Kate's POV:
"Aray ko naman, bessy. Dahan-dahan lang. May galit ka ba sa'kin, ha?", reklamo ko kay Mia.
Paano ba naman kasi wagas kung makadiin sa pisngi ko, eh. Nawala na naman yung pamumula at konting pamamaga niya, pero medyo may kirot pa rin siya pag nadiinan. May ipinahid kasing likido si Mia para daw mawala na ang maga at kirot, effective naman siya. Napalakas nga talaga ang pagsampal sakin kanina ng Melissa na yun. Di bale na lang, sa susunod hindi ko na hahayaang madaplisan niya kahit konti ang mukha ko.
Andito na kami ngayon sa aming silid ni Mia. Si bestie Jude naman ay isinama nung bago niyang kakilala, may pupuntahan daw sila sa silid aklatan. Habang sina Nemi at Lucy ay agad ding nagpaalam matapos nila kaming maihatid ni Mia.
Nagmamadali pa ngang hinila ni Nemi si Lucy, eh. Siguro may pupuntahan din ang mga yun.
"Magtiis ka. Ginusto mo yan, eh. At kung gusto mong gumanda ulit ang fes mo, tiisin mo ang panggagamot ko. Matapang ka kasi, eh, tanga nga lang.", sermon naman nitong si Mia habang panay pa rin ang pahid ng gamot sa aking pisngi.
" Grabe ka naman sakin, bes. Nasaktan na nga ako physically, oh. Sasaktan mo pa din pati feelings ko?", drama ko sa kaniya na sinabayan ko pa ng paghawak sa aking dibdib. At inikutan lang po niya ako ng kaniyang mga mata.
" Sino ba naman kasing tanga ang magtatapang-tapangan tapos hindi man lang umilag sa sampal? Pasalamat ka nga at sampal lang ang inabot mo, kundi, naku. Lagot tayong lahat sa Mama mo. At pasalamat ka na rin na wala tayong klase ngayon.", saad naman niya habang nililigpit na ang kaniyang mga ginamit.
" 'Wag ka na lang maingay kay Mama, ha. Konti lang naman to, tsaka pawala na nga, oh. Magaling kasi ang nurse ko. ", pacute ko pang sabi sa kaniya.
" Di mo ako madadala diyan, Kate. Pero sige, quiet na muna ako ngayon, ayoko rin namang mapagalitan ni tita, noh. Basta sa susunod mag-iingat na tayo pareho."
" Thanks, bes. Pero, bakit nga ba wala tayong pasok ngayon? 'Yan tuloy, ang mga estudyante kung anu-ano na lang ang pinaggagawa.", tanong ko kay bessy habang itinatali ko ng maayos ang aking buhok at siya naman ay naghuhugas ng mga kamay sa kusina.
" Di ako sigurado pero ang pagkakarinig ko mula sa mga estudyante kanina ay may pagpupulong daw ang lahat ng mga kyrios para daw sa nalalapit na pagdiriwang dito. Baka yun na iyong ikinuwento ni Lucy kanina.",
Ang bongga siguro ng okasyon na yan, talagang pinaghahandaan, eh.
" Uhm, bes, sa tingin mo mananalo kaya ako pag sumali ako diyan?", tanong ko sa kaniya habang sinilip ko siya sa may kusina. Lumingon naman siya sa akin at kunot-noo akong tinitigan.
" At ano na namang pumasok diyan sa kukote mo, babae ka? Ba't naman naisipan mong sumali,eh, konti pa nga lang ang alam mo sa mundong ito. Hindi pa nga natin alam kung ano ang mga pagsubok na nakapaloob sa paligsahang iyan, eh.", mahaba niyang sagot sakin. Strikta ata si bessy ngayon.
"Eeh, gusto ko lang namang makapunta sa kaharian ng Kentro Vasileio kahit isang araw lang eh.", maktol kong sagot habang bumalik sa pagkakaupo. Nilapitan naman ako ni bessy at naupo rin saking tabi.
" Talagang gugustuhin mong manalo para lang makapunta doon? Ang babaw mo, alam mo ba yun?", sermon na naman niya.
Napabuntong-hininga na lamang ako. Saglit naman siyang natahimik habang pinagmamasdan ako.
" Bessy, kung talagang gusto mong makita ang kaharian na yun, manalig ka lang sa tadhana.", dagdag pa niya habang hinawakan ang aking kamay. Napangiti na lang din ako at napatango.
Tama naman kasi siya, dahil kung talagang para sa atin, tiyak darating yan.
" Tara, punta na lang tayo sa may anoichto pedio nila. Balita ko nag-eensayo doon ngayon halos lahat ng mga estudyante. Mag-bo-boy-hunting tayo, dali.", habang excited niya akong hinila palabas at kinikilig pa.
BINABASA MO ANG
MAGEIA Unang Yugto: Ang Nakatagong Alamat
FantasyDalawang magkaparehong pangalan. Magkaibang pagkatao. May nagpakatotoo at may nagkukunwari. Kabutihang sinuklian ng kalupitan. Kalupitang naging sanhi ng pagbabago. At pagbabagong kokontrol sa kapalaran. _______________________ Sa mundo ng Mageia, m...