Blaze's POV:
"May naisip na ba kayo kung sino ang maaaring nagpasimuno sa kaguluhang iyon?", tanong sa amin ni kefali Ruvalon. Andito kami ngayon sa aithousa synedriaseon (meeting room) na katabi lang din ng opisina ng kefali. Kasama namin sa pagpupulong ang limang nakatataas na guro.
Pansamantalang itinigil muna ang pagsubok ng epilogi para makapagpahinga ang mga kalahok at mapag-usapan na rin ang nangyaring kaguluhan.
"Sa pagkakaalala ko, may tatlong pangkat na maaari nating pagdudahan sa ngayon. Una ay ang pangkat ng mga epanastatis (rebelde), pangalawa ay ang symvoulio (council) ng Notos Magikos Akademia, at pangatlo ay ang kaharian ng Adistaktos.", pahayag ni Agathon, ang namumuno sa limang guro.
Tumatango-tango naman ang ibang guro na tila sumasang-ayon sa kaniyang pahayag. Napapaisip naman si kefali sa narinig.
"Ngunit alam naman natin na kahit paminsan-minsang nanggugulo ang mga rebelde, ay di pa nila sinubok kahit kailan na pati ang ating akademya ay kanilang puntiryahin kaya imposibleng sila ang dahilan ng gulong ito.", saad naman ni Dark na kalapit ko lamang ng upuan.
Totoo naman ang kaniyang sinabi, kahit na panaka-nakang nanggugulo ang mga rebelde ay ni minsan di nila sinali ang akademya kaya't imposibleng sila.
"At kung ang kahariang Adistaktos naman ang ating pag-uusapan, halos sampung taon na itong nananahimik, ni wala nga tayong balita na sa kanilang reyna.", hayag naman ni Laila na katabi din ni Agathon.
"Oo nga't wala na tayong balita sa kahariang iyon dahil sa kanilang pananahimik matapos ang pangyayari noon halos sampung taon na ang nakalipas, ay di pa rin tayo sigurado na hindi nga sila. Maaaring sila, maaari ring hindi.", sagot ko naman kay Laila na ikinataas ng kaniyang kilay.
"May punto naman kayo.", hayag ni kefali Ruvalon. "At kung isali naman natin ang akademya sa may timog sa paghihinalaan, magkakasala lamang tayo dahil wala tayong pruweba."
Natahimik naman ang lahat sa kaniyang tinuran.
"Hangga't wala tayong pagbabasehan sa ating mga akusasyon ay wala tayong magagawa. Ang magagawa lang natin sa ngayon ay ibayong pag-iingat at pagbutihin pa ang pagbabantay sa paligid ng ating akademya.", dagdag pa ng kefali.
"Panu po ang ating paligsahan? Kailangan ba natin itong ipagliban muna?", tanong naman ng aking kapatid na si Leah.
"Hindi. Kailangan nating magpatuloy, dahil hangad ng megalon agion na makakuha agad ng karagdagang disipulo. Iyon ang nilin nila sa akin. Ang magagawa natin sa ngayon ay paghigpitin ang seguridad sa paligid at ibayong pag-iingat.", sagot ni kefali.
Napatango naman ang lahat sa kaniyang tinuran.
"At tungkol naman dun sa sinasabi ninyong babaeng nakamaskara na tumulong sa inyo, sigurado ba kayong hindi ninyo ito nakilala?", tanong pa ng kefali.
"Hindi, abuelo. At nawalan na rin kami ng oras na makilala pa sya dahil umalis din naman siya agad.", si prinsipe Alex na ang sumagot.
"Bueno, pasalamat na lang tayo sa kaniya kung sino man siya. Sa ngayon, iyon na lang muna at pwede na kayong umalis at magsihanda. Tipunin ninyo ang lahat ng kalahok at may i-aanunsiyo tayo sa kanil.", saad ng kefali bago siya tumayo at nagpasiuna ng lumabas na sinundan naman agad nila Alex at Chris.
Sumunod naman sa paglabas ang limang guro hanggang sa maiwan na lamang kami ng aking mga kasamahan at ang aming mga kapatid.
"Sino nga kaya yung babaeng iyon, ano? Sayang at di sya nagpakilala man lang. Ang astig pa naman niyang makipaglaban.", mayamaya ay saad ni Calyx.
BINABASA MO ANG
MAGEIA Unang Yugto: Ang Nakatagong Alamat
FantasyDalawang magkaparehong pangalan. Magkaibang pagkatao. May nagpakatotoo at may nagkukunwari. Kabutihang sinuklian ng kalupitan. Kalupitang naging sanhi ng pagbabago. At pagbabagong kokontrol sa kapalaran. _______________________ Sa mundo ng Mageia, m...