Kate's POV:
Matapos nung pagsaboy ni kyrios Santi ng makukulay na malabuhangin, bigla na lang nagdilim ang aking paningin at di ko na alam kung ano pa ang mga nangyari.
Nagising na lang ako na nag-iisa dito sa isang sulok ng silid na di ko alam kung saan. At parang nasa isa akong abandonadong kastilyo. Para malaman kung tama nga ba ako ay napagdesisyunan kong lumabas ng silid na ito. Kita ko naman kung nasan ang pinto dahil sobrang liwanag dito sa silid kahit wala naman akong nakikitang ilaw.
Nang mahawakan ko na ang seradura ay dahan-dahan kong binuksan ang pintuan. Nanindig naman ang aking balahibo pagkarinig ko sa nalikhang langitngit ng pintuan.
"Kainis kang pinto ka, ah. Wag ka nga'ng manakot. Lakas mong maka-horror movie ah.", kausap ko pa dito sa pinto. Para akong ewan nito eh.
Nang mabuksan ko na ito ng todo, ay sinilip ko muna kung ano ang nasa labas.
Silip sa kanan. Silip sa kaliwa. Check. Wala nga'ng tao. Isang mahabang pasilyo ang aking nakita sa aking pagsilip at mukhang ang silid na kinaroroonan ko ay siyang pinakagitna.
Pansin ko rin na parang may kadiliman ang labas kung di lang sa mga ilaw na nakadikit sa may dingding na halos limang metro din ang agwat sa bawat isa.
Di ko man alam kung anong gusali o bahay ang kinaroroonan ko o kung paano ako napunta dito, isang bagay lang ang tiyak ko, na nasa loob na ako ng isang ilusyon. At kaya mag-isa lang ako ngayon ay dahil magkakaiba din kami ng ilusyong pinasukan.
Puno man ng pangamba ang aking dibdib sa ngayon ay kailangan ko talagang lumabas sa silid na ito at harapin kung ano man ang nasa labas.
Pumikit muna ako ng mariin sabay bigkas ng maiksing panalangin at humugot ng isang malalim na hininga saka nagpasyang lumabas ng silid.
Nang ako ay tuluyan nang nakalabas ay bigla ring sumarado ng malakas ang pinto ng silid na aking pinanggalingan.
Wala na talaga tong urungan. Kaya sulong, Kate, sulong. Kausap ko na naman ang aking isipan. Kinapa ko muna sa ilalim ng aking damit ang palawit ng dalawang kwentas na nakasabit sa aking leeg bago ako nagsimulang humakbang para tahakin ang nasa gawing kanan.
Nakalimang hakbang pa lang ako nang bigla ay nagpatay-sindi ang lahat ng mga ilaw na naririto na nagdulot nang ibayong pagkabog sa aking dibdib.
Kaya nga ayaw kong manuod ng mga horror movies e. Mamamatay ako sa sakit sa puso pag ganito, buti na lang talaga at wala sa history namin ang sakit na yan. Naku.
Pinagpatuloy ko na lang ang aking paglalakad sa kabila ng kabang aking nararamdaman sa ngayon.
"Ano ba kasing gagawin ko dito? Wala man lang clue na sinabi si kyrios Santi, e. Ano to, buong araw akong maglalalakad dito nang di alam kung san patungo.? Naku naman o."
Patuloy lang ako sa paghihimutok habang naglalakad at palinga-linga sa bawat silid na nadaanan. Pareho naman kasing sarado ang lahat ng silid na nandito.
"At tsaka, ano namang koneksiyon nito sa mga salitang nakuha ko kanina.? Ang labo talaga nitong mga pagsubok nila. Hay naku. Kung di ko lang talaga gustong makakita ng tunay na palasyo, never akong sasali dito.", pagmomonologue ko dito habang naglalakad.
"Pero teka, di naman ako yung nagpresentang sumali a, pinili nga ako nung umiilaw na holen na yun, diba.? And speaking of, asan na ba yung holen na yun.? Bigla na lang nawala.? At hala.! Asan si Azul.?"
BINABASA MO ANG
MAGEIA Unang Yugto: Ang Nakatagong Alamat
FantasyDalawang magkaparehong pangalan. Magkaibang pagkatao. May nagpakatotoo at may nagkukunwari. Kabutihang sinuklian ng kalupitan. Kalupitang naging sanhi ng pagbabago. At pagbabagong kokontrol sa kapalaran. _______________________ Sa mundo ng Mageia, m...