Kate's POV:
Pagkababa namin kanina sa sasakyang panghimpapawid ay sinalubong agad kami ng katiwala ng reyna at mga palace maids na ypiretries kung tawagin. Tulog na daw kasi ang halos lahat maliban sa kanila at sa mga kawal ng palasyo, kung kaya't sila lang ang inabutan namin. Sabagay, hating-gabi na din kasi.
Inihatid naman kami nito sa aming tutuluyan. Sobrang laki ng kanilang palasyo. Sa katunayan nga ay tig-isa kami ng kwarto na magkakahanay sa ikalawang palapag nito. Pinagpahinga na muna kami ng katiwala. Ipapatawag na lamang daw kami kinaumagahan pag handa na ang kanilang hari't reyna.
Ayos naman sakin para maituloy ko ang aking pamamahinga. Di pa kasi gaanong nagbalik ang aking lakas, ang kamay ko nga ay namumula pa rin at tila mahapdi. Ewan ko ba kung bakit lagi na lang nagkakaganito kapag nagagamit ko ang aking kapangyarihan. Talaga bang ganito na'to o isa din ito sa epekto sa kung anumang namamahay sa loob ko.
Napabuga na lamang ako ng malalim na hininga.
Isa pa sa inaalala ko ay yung sinabi ni Chris kanina. Naging asul daw ang kulay ng aking buhok nang bigkasin ko ang salamangka. Di ko alam kung normal lang ba yun o hindi. Pero kasi kung normal lang yun, di na sana nagtaka si Chris. Pansin ko pa nga kanina sa lalaking iyon na parang may gusto pa siyang itanong pero di niya lang masabi.
Tsk. Ano na ba tong nagyayari sa akin? Hayzt.
Malakas na katok sa pintuan ang gumising sa naglalayag kong diwa. Kakatapos ko lang kasing maligo at eto't nagwawander na naman ang aking isip. Pagkarating ko kanina ay nakatulog naman ako ng konti. Nagising lang ako nung medyo nangati ang aking kamay kung kaya't naligo na rin ako. Hindi naman na gaanong mapula ang aking mga palad matapos kong makaligo.
Nang hindi ko pinansin ang naunang katok, ay nasundan pa ito ng pangalawa at pangatlo. Kaya't kahit na tinatamad akong bumangon ay tinungo ko na lamang ang pintuan. Kung kumatok kasi ay parang gigibain na ang pinto.
"Ba't ba ang tagal mong magbukas!? Ano ka prinsesa?", agarang bulyaw pagkabukas ko ng pintuan.
Tsk. Ang aga-aga, mainit na ang ulo.
"Ano naman ang sadya mo?", walang emosyon kong tanong kay Melissa habang patamad na sumandig sa gilid ng pintuan.
Di niya ako sinagot agad. Nakatuon ang pansin niya sa aking mga kamay, kaya't agad ko itong itinago sa aking likod.
"Pinapasundo ka. Bababa na daw tayo. Psh. Kung bakit ba naman kasi ako pa'ng nautusan. Sumunod ka na.", nagmamalditang turan niya sabay talikod.
Ang laki talaga ng problema ng isang yun. Tss.
Pumasok na muna ako. Hinanap ko yung guwantes ko na kulay itim. Medyo manipis lang naman ito kaya't di gaanong mainit. Kailangang matabunan ang aking mga kamay. Kahit hindi na siya gaanong mapula, ay klaro pa rin kasi siya. Ayokong usisain pa nila kapag nakita na naman nila ito. Buti na lamang at meron akong dalang guwantes rito.
Bakit kaya nung dinilaan ito ni Artemis nung nasa anyong leon na may pakpak siya ay gumaling na agad? Kumusta na kaya ang isang yun?
Nang makalabas na ako ng kwarto ay saka ko pa lang naisip kung saan ba kami magkikita. Ang tanging sinabi nung Melissa eh sa ibaba daw. Di man lang specific. Ni hindi man lang ako hinintay.
Asa ka pang hihintayin ka nun eh nasobrahan yun sa arte at taray. Tss.
BINABASA MO ANG
MAGEIA Unang Yugto: Ang Nakatagong Alamat
FantasyDalawang magkaparehong pangalan. Magkaibang pagkatao. May nagpakatotoo at may nagkukunwari. Kabutihang sinuklian ng kalupitan. Kalupitang naging sanhi ng pagbabago. At pagbabagong kokontrol sa kapalaran. _______________________ Sa mundo ng Mageia, m...