Nemi's POV:
Nakaupo ako ngayon sa nakausling ugat ng nag-iisang puno dito sa gitna ng napakalawak na disyerto na tinatawag nilang magiki erimo. Oo, disyerto. Mahiwagang disyerto na maaari mo lamang makita at mapasok kung ika'y may pahintulot mula sa pinuno ng tribong dito'y naninirahan, ang kampseis ammou.
At dahil sa kami'y nandito eh malamang kakilala ni kefali Ruvalon ang pinuno ng tribong sinasabi ko.
Pagdating kasi namin dito kanina ay nandito na ang kefali at ibang kyrios. Pangalawa ang pangkat namin na makarating dito kanina. Nauna ang pangkat nila Calyx, sumunod naman samin ang pangkat nila Blaze. At nalaman ko na magkakaiba pala kami ng mga kahariang napasukan sa ilalim ng tubig.
Sila Calyx ay nakaharap daw ang hari ng mga karcharias (shark), habang kami naman ay napunta sa kaharian ng mga medousa (jellyfish). Sila Blaze naman daw ay nakabanggaan ang reyna ng mga gorgona at ang iba ay di ko na nalaman pa. Di na kasi ako nakinig pa sa kanila.
"Andito ka lang pala. Kanina pa kita hinahanap.", wika ng bagong dating. Nang ito'y aking lingunin ay si Lucy lang pala.
"Bakit?", tanong ko naman habang pinagmamasdan siyang may kinakain na mansanas.
"Anong bakit? Di kaya tayo nagkita simula pa kaninang hapon. At saka, ba't andito ka pa? Ayaw mo bang matulog? Malalim na ang gabi oh.", wika naman niya habang naupo na rin saking tabi. Malaki kasi ang punong ito at madaming nakausling ugat na pwedeng upuan.
"Eh, ba't ikaw di rin natulog?", balik-tanong ko naman habang muling ibinaling ang tingin sa kawalan. Tama siya, malalim na nga ang gabi, maghahating-gabi na nga ata. Di pa nga lang ako dinadalaw ng antok. Siguro ay dahil na rin sa mga nangyari kanina.
Sa buong buhay ko kasi ay yun pa lang ang unang pagkakataon na nakakita ako ng mga lamang-dagat, kahit na sabihing dito ako sa mundong ito lumaki at nagka-isip. Kaya ako napaisip ngayon, kung ano-ano nga bang pinaggagawa ko mula noon. Ba't di ko nakuhang suyurin ang mundong ginagalawan ko kagaya ng aking kapatid?
"Natahimik ka na naman. May problema ka ba?"
Nilingon kong muli si Lucy na ngayo'y tapos ng ngatngatin ang dalang mansanas. Malalim na ang gabi pero kain pa rin ito ng kain.
"Tulog na tayo.", saad ko at saka tumayo.
"Kung makapagsabi to ng tulog na tayo eh parang magkasama tayo sa iisang kubol noh?", wika naman niya na tumayo na rin. Ngiti na lamang ang isinagot ko sa kaniya at nagpaalam na muna kami sa isa't isa.
Magkakasama kasi sa kubol ang bawat pangkat, pero syempre magkahiwalay ang kubol ng babae at lalaki. Kaya tigdadalawang kubol sa bawat pangkat. Limang metro lang naman ang pagitan ng bawat kubol na nakapalibot sa isang apoy.
Tumingala muna ako sa langit at humugot ng isang buntong-hininga saka pumasok sa aming kubol.
Kate's POV:
Kanina pa ako pabaling-baling saking higaan. Di ako mapakali habang ang apat na kasama ko'y tulog na. Buti na lang at tig-iisa kami ng kumot at unan saka malambot na higaan. May kalakihan naman kasi ang kubol nato kaya't di gaanong magkalapit ang aming pwesto.
Pinakiramdaman ko ang aking sarili. Di naman ako nauuhaw o nagugutom o naiihi, pero sadyang di ako mapakali. Siguro dahil sa maalinsangan ang panahon? Ewan. Di ko rin maintindihan.
Dahan-dahan akong bumangon at lumabas ng aming kubol. Inilibot ko muna ang aking paningin at dinama ang hangin na dumampi saking pisngi saka bumuntong-hininga. May napansin akong malaking puno na may maraming ugat sa unahan. Nilakad ko ito at pinagmasdan sa malapitan.
BINABASA MO ANG
MAGEIA Unang Yugto: Ang Nakatagong Alamat
خيال (فانتازيا)Dalawang magkaparehong pangalan. Magkaibang pagkatao. May nagpakatotoo at may nagkukunwari. Kabutihang sinuklian ng kalupitan. Kalupitang naging sanhi ng pagbabago. At pagbabagong kokontrol sa kapalaran. _______________________ Sa mundo ng Mageia, m...