Mageia I: Ang Simula

502 13 0
                                    

Sa isang lugar sa malalim na kagubatan......


"Mahal na Reyna Libitina, malapit na ang ika labing walong taon ng pagkawala ng prinsesa ng Kentro Vasileio, nguni't hanggang ngayon ay wala pa ring balita kung nasaan ito o kung buhay pa ba ito. At kung wala pa rin daw ito sa takda nitong kaarawan, ay hindi na ito makokoronahan bilang susunod na reyna, at isa sa kambal na prinsipe ang pipiliing hari. At balita pa po na sa araw ding iyon ipapasa ng reyna ang thryliko dachtylidi, ang mahiwagang singsing na pinaniniwalaang pinagkanlungan sa nag-iisang thryliko prostateftiko ( legendary guardian-protector)", anunsyo ng kanang kamay ni Reyna Libitina sa kanya.

"Kailan ang takdang araw na sinasabi mo?", tanong nito sabay inom ng alak sa kopitang hawak niya.

"Sa darating po na bughaw na buwan, kamahalan. Dalawampung linggo mula ngayon."

"Magaling, Nebula. Sige na, makakaalis ka na at mag-iisip lamang ako.", sagot ng reyna.

Lumabas na rin si Nebula habang ang reyna ay patuloy na nakatanaw sa labas ng bintana ng kanyang palasyo. Maya-maya pa'y isang nakakakilabot na ngisi ang mababanaag sa kanyang mukha.

********************************************


Samantala.....


Kate's POV:

"Kate, anak, bumangon ka na riyan at maghanda. Lunes ngayon, baka malate ka pa.', sigaw ni Mama mula sa aming kusina. 

Siya si Helena Gonzales, ang maganda at mapagmahal kong nanay na kung saan nagmana ang inyong lingkod. Ako po pala si Aurora Kate Gonzales, tawagin niyo na lang po akong Kate. Wala na po akong Papa, di ko na po naabutan sa kadahilanang ayaw pa sabihin ng aking ina. Pero di naman ako namimilit, nirerespeto ko ang desisyon niya, at isa pa masaya na naman kami kahit kami na lang dalawa. Tanging larawan na lamang niya ang lagi kong nakikita. Ay, may kasama pa pala kami dito sa bahay. Ang aking instant pinsan na di ko rin alam kung saan nagmula. Siya ay si Mia Tamara Gomez. BFF ko rin iyan at kaklase na rin.

"Kate, kakain na.", si Mama talaga oh. Kung makasigaw, wagas.

"Opo, Mama. Nariyan na po." Lumabas na ako ng kwarto dala ang aking mga kagamitan sa eskwela. 

"Good morning Mama kong maganda." sabay halik at yakap ko sa kaniya." Si Mia po?" Di ko kasi siya nakikita sa lagi niyang inuupuan kapag kami ay kumakain.

"Nauna na siya, may bibilhin pa daw kasi. Sa school na lang daw kayo magkita."

"Si Bessy talaga, natural sa school kami magkikita, nag-aaral nga, diba? Alangan namang sa mall." LOL Umupo na lang ako at kumain.

"Umandar na naman yang pagka pilosopa mo Kate, dahan-dahan lang baka may makaaway ka na naman niyan." puna ni Mama habang sumasabay sa aking pagkain. Nag-peace sign na lang ako sa kanya at dagliang tinapos ang agahan namin.

Ganito kami tuwing umaga. Sabay-sabay kumain, ngayon nga lang di nakasabay si Bessy Mia. Tapos naming kumain at makapaghanda, ay sabay din kaming lalabas ng bahay. May sasakyan naman kami na kahit di gaanong magara ay ok na ok naman ang andar. Ihahatid muna kami ni Mama sa school bago siya didiretso sa aming mini restaurant. Ito lang ang pinagkakakitaan namin na sa awa ng diyos eh, maayos naman ang kita na kasya naman sa lahat ng aming pangangailangan.

Wala naman kasi kaming gaanong gastusin sa school dahil pareho kami ni Bessy na scholar sa Adamson University, isang public school na malapit lang din sa amin.

Pagkarating ko sa school, medyo madami naman ang bumabati sa akin. Di sa pagmamayabang pero medyo sikat din itong lingkod niyo (LOL), Council Secretary yata 'to. Haha. Anyways, magmadali na muna ako papunta sa aming room at baka mapagalitan ako pag na late, mawawala ang ating pagka famous niyan.

Nang makarating na ako sa aming silid, nakita ko agad si Bessy Mia na sobrang busy sa pagsusulat.

"Bessy, ba't ka ba nag-iiwan ha? Akala ko ba together forever tayo?", try ko itong pagtripan, pang pa good vibes lang.

"Bessy, 'wag kang OA. May binili lang ako kaya nauna, okay." nakayuko pa ring sagot nito. Ano kayang pinagkakaabalahan nito? Sinubukan ko siyang silipin habang papaupo ako.

"Haha. di ka naman mabiro, Bessy. Sungit mo. Meron ka ba ngayon?" At ayon po, matalim na irap ang natanggap ng inyong lingkod, kaya shut up na lang muna tayo. Hinanda ko na lang din ang aking mga gamit. Paparami na rin ang nagsidatingan kong mga kaklase. Busy kami sa kani-kaniyang ginagawa nang may biglang sumigaw sa may pintuan.

"Good morning Bestie kong maganda at Bessy kong panget." agaw pansin na sigaw ng isang guwapong nilalang. Ang iba kong kaklase ay napangiti habang ang iba naman ay walang paki. At itong si Bessy ko, ayon napairap na naman.

"Good morning Bestie kong gwapo. Maaga tayo ngayon, ah. Himala naman 'ata."Lagi na lang kasi itong late kung dumating. Ewan ko lang kung bakit, di ko rin naman inusisa.

"Haha. Simula ngayon Bestie, palagi mo na akong makikitang maaga pumasok."Tumatawang sagot nito sabay upo sa aking tabi. Pinapagitnaan kasi ako ng dalawa kong BFF at dito kami sa may hulihan.

"Very good yan, Bestie. Keep it up. Kung saan ka masaya, susuportahan kita." with matching thumbs up kong sabi na nakangiti pa. Natawa naman siya at ginulo ang aking buhok. Iyan si Jude Andrew Amarille, ang isa ko pang BFF. Kung si Mia ay Bessy, siya naman si Bestie, mukha kasi siyang beast, haha..Just kidding. Sobrang gwapo nitong Bestie ko na sa dami ng fans eh pati ako inaaway na sa selos, to the rescue naman agad ang aking ever caring Bessy. At wag kayo, dahil kung ako ang student council secretary, si Bessy Mia naman ang council treasurer at si Bestie Jude ang council vice-president. Oh diba, ang bongga ng samahan namin, kahit saan sama-sama, kaya happy lang walang ending. At silang dalawa ang nagbibigay kulay at sigla sa aking buhay estudyante. 





MAGEIA Unang Yugto: Ang Nakatagong AlamatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon