Mageia LVII: Prinsipe Blaze

79 6 0
                                    

Leah's POV:

"Ano na kaya'ng nangyayari sa dalawang yun ngayon?", di mapakaling saad ni Elle habang panay ang lakad pabalik-balik sa harapan namin.

"Umupo ka nga, nahihilo na ako sayo eh.", saway naman ni Jane sa kaniya sabay hila kay Elle paupo.

Magtatatlumpong minuto na kasi simula nung parehong naglaho sina Kate at Lyn sa paningin namin. Sa hinuha namin ay nasa loob sila nitong bato nguni't di rin kami sigurado kung totoo nga ba. Sa ngayon ay ipinapanalangin na lamang namin na ayos lang silang dalawa.

Pero kanina pa akong nagtataka. Alam naman namin na may kaugnayan kay Lyn ang lugar na ito kung kaya't naiintindihan namin kung bakit parati siyang naglalaho sa aming paningin. Ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit pati si Kate ay naisasama niya nguni't kami ay hindi. Di ko alam kung may ibig ba itong sabihin o sadyang nagkataon lang. 

"Nagliliwanag uli ang bato!"

Napatingin naman agad ako sa bato nang marinig ko ang sigaw ni Jane. Nagliliwanag nga ito. Napatayo naman kami agad at naging alerto. Gulat naming sinalubong si Lyn nang bigla silang iniluwa nung bato. Nakaalalay siya kay Kate na ngayo'y wala na namang malay.

"Anong nangyari?!", si Chris habang sinalo niya si Kate mula kay Lyn. Pansin ko sa lalaking ito ay laging nakasunod kay Kate. Konti na lang at iisipin ko na talagang may gusto siya kay Kate eh.

"Di ko din maintindihan. May nakita kaming papel doon sa loob. Ako lang ang nakahawak nito nguni't pumasok naman ito sa katawan ni Kate. Ni hindi nga namin nabasa kung anong meron dun eh.", naguguluhang saad ni Lyn.

"Eh paano naman siya nawalan ng malay?", si Elle.

"Pumasok nga kasi sa katawan niya yung papel at yun na nga, nawalan na siya ng malay."

"Ah Lyn, ano na namang nangyayari diyan sa bato?"

Sabay naman kaming napalingon sa bato nang sabihin ito ni Cha. Patuloy pa din itong nagliliwanag, yung liwanag na nakakasilaw na. Napatakip tuloy kami sa aming mga mata. Nang subukan ko itong tingnan muli ay nabigla ako sa aking nakita.

Nawala na yung malaking bato at sa kinaroroonan nito kanina ay may nakalutang na maliit na replica nung batong nakita namin. Nguni't purong asul na ang kulay nito, nawala na yung itim. Dahan-dahan itong lumutang at huminto sa harapan ni Lyn. Inilahad naman ni Lyn ang kaniyang kanang palad at pumatong ang bato dito, nagliwanag pang muli saka tuluyang naglaho na tila pumasok sa palad ni Lyn.

"Anong nangyari?", naguguluhang tanong ni Cha sabay lapit kay Lyn.

"Di ko din alam.", sagot ni Lyn na nakatingin pa din sa kaniyang palad.

"Nawala na yung bato. Wala naman sigurong masamang mangyayari dito ano?", si Elle

"Huwag tayong pakasiguro. Mabuti pang umalis na tayo dito.", si Chris sabay karga kay Kate.

"Sa kadena pa din ba tayo dadaan?", tanong ko.

"M-mukhang hindi na.", sagot ni Lyn na nakatingin sa unahan.

Gulat naman kaming lahat sa nakita. Mula kasi sa ilalim ng tubig ay biglang pumaitaas ang isang tulay na gawa sa metal.

"Tara.", saad ni Alex saka nagpatiuna sa pagtawid. Sumunod naman si Chris na karga si Kate saka nagsisunuran na rin yung iba. Ako na ang nagpahuli.

Madali naming naabot ang bungad ng libingang ito. Isa-isa kaming nagsilabasan sa pintuan nitong puno at gulat kaming nakatingin sa mga kawal na naghihintay na kanina lamang ay biglaang nawala.

"Ano pong nangyari sa inyo kanina? Ba't bigla kayong nawala?", tanong ni Jane sa mga ito.

"Hinila po kami nung mga baging ng puno na ating nadaanan, tapos ibinitin kami patiwarik.", saad nung isang kawal.

MAGEIA Unang Yugto: Ang Nakatagong AlamatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon