Mageia LIV: Peirates Ouranou

81 6 0
                                    

Kate's POV:

Naglalakad na naman ako. Di ko alam kung saan ito. Wala kasi akong maaninag sa paligid dahil napapalibutan ako ng tila ulap na nakalutang. Pilit ko namang hinawi ang mga ito papalayo sa akin at nang makita ko naman ang aking nilalakaran.

Patuloy lang din ako sa paglalakad kahit na di ko alam kung saan ako papunta. Hanggang sa may maaninag akong babaeng nakatayo sa unahan.

Kahit di ako sigurado sa aking patutunguhan ay pilit ko pa rin siyang nilapitan. Nakatalikod siya sa akin. Mahaba ang kaniyang kulay lupa na buhok na medyo kulot at ang damit niya ay parang sa isang diwata na kulay ginto.

Halos isang metro na lamang ang layo ko sa kaniya nang siya ay mapalingon sa akin. Bigla namang naghawian ang mga ulap sa aming pagitan na tila ba kami ay binigyang-daan.

Gulat man ako nang makilala siya ay di ko ipinahalata. Ang dyosang Althea pala ang kaharap ko. Naalala ko tuloy ang naging papel niya dati sa buhay ko.

So, simula pa nung una ko silang makita ay kilala na pala niya ako, nguni't wala man lang siyang binaggit sakin. Baka nga pati yung mga tinatawag kong ate at kuya ay alam din ang tungkol sa akin at ako lang ang tanging nangangapa sa dilim. Ni hindi ko na nga alam kung totoo ba sila o mga tauhan lamang sa aking panaginip.

Ngumiti siya sakin nguni't di ko man lang makuhang suklian ang kaniyang ngiti. Nanatili lamang akong nakatingin sa kaniya habang samu't sari ang aking naiisip.

"Kate, alam kong napakaraming katanungan ngayon sa iyong isipan, nguni't patawad kung kahit isa man dito ay di ko masasagot. Hindi dahil sa wala akong alam, kundi dahil sa hindi pwede."

Napakunot naman ang aking noo dahil dito.

"Ang tanging papel namin sa mga buhay ninyo ay bilang mga taga-gabay lamang. Hindi kami pwedeng makialam sa kung ano man ang mga kaganapan, dahil kung gagawin namin yun ay mawawala ang balanse ng lahat at mas lalo lamang kayong mapapahamak. "

Wala nga akong makuhang sagot sa kaniya. Mas lalo lamang gumulo ang aking isipan.

"Kahit sagutin man lamang ang mga tanong ko ay hindi pwede.?", di mapigilan kong tanong.

MAGEIA Unang Yugto: Ang Nakatagong AlamatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon