Mageia LXX: Daan Patungong Fotia

69 4 0
                                    

Kate's POV:

Kasalukuyan namin ngayong tinatahak itong sikretong daanan ng Gi patungong Fotia. Para siyang underground na para ring kweba. Sobrang dilim na kung wala kang dalang ilaw ay wala ka talagang makikita. Buti na lamang at pinalabas na naman ni Chris ang kaniyang mga alitaptap. Iyong mga kawal naming kasama naman ay may bitbit na mga sulo. 

Tulo ng mga tubig sa mabatong dingding at paglakad namin ang tanging ingay na maririnig sa buong paligid. Medyo makipot din ang kwebang ito. Limang taong lamang ang maaaring magkasabay sa paglakad. Buti na nga lang at medyo mataas naman ang bubong. Kaso, di pa rin pwedeng dalhin iyong mga kabayo kaya't naglalakad lamang kami ngayon.

Pumayag daw kasi si haring Titus na gamitin namin ang sikretong daan na ito, shortcut daw kasi ito patungong kaharian nina Blaze. Kaya pala nagpaiwan si Dark kanina, ito pala ang sinadya niya sa hari. 

"Maging maingat kayo sa mga nakausling bato at baka kayo ay masugatan.", wika ni Xavier na siya ngayong nangunguna sa aming paglalakad kasabay ang dalawa pang kawal na padala ni haring Titus upang maging gabay namin sa pagtawid nitong kweba.

"Ayos ka lang?", mahinang tanong ni Chris na kasabay ko. Muntikan kasi akong matalisod sa isang madulas na batong naapakan ko. Buti na lang at naagapan ko naman agad ng balanse.

"Mmm.", tanging sagot ko saka nagpatuloy sa paglalakad.

"Tss.", rinig ko mula kay Blaze na nasa unahan namin. Sila kasi ni Dark ang kasunod nina Xavier. Buti naman at hindi naisipang sumabay ni Nemi kay Blaze ngayon. Nasa likuran ko kasi siya kasabay naman si Alex.

"Isang oras na yata tayong naglalakad. Pwede bang huminto muna tayo saglit?", si Clau na kasabay naman ni Leah. 

"Oo nga. Pahinga na muna tayo.", sang-ayon naman ni Jane na kasunod nila Leah. Sa lakas ng pagkakasabi nito ni Jane ay napalingon sila Xavier. Sabagay kahit naman normal na pagsasalita sa loob nitong kweba ay maririnig pa rin sa unahan dahil na rin sa echo.

"Sige, pahinga na muna tayo dito. Lalakad tayo muli pagkalipas ng labinlimang minuto. Hindi tayo maaaring magtagal sa loob ng kwebang ito. Hindi niyo man ramdam agad pero hindi normal ang hangin dito. Maaari tayong kapusin ng hininga. At, huwag rin kayong masyadong mag-ingay. May mga nilalang rin kasi na dito ay naninirahan. Hindi ko nga lang alam kung anu-ano.", paliwanag ni Xavier habang naupo na ring kagaya namin.

Kani-kaniyang puwesto na kami sa bawat sulok. Ang mga kawal naman ay may iniabot na mga nakabalot na pagkain sa amin saka tubig. Di ko alam na naghanda pala sila ng mga ganito. Buti naman at medyo gutom na din pala ako. Clubhouse sandwich yung nakabalot. Dalawa pa nga sana hiningi ko kay kuya kaso tinawanan lang naman ako.

"Sayo na lang to.", alok ni Chris sa sandwich na hawak niya. "Di pa naman ako gutom."

Medyo natawa naman ako. Joke lang naman kasi yung paghingi ko kay kuya kanina.

"Hindi na. Biro ko lang naman yung kanina.", natatawa kong sabi sabay kagat sa hawak kong sandwich. Natawa lang din naman siya saka kumain na din. 

Akala ko ba'y hindi gutom 'to?  Ba't ang laki naman ng naging kagat? Tss.

Hindi ko naman sadyang mapabaling kay Blaze ang aking paningin habang kumakain. Katabi na naman niya si Nemi na masayang nagkukwento sa kaniya habang ngumunguya. Agad ko namang iniwas ang aking paningin nang mapabaling din sa aking kinaroroonan ang kaniyang mga mata.

'Alam kong sa akin ka nakatingin.'

Tinig ni Blaze sa aking isipan. Grabe naman makiramdam ang isang 'to.

'Pano mo naman nasabi', sagot ko habang nasa kaniya muli ang aking paningin.

'Ramdam ko. Pero, panu mo nga ba nagagawang kausapin ako gamit ang isipan? Ni hindi pa nga yan kayang gawin ni Nemi.'

MAGEIA Unang Yugto: Ang Nakatagong AlamatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon