siya agad sa dati. Mas gusto ko kasing ganyan siya. 

"May napapansin ba kayo?", tinig ni Alex ang pumukaw sa aking pag-iisip.

Agad ko namang itinuon ang aking pansin sa paligid. 

Masyadong tahimik. Tanging mga kilos lang namin ang aking naririnig.

"Hindi ko na naririnig yung huni ng mga ibong nagliliparan. Dumapo na kaya sila?", pabulong na wika ni Kate.

"Pakiramdam ko maraming mga mata ang nakamasid sa atin.", si Elle na sumabay sa aking paghakbang.

"Bilisan na natin ang ating lakad at maging alerto kayo.", ani Chris.

Tahimik na naming ipinagpatuloy ang aming paglalakad. Halos lakad-takbo na nga ang aming ginawa. Hindi naman kami nahihirapan kung saang direksiyon dapat papunta dahil merong daanan dito na siyang sinusundan namin ngayon.

Medyo malayo na rin ang aming naabot kakalakad at medyo nananakit na rin ang aking mga paa. Pati nga mga kasamahan ko'y hinihingal na. Halos dalawang oras na rin kasi kaming naglalakad.

"Teka! Asan yung mga kawal?", bigla ay wika ni Kate kung kaya't napalingon na rin kami.

"Nakasunod lang naman satin yung mga yun kanina ah.", dagdag niya pa. 

Kaniya-kaniya naman kaming lingunan at baka nasa tabi-tabi lang sila nguni't wala naman kaming makita.

"Asan na kaya sila? Nasa kanila pa naman yung mga baon natin.", si Jane.

MAGEIA Unang Yugto: Ang Nakatagong AlamatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon