Kate's POV:
" Anong kaguluhan 'to?"
Baritonong boses ang narinig ko sa aking likuran na siyang nagpatigil sa balak gawin ni Melissa.
Haay, salamat diyos ko at di mo ako pinabayaan. Akala ko manganganib na ako kanina. At kung sino ka mang nasa likuran namin, maraming salamat sa iyong pagdating.
Agad namang naglaho ang nakakatakot na latigo ni Melissa at tila ba isang maamong tuta kung ngayo'y umasta.
Patakbo nitong nilapitan ang taong nasa aming likuran. Sinundan ko naman siya ng tingin at saka ko nakita ang anim na kalalakihan.
Gwapo, check. Makikisig, check. Matangkad, check. Akala ko matangkad na ako, may mas matangkad pa pala kaysa sakin. Sino naman kaya 'tong mga 'to?
Pero, teka. Mukhang natatandaan ko na. Sila ata yung mga nakaupo sa gitnang mesa dun sa trapezaria.
Kumunot naman ang noo ko nang makita kong yumakap si Melissa sa isa sa kanila.
Siya ang nasa may unahan, di kaya siya yung nagsalita kanina? So, siya yung savior ko? Well, salamat sayo. Pero bakit kaya niyakap siya nitong babaeng to? Magkakilala siguro sila.
"Anong nangyayari dito?", mariing tanong nung lalaki habang yung mga kasama niya ay nakatingin lamang.
" Parusahan mo nga yang babaeng yan, Dark. Kay bago-bago pa lang dito, nang-aaway na. Inaway niya ako."
Ang galing lang din naman nitong si Melissa noh? Binaliktad pa talaga ako.
" Hoy, wag kang magmalinis diyan. Ikaw yung nang-una. Kita mo tong namumulang pisngi ng pinsan ko, ha? Kagagawan mo to.", di na nakapagpigil na bulyaw ni Mia na lumapit pa talaga sakin para ipakita ang namumula kong pisngi.
"Oo nga, si Melissa ang nagsimula ng gulo. Nagkakasiyahan lang kami dito kanina nang dumating sila bigla at nanggulo.", segunda naman ni Lucy. Si Nemi ay nanatiling tahimik sa aking tabi.
" Bitawan mo ako, Melissa.", matigas na sabi nung tinawag niyang Dark. Napahiyang bumitaw naman sa kanya ang babae.
" Kakasimula pa lang ng pasukan, nanggugulo ka na agad. Umalis ka na sa aking harapan ngayundin."
" Pero, Dark, hindi naman ako ang," apela pa nito.
" Alis. "
Kaya wala na siyang nagawa pa. Pero bago pa siya tumalikod ay binigyan niya muna ako ng nakakamatay na tingin. Sumunod naman sa kanya ang kanyang mga alipores.
" Kayo? Ano pang hinihintay niyo? Pasko?", baling naman ni Mia sa iba pang mga estudyante.
" Tapos na ang palabas, oh. Makakaalis na kayo.", dagdag pa niya.
" Tara na nga."
" Sungit-sungit, akala mo kung sino."
" Mga mahihina lang naman, pero ang aangas umasta."
" Ang gugwapo talaga nila."
Mga bulungang naririnig ko habang papaalis na ang mga nakiusyusong estudyante.
" Wala kayong paki kung maangas kami. Eh di, umangas din kayo para patas tayo.", pahabol pang sigaw ni Mia. Siniko ko naman siya, nakatingin kasi samin ang anim na lalaki.
BINABASA MO ANG
MAGEIA Unang Yugto: Ang Nakatagong Alamat
FantasyDalawang magkaparehong pangalan. Magkaibang pagkatao. May nagpakatotoo at may nagkukunwari. Kabutihang sinuklian ng kalupitan. Kalupitang naging sanhi ng pagbabago. At pagbabagong kokontrol sa kapalaran. _______________________ Sa mundo ng Mageia, m...