Mageia LI: Simula ng Trahedya

96 6 0
                                    

Kate's POV:

Pinahid ko muna ang iilang luhang pumatak sa aking pisngi saka ako nagpatuloy sa aking paglalakad. Malapit na din kasi ako sa may trapezaria. 

Di ko na inabalang lingunin pa si Dark kanina nung iwan ko siya. Nagpadala na naman kasi ako sa aking emosyon at ayokong makita niya ang hitsura ko. Nakakahiya. Di pa naman kami close para makita niya akong umiiyak.

Kinalma ko muna ang aking sarili saka ako nagpatuloy sa paglalakad. Mahina lang din naman ang ulan kung kaya't ayos lang sa akin kahit na maglakad dito sa labas.

Napatingala naman ako sa langit. Ang kaninang maaliwalas na kalangitan ay napalitan ng iilang maitim na ulap. Nguni't parang di naman ata magtatagal ang ulan nato, kasi pansin ko ang pagpupumilit ng sinag ng araw na lumusot sa maiitim na ulap. Napangiti na lamang ako. Panahon nga naman, di mo talaga maiintindihan.

Inilibot ko ang aking paningin. Mangilan-ngilang estudyante lamang ang andito. Siguro ay nagtatago sa kani-kanilang mga kwarto. Wala pa kasing pasok ngayon, pahinga daw dahil sa kakatapos lang na pagdiriwang at marahil ay isa din sa rason ang di inaasahang pangyayari sa mga kristal na sinasabi nilang importante daw.

Sa kakatanaw ko sa paligid ay namataan kong nakaupo sa isang bench sa ilalim ng isang puno si Jude. Mag-isa lang ang loko.

 Asan kaya si Mia? Akala ko ba ay magkasama sila. 

At dahil wala naman akong gagawin ay nagpasya akong lapitan siya. Medyo matagal na rin kasi nung huli naming kwentuhan. Na-miss ko ata ang isang 'to.

Agad naman siyang napalingon sa akin nung tumabi ako sa kaniya nang walang sabi-sabi. Buti na lang at tuluyan ng tumila ang ulan. Di na ako mababasa.

"Akala ko naman kung sino.", nakangiting sabi niya saka ako inakbayan. Ang bigat talaga ng braso nitong lalaking 'to.

"Asan si Mia? Akala ko'y magkasama kayo."

"Umalis na kani-kanina lang. Pupuntahan daw niya ang nanay mo."

Napatingin naman ako sa kaniya matapos niyang sabihin ito.

"Bakit daw?", tanong ko nguni't tanging pagkibit ng balikat lamang ang kaniyang sagot. 

Di ko na lang din siya pinilit. Parang wala kasi sa mood ang loko.

"Kumusta ka nga pala? Parang ang tagal na nung huling asaran natin ah.", nakangiti niyang tanong na tinapik-tapik pa ang aking balikat na kaniyang inakbayan.

"Heto, maganda pa rin naman.", nakangiti ko namang sabi habang nakatingin sa kaniya.

"Mukhang abala ka na ata masyado. Di na kita gaanong nakasama.", wika niya habang nakatingin sa malayo.

"Hindi naman. Nagkataon lang siguro.", sagot ko habang dahan-dahan kong tinanggal ang pagkakaakbay niya. Mabigat na talaga kasi.

Sandali siyang nanahimik. Pinagmamasdan ko lang naman siya. Tila may problema talaga ang isang 'to.

"Ayos ka lang ba, Jude?", tanong ko habang pilit kong sinisilip ang kaniyang mga matang nakatingin sa malayo.

Napatawa naman siya dahil dito at ginulo pa ang aking buhok. Ginawa naman ata akong bata.

"Nga pala, aalis ako.", mayamaya'y wika niya.

Kumunot naman ang aking noo. Anong aalis? Saan siya pupunta? Napansin niya siguro ang aking pananahimik kung kaya't hinarap niya ako.

"Uuwi na muna ako sa amin. Medyo matagal na rin kasi mula nung huling uwi ko.", nakangiti niya pang saad.

"Uuwi? Eh, paano yung pag-aaral mo?", takang tanong ko na tinawanan lang naman niya. Sarap din kutusan ng isang to. Seryoso kaya ako.

MAGEIA Unang Yugto: Ang Nakatagong AlamatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon