Mageia XXIII: Unang antas

82 4 0
                                    

Blaze's POV:

Nakapwesto na ang lahat ng mga kyrios pati ang dakilang kefali dito sa may anoichto pedio. Lumipas na ang tatlumpong minuto at lahat ng mga estudyante ay nakaabang na rin sa gaganaping pagsusulit. Hindi na ako nagulat kanina sa naisip na pakulo ni dakilang Ruvalon, mahilig talaga ang isang yan sa mga pagsusulit. Nagulat lang ako nang ang pangkat ng Kate na iyon ang pinili ng huling limang kristal. At mas nagulat pa ako nung napasali siya sa apat na maglalaban-laban. 

Ano naman kayang laban ng baguhang tulad niya? Sabagay, di ko pa lubusang kilala ang isang 'to, baka may mga itinatago pa sila ng kaniyang mga kasama. Sana lang mabubuti talaga sila.

Napukaw naman ako sa aking pag-iisip nang mamataan ko ang pagdating ng pangkat ni Kate. Diretso silang naupo sa bakanteng upuan sa ibaba. Sunod namang dumating ang iba pang makakalaban niya. Di ko lang alam kung anong pagsubok ang ibibigay sa kanila. 

Nang makitang kumpleto na ang apat, ay tumayo na si kyrios Santi at tumuntong sa maliit na entabladong mistulang kahon sa harap. Nang siya ay makapasok na dito ay lumutang ito.

"Handa na ba kayong lahat na sumaksi sa unang pagsubok?", pasiuna nito na tinugon naman ng mga estudyante. 

"Ang ating apat na maglalaban para sa huling dalawang pwesto, handa na rin ba?", baling naman niya sa apat na nakaupo sa ibaba. Napatingin naman ako sa kanila. 

Pasigaw na sumagot ang tatlong kalahok tanda ng kanilang pagkasabik habang nakangiting tumango lamang ang babaeng si Kate. Ngiting kababakasan ng kaba ngunit puno ng determinasyon. 

"Sa tingin niyo, makakapasok kaya si Kate?", rinig kong tanong ni Xavier. Nandito kaming lahat kasama ang fos angelon, sa pinakataas na bahaging upuan. Hugis bilog na pahaba kasi ang anoichto pedio na walang bakod. At ang mga upuan sa palibot nito ay lulubog-lilitaw. Kapag may kaganapang gaya nito, ay lilitaw ang mga upuan na palibot din, pero kapag ensayo lamang ang magaganap ay mawawalang parang bula ang mga upuan at mapapalitan ng mangilan-ngilang puno at damo.

"Hindi ko din alam. Ngunit ipinagdarasal ko na sana nga ay makapasok siya. Gusto ko pa naman siyang makasama.",sagot naman ni Lyn na nakatutok sa unahan ang paningin.

"Ako din. Sana nga makapasok talaga siya.", segunda naman ni Leah. Ano bang ipinakain nitong Kate na ito at ang daming nahuhumaling sa kaniya?

"At ngayon, narito ang inyong unang pagsubok.",wikang muli ni kyrios Santi na nagpatahimik sa aking mga kasama. May dinukot siya sa kaniyang bulsa at inilahad ito sa lahat. Isa itong di-kalakihang bolang kristal na kumikinang. 

"Ito ang diástasi krýstallo (dimension crystal). Sa loob nito ay isang kagubatan sa ibang dimensiyon na kung saan hindi gumagana ang anumang mahika. Ngunit dito ay may namumuhay na ibang mga nilalang na may kakaibang mga kapangyarihan. Ang kailangan niyong gawin ngayon ay mag-uunahan sa pagpasok dito. Hahanapin niyo ang mga nakatagong papel sa loob. Pero, paalala lang, kung maaari, umiwas kayo agad sa mga nilalang na makikita niyo. Kung paano naman kayo makakapasok ay kayo na ang bahalang dumiskarte, at kapag may nakuha na kayong papel ay agad na kayong dadalhin nito palabas. Naiintindihan niyo bang apat?", paliwanag nito sa unang pagsubok. Madali lang naman ito kung marunong kang dumiskarte. Tango naman ang sagot ng apat.

Inihagis ni kyrios Santi ang bolang kristal pataas. Lumiwanag naman ito ng sobra at dahan-dahang lumutang pababa hanggang sa isang metro na lang ang layo nito sa lupa. Nanatili itong nakalutang sa ere sa may gitnang bahagi ng pedio habang nagliliwanag.

"Pagbilang ko ng tatlo ay magsimula na kayo.", saad ni kyrios.

"Enas.", simula nito. 

MAGEIA Unang Yugto: Ang Nakatagong AlamatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon