Leah's POV:
Tunay nga'ng nasa loob kami ng isang ilusyon kanina. Doon muntikan ng masayang ang aming oras. Buti na lamang at matapos naming makalabas sa ilusyong iyon ay nagtagumpay naman kaming makalbas agad ng kweba. Nasa tatlumpong minuto lamang ang aming ginugol sa pagtakbo ng nalalabing distansiya bago namin marating ng tuluyan ang dulo ng kweba na siyang nagdala sa amin sa timog na bahagi na sakop na ng kahariang fotia.
At ngayon nga ay kasalukuyan na naming tinatahak ang daan patungong palasyo. Aabutin pa kami nito ng mga tatlong oras sa paglalakad bago namin marating ang palasyo.
"Mauuna na ako roon. Ipapasundo ko na lamang kayo.", biglaang hayag ni Blaze na siyang nagpatigil sa amin.
"Mabuti pa nga at nang makapagpahinga na rin muna kami dito habang naghihintay. Mukhang pagod na rin kasi ang karamihan.", sagot naman ni Alex.
Pagkarinig namin nito ay nauna na akong maupo sa ilalim ng isang malaking puno sa may gilid ng daan. Sumunod na rin iyong iba at kani-kaniya ng hanap ng pwesto.
"Sige. Mag-iingat kayo dito.", muling wika ni Blaze saka bumaling sa akin ng tingin at tumango bilang paalam. Itinuon ko naman ang aking paningin sa wala pa ring malay na si Kate na hanggang ngayon ay karga niya saka ako gumanti ng tango. Mabuti na ring mauna siya doon dala si Kate para makapagpahinga na rin ng wasto ang aking kaibigan.
Nang tuluyang maglaho sa aming paningin si Blaze na karga si Kate, ay nagbalik na naman sa aking isipan ang mga katanungang kanina ko pa pilit hinahanapan ng sagot.
Paano nga ba nagkaroon ng ganoong sandata si Kate? At anong klaseng espada iyon? Bakit mayroong itim na awra? Sino ka bang talaga Kate?
Dahil sa mga katanungang ito ay napagtanto kong hindi pa nga namin pala lubusang kilala si Kate. Naitanong ko tuloy sa aking sarili kung kaibigan nga ba namin siyang talaga. Alam kong mali na pag-isipan ko siya ng masama pero hindi ko mapigilang magduda sa kaniya.
Pero hindi ko na muna iyon iisipin masyado. Itong problemang kinakaharap muna ng aming kaharian ang dapat kong pagtuunan ng pansin. Ni hindi ko pa nga alam kung ano na nga bang nagaganap dito sa fotia ngayon.
Haay. Sana lang talaga ay maging maayos na ang lahat. Ayoko na ng masyadong maraming iniisip.
Blaze's POV:
Agad kong narating ang entrada ng palasyo. Medyo nagulat pa nga ang mga kawal na dito'y nakapwesto sa biglaang pagsulpot ko sa kanilang harapan. Binalingan ko naman ng tingin ang karga-karga kong hanggang ngayon ay walang malay.
"Mahal na prinsipe, mabuti po at nagbalik kayo. May problema po tayo!", salubong sa akin ng isang katiwala ni ama.
Tinanguan ko na lamang siya at agad na akong pumasok. Kailangan ko munang maihatid sa silid itong babaeng tulog. Medyo nangangalay na rin kasi ang aking mga braso sa kakakarga sa kaniya.
Pagkaakyat ko sa ikalawang palapag ay agad naman akong iginiya ng isa pang katiwala patungong bakanteng silid. Malapit na sana ako sa may pintuan nang dalawang maliit na bisig ang yumapos sa aking kanang binti.
"BP..!", wika ng maliit na tinig na ngayo'y nakayapos sa aking binti.
Dinungaw ko naman ito at agad napangiti ng makita ang maamong mukha ng aming bunsong kapatid, si Helios Leander. Tatlong taon at kalahati pa lamang ang isang 'to pero marunong na sa maraming bagay. Nagtataka nga kami kung saan ba nagmana ang isang 'to.
"Pasok na muna tayo ha saka tayo magkwentuhan.", nakangiting bati ko sa kaniya pero hindi pa rin siya bumitaw.
"Poia einai afti i prinkipissa pou koimatai?", tanong niya sa malambing na tinig. Mahigpit siyang nakakapit sa aking binti nang itinuloy ko ang aking lakad. Malapit na rin naman kami sa silid na aming sadya kaya't di ako gaanong nahirapan.
BINABASA MO ANG
MAGEIA Unang Yugto: Ang Nakatagong Alamat
Viễn tưởngDalawang magkaparehong pangalan. Magkaibang pagkatao. May nagpakatotoo at may nagkukunwari. Kabutihang sinuklian ng kalupitan. Kalupitang naging sanhi ng pagbabago. At pagbabagong kokontrol sa kapalaran. _______________________ Sa mundo ng Mageia, m...