Kate's POV:
" Kate, iha, maaari na kayong umalis at maghanda para sa inyong klase ngayon. Tapos na naman tayo sa pagluluto, oh. Salamat sa inyo at maaga tayong natapos. Sige na, humayo na kayo.".
Natauhan at napakurap ako nang marinig ko ang tinig ni sef Nina. Ang head ng mga tagapagluto sa akademya.
" Po? Ah, sige po. Maghuhugas lang po ako ng aking kamay.", paalam ko sa kaniya at nagpunta sa may lababo.
Habang naghuhugas ay napaisip ako sa aking panaginip. Akala ko ay hindi ko na sila makikita pa. Pero, bakit ganun? Diba, ang panaginip ay bunga lamang ng ating imahinasyon? Pero parang totoo talaga ang lahat. Lalo pa at nakakapa ko sa ilalim ng aking damit ang kwentas na ibinigay nila sa akin. At totoo nga'ng di ito matanggal-tanggal. Sinubukan ko kanina sa aking pagligo. Hindi ko pa ito nasasabi kay bessy. Saka na lamang kapag may pagkakataon. Mahaba-habang paliwanagan din kasi kung sakali.
" Bessy naman, kanina pa ako tawag ng tawag sa'yo dito, di ka man lang lumingon. Di mo ba ako narinig?", bigla ay sulpot ni Mia sa aking tabi. Tinapos ko ang aking paghuhugas saka siya hinarap.
" Pasensya, bessy. Medyo may iniisip lang. Ano? Tara na?",sabay hila ko sa kamay niya.
" May problema ba, Kate? Parang ang lalim ata ng lakbay ng diwa mo kanina, eh. Kaya siguro di mo ako narinig o napansin man lang. Anong meron?", pigil niya sa akin.
Napahinto ako saglit at humugot ng malalim na hininga bago siya hinarap ng may ngiti sa labi.
"Wala nga. Siguro hangover lang 'to sa mga nangyari kahapon." Agad niya namang tinakpan ang aking bibig.
" Wag ka sabi mag-english, eh. Nakatulog ka lang ng mahimbing nakalimutan mo na agad.", sermon pa niya sa akin.
" Patawad na po, nakalimot lang ng konti.",saad ko naman.
" May problema ka nga. Pero sige, di na muna kita kukulitin sa ngayon. Tara na at nang makapag-ayos pa tayo para sa ating unang klase ngayon. Nauna ng lumabas yung iba, tayo na lang ang naiwan.", sabay akbay niya sa akin.
Nagpaalam muna kami sa lahat ng andun bago tuluyang lumabas.
Jude's POV:
Nauna na akong lumabas ng kýria kouzína. Nakakubli ako ngayon dito sa may sulok bago ang bungad ng gusali ng karunungan. Kanina ko pa inaabangan ang babaeng yun. Mga tatlumpong minuto na akong nag-aabang, naaasar na nga ako sa tagal pero dapat ko talaga siyang makausap ngayon.
" Dalian na nating magpalit ng uniporme at baka mahuli pa tayo.", mayamaya ay rinig kong tinig ng isang babae. At nang ito'y aking silipin ay siya na nga'ng kanina ko pa inaantay kasabay ang kaniyang kaibigan.
Nang tumapat na sila sa akin ay hinawakan ko agad ang braso niya.
" Aray naman. Sino bang-?", gulat na saad nito ngunit nang ako'y kaniyang malingunan ay halong pagtataka at putla ang nakarehistro sa kaniyang mukha.
" May kailangan tayong pag-usapan. Sumama ka sa akin.", sabay hila ko sa kaniya.
" Hoy, hoy, hoy lalaking kaibigan ni Kate. At saan mo naman dadalhin ang aking kaibigan?", harang naman ng kaniyang kasama.
" Wag kang makialam. Importante 'to, ibabalik ko rin siya agad.", sabay tabig ko sa kaniya at nagpatuloy sa paglakad hila ang babaeng ito.
" Sige na, mauna ka na sa ypnotirio ( dormitory ) natin at kakausapin ko lang ang lalaking ito. Susunod agad ako.", paalam naman nito sa kaniyang kasama at nagpatiayon sa aking paghila.
BINABASA MO ANG
MAGEIA Unang Yugto: Ang Nakatagong Alamat
FantasyDalawang magkaparehong pangalan. Magkaibang pagkatao. May nagpakatotoo at may nagkukunwari. Kabutihang sinuklian ng kalupitan. Kalupitang naging sanhi ng pagbabago. At pagbabagong kokontrol sa kapalaran. _______________________ Sa mundo ng Mageia, m...